Chapter 3

69 7 0
                                    

Enzo's POV

"anong klaseng kapatid ka?" pabirong sabi ko sa kapatid kong si Lorraine sabay bato sa kanya ng unan.

sa di sinasadyang pangyayari daw kasi mapadpad siya sa school kanina para sana sunduin ako at nakita niya ang lahat ng katorpehan ko at ngayon imbis na palakasin niya ang loob ko eh halos mabaliw na siya sa kakatawa.

"Wahahahahahahahaha. si Lorenzo Sarmiento TORPE." she really emphasized the word TORPE.

"Ewan ko sayo." inis na sabi ko sa kanya.

"Kuya bakit kasi ang torpe mo muka namang mabait si ate elle. Boyish lang." matawa tawang sabi niya.

"Lorraine pano ba dapat ligawan ang isang babae?" parang inosenteng tanong ko sa kanya.

"yung totoo? wala kang idea?" parang nang aasar na balik tanong niya sakin at nakangiti pa ng nakakaloko.

"di ako mag tyatyagang kausapin ang baliw kong kapatid kung alam ko kung pano." pasalamat to kapatid ko siya kung hindi baka pinatulan ko na siya.

"Dahil kuya kita. I'll help you."

its already 5:00 in the AM at nasa school na ako first time ko tong ginawa sa buhay ko.

pumasok ako ng sobrang aga para makapaglagay ng bouqet of red roses at chocolate sa desk niya.

sana matuwa siya.

Elle's POV

7:30 na ngayon at ngayon palang ako papasok bakit kasalanan ko ba marasap matulog kaya lagi akong late?

Oh. ano problema ng mga tao dito?

I hate getting attention from those people around me. I just want to walk in silent yung parang hangin na walang nakakanotice sakin.

pero ngayon nakakainis lahat ng co students ko na nadadaanan ko nakatingin sakin. may nagawa ba akong masama?

"Uy diba yan si elle?"

"oo oo siya un."

"ang cool niya no?"

"maganda siya kaso boyish."

so nag bubulungan ba sila? bat naririnig ko? tsk eto ang pinaka ayaw ko sa lahat ang pinag uusapan ako.

pag pasok ko ng class room.

"ayieeeee."

"ayan na siya, ayan na siya."

pagtapak na pagtapak ko palang sa class room tilian at sigawan na sila.

"OK anong meron?" bored na tanong ko sa kanila.

"Ikaw De Guzman may manliligaw ka pala di mo manlang kami sinabihan." pang aasar sakin ni ma'am aguilar.

"ako?" sabay turo sa sarili ko.

"Oo ikaw nga. tingnan mo to." sabi ni Gela sabay turo sa desk ko na may bouqet of red roses at chocolate.

"so ano yan?" clueless kong tanong sa kanya.

"De bigay ng secret admirer mo." dagdag naman ni Krian ( Krianna Mendez )

kinuha ko yung flowers pero may nalaglag na parang card yata pinulot naman ni Gela at inabot sakin.

"Basahin mo dali." excited na sabi niya. bubuklatin ko palang sana "ang tagal." hinablot niya sakin at binasa ng malakas ge ibroadcast mo. hiyang hiya na ko dito.

Love is like playing a game

Not sure if the feeling is same

But I'm happy coz you came

Jozelle De Guzman is the name

                    -Secret Admirer <3

lalong nagtilian yung mga kaklase ko pati si ma'am aguilar nakikitili na rin.

"Ok di nakakatuwa." bulong ko sa sarili ko pero mukang napalakas yata dahil narinig ni Gela.

"bato kaba? nakakakilig kaya."

pag sesermon niya sakin.

di nalang ako nag salita. nakakainis kung sino man yung abno na yun humanda siya sakin pumili sya ng pag tritripan niya di na ako maloloko ng kahit na sino.

buti naman uwian na ngayon naririndi na ako sa mga pangungulit ng mga kaklase ko kung sino daw ba yung so called Secret admirer ko daw. wala naman akong Idea kung sino yun. ayan tuloy napilitan akong umuwi ng maaga. sana naman bukas limot na nila yun.

pag dating ko ng bahay binuklat ko agad yung cellphone ko.

53 message puro GM kaya di ko na binasa pero ang binasa ko lang ay yung unregistered number.

Unknown:

"Hi nakuha mo ba yung flowers at teddy bear? sana natuwa ka."

matuwa? nakakatuwa ba na buong araw kang pinag uusapan ng lahat ng tao sa buong school dahil ang bilis kumalat ng chismis?

dahil sa sobrang inis ko at mainit ang ulo ko nag reply ako.

"Hoy kung sino ka man ano bang trip mo? mag hanap ka ng lolokohin mo." -sent

Ring...

Unknown:

"Di naman kita niloloko seryoso ko mahal kita."

aba matinde. baliw ba to?

"magkape ka nga tulog kapa yata." -sent

ring...

Unknown:

"Kahit isang litro pang kape ang inumin ko ikaw parin ang mahal ko."

ang korny ang korny korny korny!

"Ewan ko sayo." -sent

ring...

Unknown:

"Seryoso ako sayo mahal kita."

hindi naman kapanipaniwala yun. hindi na ako nag abala pang mag reply dahil ayuko na ring humaba pa ang usapan.

siguro naman bukas titigil na siya.

kinabukasan maaga akong pumasok dahil maaga akong ginising ng lola ko at sinermonan niya ako dahil di daw gawain ng matinong tao ang magpalate lagi sa klase.

bakit matino ba ako? XD

inaantok pa tuloy ako.

pagpasok ko ng gate ng school ok naman mukang wala namang kahinahinala.

buti naman.

kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

kaso mukang mali ako.

"Tsk mukang maghapon nanamang sasakit ang ulo ko." napailing nalang ako at naibulong sa sarili ko ang mga salita na yan.

Just One Month (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon