Chapter 12

54 6 0
                                    

Elle's POV

Madalas talaga ang wirdo ni enzo alam mo yun kahapon lang ang drama drama ng buhay niya ngayon kung makapang asar nanaman wagas

"Elle ano yang ginagawa mo?" pagtatanong niya

"wala wag mo akong pakialaman. mind your own business." sabi ko sa kanya habang tinatakpan yung papel na pinagsusulatan ko

pano ba kasi gumawa ng tula? ano ba dapat ang isulat dito? wala akong maisip. nakakainis naman kasi si kuya Sim

Flashback

"Si enzo ba yun?" nakangiting tanong sakin nung lola ko habang nanunuod ng tv

"Opo" tipid na sagot ko

"Bat di mo manlang pinapasok?" tanong niya

"ah.. ano wala gabi na kasi gagabihin siya.. oo gagabihin siya" sagot ko

"Weh? gagabihin? mukang enjoy pa nga siya sa pagyaka--" binatukan ko nga si kuya Sim mukang balak pa yata akong isumbong kay lola eh

"Ano sinasabi mo?" tanong ko sa kanya habang pinanglalakihan siya ng mata

"Wala, ikaw talaga hindi ka mabiro. Sabi ko mukang ang bait ni Enzo. lagi kabang inihahatid nun?" sabi niya, habang nakangiti

"Hindi mabait yun, bwiset nga yun sa buhay ko eh" sabi ko sa kanya

"Naku mabait yung bata na yun. Lagi siyang sinusundo at hinahatid nun minsan nga nakakahiya dahil bagal gumayak nyang pinasan mo" sabi ni lola

Ok de siya na boto kay enzo

"Sige na sige na mabait kung mabait." sabi ko sa kanila

"Jozelle balita ko ililibre mo daw ako ng ice cream?" sabi sakin ni kuya Sim

"Anong libre libre.. libre mo mukha mo" sabi ko

"Ahh ganun kapag si Enzo nili--" tinakpan ko yung bibig niya para di na niya matapus yung sinasabi niya. ang daldal kasi eh

"Ililibre kita" sabi ko sabay hatak sa kanya palabas ng bahay. Bwiset talaga tong kuya ko na to eh kung hindi ko lang to pinsan pinalutang ko na sa ilog pasig ang ang katawan nito

"Hoy ikaw bakit mo alam yun?" sigaw ko sa kanya habang masayang masaya siyang kumakain ng ice cream

"Di ko kasalanan na makita kayo no" sabi niya

"Wala yun wag mong bigyan ng malisya yung mga nakita mo" sabi ko sa kanya

"Wala naman akong sinasabi ah" sagot niya

"Wag mong sasabihin kay lola, iintrigahin ako nun" sabi ko

"Sige pagiisipan ko" sagot niya

"Kuya naman eh" pangungulit ko sa kanya

"Ahh sige, in one condition. madali naman akong kausap eh" sagot niya with a nakakalokong ngiti

"ano nanaman?" kunot noong tanong ko sa kanya

End

and here it goes mukhang inlove ang loko kaya nagpapagawa ng tula sakin at ibibigay daw niya dun sa nililigawan niya

aalamin ko talaga kung sino yung nililigawan nya para naman may pang black mail na din ako sa kanya at para maging quits na kami

"Ano nga kasi yan" tanong ulit ni enzo

"Wala nga kasi" sagot ko

"Ahh" sabi niya pero maya maya pa inagaw niya sakin yung papel at wag na akong nagawa dahil ang bilis ng pangyayari

"Ibalik mo sakin yan kung hindi ipapalapa kita sa aso" pagbabanta ko sa kanya

"Ano ba to? tula ba to? parang wala namang emosyon pano maiinlove ang pagbibigyan mo nito kung ganto ang nakasulat. Ang gulo pa ni hindi manlang magkakarhyme" sabi niya habang binabasa yung gawa ko

oo sige na ako na walang talent sa ganyan. bakit may talent ba siya sa ganyan hah?

"Teka may iba kabang gusto kaya ayaw mo sakin?" nakangiting sabi niya pero halata naman na malungkot siya

"Eh ano kung meron" pangaasar ko

"Meron?" tipid na tanong niya

"Porket ba nagsusulat ng tula may pagbibigyan na? hindi ba pwedeng may nagpapagawa lang sakin niyan?" tanong ko sa kanya at bigla nalang ulit siyang sumigla

"So wala nga?" tanong niya

" Wala kana dun kaya ibalik mo na sakin yan" sabi ko sa kanya

bigla ulit lumungkot yung mukha niya pero hindi ko inaasahan na

"Gusto mo ako nalang gumawa? mukhang kung ikaw ang gagawa nito aabutin ka ng isang linggo pero hindi kapa rin tapos" sabi niya

"go ahead" sabi ko, tatanggi paba? katuwa ko nga at hindi na ako mahihirapan eh. sa totoo lang kagabi ko pa yan ginagawa pero isang paragraph palang yung nagawa ko at nilait pa niya

tuloy tuloy lang siya sa pag sulat, habang ako nakatingin lang sa kanya

"Baka malusaw ako" sabi niya kaya umiwas ako ng tingin. bakit ko nga ba siya tinitingnan? hay jozelle magtigil ka nga

"Oh ayan tapus na" binigay niya sakin yung sinulat niya at binasa ko naman

aba ang galing niya nga, talented

"ang galing mo namang gumawa ng tula" papuri ko sa kanya

"ngayon mo lang narealize? eh tatlong beses yata kitang binigyan ng tula dati" sabi niya

oo nga pala pero malay ko ba kasing siya gumagawa nun. malay ko ba kung pinapagawa niya lang din sa iba yun

"Malay ko ba" sabi ko sa kanya

"Palibhasa kasi di mo pinapahalagan yung effort ko dati" pagsusumbat niya

"Ang bitter mo parin alam mo yun? hanggang ngayon ba may gusto kapa rin sakin?" sabi ko sa kanya. ganyan talaga kapag kaming dalawa ang magkausap hindi pwede ang paligoy ligoy dapat straight to the point ka

umiwas lang siya ng tingin at hindi na nagsalita

"alam ko namang wala na bitter ka lang talaga" sabi ko sa kanya

bigla nya akong tiningnan sa mata kaya ako naman ang napaiwas.. asar naman oh bat ba ako napaiwas? bat ba ako naiilang kapag tinitingnan niya ako sa mata? ano bang problema ko? nababaliw naba ako? kelangan ko na bang magpamental?

"Pano kung meron pa?" sabi sa inyo hindi uso samin ang paligoy ligoy eh

anak ng tokwa para akong nawawala sa sarili ko chaka ano ba tong nararamdaman ko?

kahit na ano pa man ito, I compose my self and smile.

"De meron" sagot ko sa kanya "Sige alis muna ako ah, by the way thank you sa tula, para sa pinsan ko yun" sabi ko sabay takbo

badtrip ano ba tong mga ikinikilos ko? nawiwirdohan na ako sa sarili ko

hindi hindi pwede..

(A/N: Heyow.. Good day.. thank you for reading.. hope you like it.)

-darkblackpen :-)

Just One Month (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon