Chapter 4

61 7 0
                                    

ELLE'S POV

Ang saya saya..

umagang umaga sira ang araw ko. pano ba naman pag pasok na pag pasok ko palang ng gate may sumalubong na sakin na men in black at isa isa nila akong binibigyan ng red rose.

tinanggap ko naman dahil sa dami ng mga taong feeling yata eh nanunuod sila ng sine with matching tili tili pa. baka mamaya mapagkamalan akong suplada at mataray pag inisnob ko.

yung huling huling lalaki na di ko ma notice kung sino dahil may suot siyang maskara ay may hawak na red cartolina at may nakasulat na.

"I LOVE YOU Jozelle De Guzman"

sobrang inis na ako pero I composed myself to smile at lumapit ako sa kanya.

"Sana last na to." bulong ko sa kanya sabay ngiti na sigurado kong nahahalata naman niya na fake.

hard kung hard pero sana naman itigil na niya yung kalokohan niya nahihirapan din ako. ayukong nasakin lahat ng atensyon ng mga tao ayuko ng pinag uusapan ako.

"Grabe pre." ang sweet ng manliligaw mo. sino kaya siya? tanong sakin ni Gela

"Sweet? ano sweet dun? ewan hindi ko alam." sagot ko sa kanya.

"nagpapakabato ka dahil sa nang yari dati? past is-" di ko na siya pinatapos dahil alam kung uungkatin nanaman niya yung nakaraan. nakaraan na dahilan kung bakit ganito ako ngayon.

"Past na nga diba? wag ng ungkatin." seryosong sabi ko sa kanya. tumahimik naman siya dahil alam na niya na napipikon na ako.

sa lahat ng bagay sa mundo ang pangyayari nayun ang ayukong ayukong pinag uusapan.

it only remains me na minsan nagpakatanga ako.

ENZO'S POV

mukang di niya nagustuhan yung ginawa ko kanina.

sabi niya sana daw last na yun. pero di parin ako susuko sabi nga ni lorraine pag may tyaga may nilaga.

ewan bat ba ako naniniwala kay lorraine basta may part sakin na gustong maniwala.

gabi na ngayon at siya parin ang iniisip ko. bakit kahit tinatarayan niya ako nacucutan parin ako sa kanya. ganto ba talaga pag nag mahal ka nagiging korny pati utak mo?

Elle Elle Elle. marinig ko lang ang pangalan niya nangingiti na ako.

text ko kaya.

"Hi Good evening Elle." -sent

5 mins

10 mins

walang nag rereply.

nag vibrate bigla yung phone ko kaya dali dali ko namang binuksan.

tsk. si Ivoh lang pala. sasabihin lang na may practice ang banda bukas.

no ba yan.

nag text ulit ako sa kanya.

"Good night." -sent

"walang good sa night ko." nag reply siya kaya halos hanggang tenga nanaman ang ngiti ko.

"Sorry." -sent

mukang galit pa yata pero ok lang at least nag reply siya.

at yun inabot ako ng 12:00 ng gabi para intayin kung mag rereply siya pero wala.

makatulog na nga maaga pa ako bukas.

dahil maglalagay pa ako ng teddy bear sa desk ni elle.

kinabukasan 5:00 am palang nasa school na ako.

"Oh iho ang aga mo yata." tanong sakin ni manong guard.

ngumiti nalang ako at dumiretso sa room nila elle.

sana lahat ng effort ko may katuturan.

dumiretso ako ng studio.

makatulog muna napuyat ako.

ELLE'S POV

hihikab hikab akong pumasok sa school. no ba yan napuyat ako kagabi dahil sa pagbabasa ng wattpad dahil 12:00 ko na natapos yung binabasa ko.

"Uy Elle" tawag sakin ni Gela.

di ako kumibo at lumapit nalang ako sa kanya.

so hindi parin pala siya tumitigil inuubos niya ang pasensya ko?

meron nanaman kasing malaking teddy bear sa upuan ko.

"Oh" inabot sakin ni Gela yung card na parang kamuka nung dati sigurado nabasa na niya yan.

binasa ko nalang ng mahina.

Whenever I saw your smile

Heart beat stops for a while

I'm confused with what I feel

All I know is I love you for real

                   -Secret Admirer <3

"ano tinitingin tingin nyo?" lahat kasi sila nakatingin sakin na parang hinihintay kung ako ang magiging reaksyon ko. umiwas naman silang lahat ng tingin.

"He's so sweet. I wish I also have my secret admirer. Oppa" narinig kong sabi ni ellaine ang aking kaklaseng koreana.

"nakakainggit ka elle." sabi naman ni marian ang kaklase kong madaldal.

ano naman ang nakakainggit sa araw araw na may nang gugulo sayo?

napangiwi nalang ako. ubos na pasensya ko. kung sino ka mang secret admirer ka humanda ka sakin. isang beses na akong nauto at sisiguraduhin kong di na ulit mauulit yun.

kung ano man ang trip mo wala akong balak sakyan yun.

pare pareho lang kayo

kinagabihan pagdating na pagdating ko ng bahay tinext ko agad si unknown or that so called secret admirer.

"Hoy kung sino ka man. be brave enough let me know who you are." -sent

after 5 mins nag reply siya.

ENZO'S POV

"Hoy kung sino ka man. be brave enough let me know who you are." na shock pa ako dahil sa nag text sakin si elle.

"hoy ano na bat huminto ka?" sigaw sakin ni Ivoh kasalukuyan kasi kaming nag papractice ngayon ng banda at napahinto kaming lahat dahil biglang nag ring yung phone ko.

di ko na sila pinansin at naupo nalang ako sa isang tabi.

magpapakilala na ba ako o magpapakilala na ako? bulong ko sa sarili ko.

"tama na katorpehan pare pakilala kana." payo sakin ni Gerald na nakatingin sa screen ng cellphone ko actually lahat naman sila eh. kaya dali dali kong tinakpan yung cellphone ko mga chismoso.

lumabas ako ng studio.

siguro nga Its about time para magpakilala na ako.

"Meet me at the basketball court tomorrow 4:00 pm right after your class." -sent

"OK." yan lang ang tanging reply niya.

gusto ko memorable ang pagpapakilala ko sa kanya kaya naman may naisip akong bright idea. bato lang ang di maiinlove pag ginawan siya ng lalaki ng ganun.

I cant wait for tomorrow

kinakabahan ako sa totoo lang

pumasok ako sa studio.

"Guys I need your help." ngiting ngiting sabi ko sa kanila.

ngumiti naman din sila as a sign of agreement.

whuh! I'm so nervous. I can feel my heart beats fast like its racing on a car race.

napabuntong hininga nalang ako

This is it pansit..

(A/N: hi po. hehe makikiepal lang ang epal na author. votes and comments ay libre please po.)

-darkblackpen <3

Just One Month (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon