Chapter 10

41 5 0
                                    

Elle's POV

"Hi" nagulat ako dahil biglang may umupo sa tabi ko at binati ako. kasalukuyan kasi akong nakaupo sa isang bench sa basketball court at nanunuod ng practice nila Krian

"Kumusta?" tanong niya kaya kinunutan ko siya ng kilay, para kasing abno eh, wala pa ngang isang oras buhat nung maghiwalay kami tapos tatanungin niya ako ng kumusta

"Nakakunot nanaman yang kilay mo" sabi niya habang tinutuwid yung kilay ko gamit yung kamay niya kaya naman agad ko itong pinalis masyado kasing feeling close eh

"Ooops.. Sorry" sabi niya sabay ngiti

"Bakit ba kasi nandito ka?" pagtataray ko sa kanya. Pilit ko na ngang inilalayo ang landas ko sa kanya kaso para naman siyang anino na sunod ng sunod

"Kasi namimiss na kita" direct to the eyes niyang sabi sakin. Di ko nalang siya pinansin alam ko namang kasama lang yun sa plano niya at isa pa wala naman akong pakialam sa pinaglalaban niya

itinuon ko nalang ang pansin ko dun sa mga nagbabasketball kaso sa bawat parit parito nila lalo lang akong nalulungkot. Dapat kasi talaga nandyan ako eh, dapat ako yung nagdidribble ngayon imbis na si Janelle, hindi ko dapat kasama tong..

teka nasan na nga ba yung katabi ko dito kanina? may lahi sigurong kabuti yun bigla biglang kasing dadating tapus bigla bigla nalang ding mawawala

maya maya lang nandito nanamam siya sa tabi ko simula kasi nung nagkasama kami sa pag oorganize ng foundation day lagi na kaming magkasama

siguro dahil wala naman siyang ibang sasamahan, lahat kasi ng tao sa school ngayon ay busy. pati yung mga kaband member niya kasi ay player din ng iba't ibang sports. actually player din siya ng volleyball kaso dahil nga sa organizer siya napipilitan siyang di mag practice

"Oh" sabi niya sabay abot ng ice cream sakin

"Para san naman to?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ano naman kaya ang dahilan niya at nanlibre siya? wag niyang sabihin na ayaw niyang kumain ng ice cream mag isa tulad ng lagi niyang sinasabi

"Malungkot ka kasi eh, sabi ng kapatid ko kapag daw malungkot kayong mga babae kailangan nyo ng comfort food" sabi niya

pano naman kaya niya nalaman na malungkot ako? kanina ko pa nga yun tinatago at sa pagkakaalam ko talent ko ang pag pepretend

"Pano mo naman nalaman? hindi ako malungkot" sabi ko sa kanya

"Tsk hindi daw, alam mo kasi Elle you can pretend to anyone except to a person who love you the most" nakatingin sa malayong sabi niya

magulo din ang isang to eh. Umaandar nanaman tuloy ang kapilyahan ko, tingnan natin ang tibay mo

"Mahal mo paba ako?" may pagbibirong tanong ko sa kanya

napatingin lang siya sakin siguro di niya expected na tatanungin ko yun, akala niya ba siya lang ang marunong mang asar? sorry siya hobby ko yun

mukang hindi niya alam ang isasagot niya kaya nginitian ko nalang siya at tinapik sa tikod

"Nagbibiro lang ako, alam ko naman na hindi na" sabi ko sa kanya habang siya titig na titig parin sakin

kinuha ko yung ice cream na binibigay niya at tumayo na

"anyway salamat narin sa libre, una na ako" pangiting sabi ko sabay lakad palayo sa kanya. "ano ka ngayon?" bulong ko sa sarili ko

---
Enzo's POV

"Enzo ano ba? kanina kapa wala sa sarili" inis na sabi ni Ivoh, may practice kasi ang SyncIn ngayon para sa tutugtugin namin sa foundation day

Just One Month (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon