Chapter 2

127 8 2
                                    

(A/N: hi sa lahat po ng mga mababait na magbabasa nitong chapter 2 ng aking kwento nagpapasalamat na po ako. assuming ang author. hehe malay mo lang naman may mag basa diba? masama bang mag thank you? haha pag pasensyahan kalahating tao kalahating baliw ang author ng kwento na to. Lulubusin ko na po ang pagkakataon favor naman Vote and Comment po. please :)) thank you)

Elle's POV

"Jozelle De Guzman tanghali na bumangon kana" napabalikwas ako agad sa kama dahil sa sigaw ng aking lola with matching kalampag pa ng sandok at takip ng kaldero. "ayan na babangon na nga" sagot ko sa kanya. pero antok na antok pa talaga ako matutulog pa ko 5 minutes lang promise.

pero di ko pa man naipipikit ang aking kaliwang mata. ASDFGHJKL! pinalo ba naman ng sandok yung takip ng kaldero sa tapat ng tenga ko na naging sanhi ng biglang pag kakatayo ko.

"ayan gising kana?" tanong sakin ng lola ko. "gising na gising" sagot ko sa kanya.

dumiretso agad ako sa banyo para maligo alam kong late na ako sa pag pasok sa school. ano akala mo nag madali akong maligo at mag bihis? di no wala sa bokabolaryo ni Jozelle De Guzman ang salitang mag madali.

7:35 na nung maka rating ako sa school pero imbis na kumaripas ng tumakbo papunta sa room nandito palang ako ngayon sa hagdan at binibilang ang bawat steps ko.

157, 158, 159 "Good morning ma'am" masiglang bati ko sa aking pagkabait bait na guro pag bukas na pag bukas ko ng pinto.

"De Guzman late ka nanaman. bukas pag late kapa di kana makakapasok." dirediretsong sabi sakin ni ma'am na akala mo nag rerecite ng Executive order no. 136. nginitian ko nalang siya sabay sabing "thank you ma'am Aguilar." un si ma'am Eva Aguilar ang aming math at A.P teacher halos gawin na niyang motto araw araw ang pag sesermon sakin kaya sanay narin ako.

"pare late ka nanaman." salubong agad sakin ng sking best friend na si Gela.

"bago ng bago? kelan ba ako pumasok ng maaga? and if I know nauna ka lang saking ng 5 mins." maka pang asar akala mo ang aga nyang pumasok.

"hehe" un nalang ang nasabi niya sabay kamot ng ulo niya.

"ano yang tinuturo ni ma'am?" tanong ko sa kanya kasalukuyan kasing nag sosolve sa board si Gin na aming salutatorian ng kung ano anong XY YX 2X ewan di ko maintindihan.

"aba malay ko. di ko nga alam kung san nakuha ni maam yan." kahit kelan talaga tong babae na to di nakikinig sa teacher.

"De Guzman kadadating mo palang dumadaldal kana." sigaw sakin ni ma'am.

kaya naman napag desisyonan kong tumahimik nalang at makinig pero kahit anong pakikinig ko ko talaga walang pumapasok sa utak ko.

Math Math Matutulog nalang ako. dumukmo ako sa desk.

ang tagal namang mag uwian. first subject uwian agad ang iniintindi ko ganyan talaga walang basagan ng trip! parang ganto lang yan pumapasok lang ako para umuwi XD

"Ok that's all for today be ready for our quiz tomorrow." halos pumalakpak naman ang tenga ko sa narinig ko kanina ko pa iniintay na marinig yan sa wakas. pero ano daw? quiz? yeah Im dead!

"Gin." tawag ko kay gin.

napailing nalangg si Gin sabay sabing "mamayang lunch." ngumiti nalang ako "thank you." sagot ko si Regine Villa Rosa o mas kilala sa tawag na Gin kasi ang aking taga pag ligtas sa panahon ng pangangailangan. study body ko siya ewan ko ba kung bat pinag tyatyagaan ako nyan. tinuturo nya sakin yung mga formulas and equation sa math pati sa accounting. cant imagine my grades without her. hahaha

ngayon ay lunch na kakatapos ko lang kumain at kasalukuyan akong na fifree tuitorial kay Gin nasa pangalawang formula palang kami bangag na ako.

pero kahit ganun pa man nagtagumpay naman ako at natutunan ko lahat ng tinuro niya siguro kasi takot akong makotongan sa ulo. haha

ang weird ang tahimik ni Gin.

"uy." bati ko sa kanya mukang kasalukuyang nanaginip ng gising eh.

"hah?" nag tataka pang sagot niya. luminga linga ako sa paligid para alamin kung ano na ang mga kaganapan. Ahh now I know kaya naman pala.

"kaya pala." at nginitian ko siya ng pang asar. siniko naman niya ako as na sign n wag akong magulo dahil gugulpihin nya ako.

sayang bell na kaya kinailangan na naming pumasok sa room.

A.P. ang aking pinaka paboritong subject at sa sobrang pag kagusto ko sa subject na to montik na akong makatulog dahil sa sobrang pagka bored!

mabagal daw ang oras kapag may inaantay ka pero kahit ganun pa man duumating parin ang oras aking pinaka iintay ang uwian.

napagkasunduan naman namin na tumambay muna sa covered court bago umuwi. lima lang kami dito ako si ali (aliyah Canasa), Precious (Precious Baltazar), si Gela at si Ellaine (Ellaine Salas).

at ang mga baliw kong kaklase mag laro daw ba ng spin the bottle sa covered court? buti nalang walang nag tetraining ngayon. at dahil sa ayaw ko naman na ma OP sumali na din ako.

unang natapat ang bote kay Gela. consequence ang pinili niya sigurado takot lang yan na mabuko siya na crush niya si Nathan at dahil may pagkabaliw ako.

inutusan ko siya na lumapit kay Nathan at humingi ng 2 pesos. wahaha mamatay matay ako sa kakatawa dito. pag balik niya kasi namumula siya at pinag papawisan ng malamig.

"wahahahaha." dahil sa sobrang galit niya sakin pinato niya sakin yung 2 pesos sabay agaw ng bote sakin at siya naman daw ang mag papaikot.

pero sorry siya dahil kay Precious tumapat. truth ang pinili niya tinanong siya ni ali kung may feelings pa siya para ky Drick ( Fredirick Tenorio ) pero ang loka agad na nag palit at consequence na daw siya. halatang halata na may gusto parin siya kay drick.

kaya naman ang inutos namin ay tumakbo ng 3 times sa court at sumigaw ng darna. wahahaha nagawa naman niya pero biglang dumating si Drick kalagitnaan ng pag sigaw niya at tawa ng tawa kaya naman sa sobrang galit niya tiningnan niya ako ng masama sabay paikot ng boto.

"Consequence." oo sakin tumapat kaya humanda ako.

Peste nakakahiya.

ang utos lang naman nila sakin ay lapitan ko daw yung lalaki na naggigitara na kung di ako nagkakamali ay yung gitarista ng SyncIn. tapos kamayan ko daw at sabihing Sisa para Kapitan. wag mo kong kakalimutang iboto sa susunod na halalan. kill me now!

huminga muna ako ng malalim at lumapit sa sa lalaki.

para naman siyang statwa na di makagalaw sa kinauupuan niya ngayon. bat naman kaya? wala pa nga akong ginagwa.

inabot ko yung kamay ko sa kanya inabot din naman niya bat sobrang lamig ng kamay niya at nanginginig pa.

"hi. Sisa para Kapitan, wag mo kong kakalimutang iboto sa susunod na halalan." pero imbis na siya yung tumawa sa pinag gagawa ko ako natawa sa reaksyon niya.

"ah eh a-no?" medyo confused pa yata siya sa tanong niya.

"wala never mind." ang slow di ba niya gets na napag tripan lang ako ng mga may sayad sa utak kong kaibigan? tumalikod na ako sa kanya at napailing nalang ako dahil wala na akong kasama oo iniwan ako nung 4 na baliw wag silang papakita sakin pag uuntog untogin ko sila.

napalingon ako sa likod ko para tingnan nung lalaki kanina akala ko pag tatawanan niya ako dahil napag tripan ako pero hanggang ngayon ay nakaupo parin siya na parang freeze na dun at di na naka galaw.

at titig na titig lang siya sakin.

ang weird ng lalaki nayun

Just One Month (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon