Chapter 9

55 6 0
                                    

ELLE'S POV

So balak nya palang maging instant driver ko? Matapus nya akong pahirapan at iwanan sa school kahapon. Montik pa akong makulong sa faculty room dahil nakatulog ako. Mabuti nalang talaga at nakita ako ni manong guard bago niya i lock yung pinto

ngayon nandito nanaman siya sa harap ng bahay namin dahil daw sinusundo niya ako

"Ang tagal mo naman mahigit sa kalahating oras na akong nagiintay dito alam mo ba yun?" pagrereklamo niya

Paki alam ko naman sayo at isa pa wala naman akong sinabi na sunduin mo ako sa bahay namin

"Wala akong sinabi na sunduin mo ako." poker face na sabi ko

Kumunot yung noo niya pero kaagad din naman na napalitan ng ngiti

Ang dami na talagang baliw sa mundo no?

"Pero willing naman akong mag intay basta ikaw yung iintayin ko."

So is it his way of making me fall in love with him? Ayos narin libre pamasahe sa hirap ba naman ng buhay ngayon bawat sentimo mahalaga kaya di ka dapat tumatanggi sa libre

Inabot niya sakin yung helmet

"Sakay na" sabi niya

Sumakay na ako as what I've said di dapat tinatanggihan ang libre. Kasalanan niya na yun kung trip nyang mag aksaya ng gasolina

"Elle natapos mo na yung pinapagawa ko sayo kahapon?" malumanay na tanong niya

Sinamaan ko siya ng tingin "sa tingin mo?" tipid na sagot ko

"Galit kaba? sorry ah, don't worry from now on tutulungan na kita" now tell me kailangan ko bang ipagpasalamat yun? Diba yun naman talaga yung dapat niyang gawin?

Sinimulan na naming tapusin yung ginagawa ko kahapon. Sobrang tahimik nga eh dahil wala naman saming nagsasalita wala din naman kasi kaming pag uusapan. Nag uusap lang kami kapag kailangang kailangan talaga

Mabilis naming natapus yung pag aarrange ng names. Konti nalang din naman kasi yun dahil natapos ko na yung iba kahapon

Akala ko makakauwi na ako dahil tapos na kaso sobrang dami pa palang paper works na dapat asikasuhin

Sa school kasi na ito sabay ang foundation day at intrams kaya pinaghahandaan talaga ng sobra

"ano sunod nating gagawin?" tanong ko sa kanya

"ahh siguro programs muna" sagot niya

"sige" pagsangayon ko naman dahil siya parin naman ang masusunod chaka wala naman akong alam sa mga dapat gawin

"So 4 days ang intrams" panimula niya "Sa first day dun natin ilalagay yung mga speech ng principal at mga teachers pati yung mga awards nila and after nun chaka natin bubukas yung mga booths ng iba't ibang year." dugtong nya pa

So may sasabihin pa ba ako? Nasabi na niya lahat sa first day

"So sa first day, speech and awards tapus yung opening ng mga booths" paguulit ko habang sinusulat ito sa papel

"ano ba yan ang panget ng sulat mo, ka babae mong tao mas maganda pa akong mag sulat kesa sayo" pamumuna niya sa sulat ko

"Ang arte mo. Bakit required ba na kapag babae ka kailangan maganda ang sulat mo? Saang batas naman kasaad yun?" ang arte naman niya scratch palang naman to at icocomputer writen pa

"Kahit na dapat kapag babae ka maganda sulat mo" dagdag niya

"Bakit kapag lalaki dapat panget ang sulat mo? Pwede walang pakialaman ng sulat" pagtataray ko

Just One Month (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon