Chapter 11

46 6 0
                                    

Enzo's POV

"Ang aga aga, sino ba yang kausap mo? tapusin mo muna tong ginagawa mo." pasigaw na sabi ko kay Elle, ang aga aga kasi may katawagan na tapos ako lahat ang gumagawa ng trabaho dito

"Hah? Oo naman ang gwapo kaya nya" rinig kong sabi ni Elle dun sa kausap niya sa phone

gwapo gwapo mas gwapo parin ako jan

"Mamaya ka na nga makipag tawagan jan" sigaw ko ulit

"Tahimik!" sagot niya sakin

"Talaga magaling din siyang mag basketball? sabi niya dun sa kausap nya habang ngingiti ngiti pa

tsk eh ano kung magaling mag basketball?

"Matalino din? top 3 sya sa klase.. naku hindi na dapat pinapakawalan yung mga ganyan. Total pakage." dagdag niya pa

"Hoy Elle nandito ka para mag organize ng foundation day hindi para makipag kwentuhan ang dami dami nating dapat tapusin" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin

sino ba yung kausap nya kitang busy kami eh istorbo siya

nakakaasar lang kasi hindi na nga ako magkanda ugaga dahil sa dami ng dapat gawin tapus sya nakikipag tawagan lang

"Sige sige.. balitaan mo ko tungkol sa-" hindi na niya natapus ung sasabihin nya dahil inagaw ko na yung cp niya

"Ano ba akin na nga yan" galit na sabi niya

"makukuha mo lang to kapag natapos mo na yang trabaho mo" sagot ko naman

"Magtatrabaho ako basta ibalik mo na yan" sigaw niya

pilit niyang inaabot sakin yung cp niya pero itinataas ko buti nalang mas matangkad ako kesa sa kanya

"Mamaya mo to makukuha" sabi ko

kaya ayun bumalik na siya sa pagtatrabaho. buti naman

kaso wala siyang imik galit parin yata hindi niya ako kinakausap kinukulit ko na nga pero hindi parin siya sumasagot

minadali niya lahat ung trabaho niya at bigla nalang umalis ng wala manlang sabi sabi ni hindi narin nga niya nakuha yung cp nya

bahala nga siya hindi ko ibabalik sa kanya to iintayin ko nalang na kuhanin niya para kausapin niya ako

---

Elle's POV

Teka nga bakit ba parang may nakalimutan ako?

"kanina pa kita tinatawagan bakit lalaki yung sumagot?" bigla akong natigilan sa paghahalungkat ng bag ko dahil na realize ko na yung cellphone ko pala ay nasa baliw na lalaking si enzo

"Kuya" sabi ko sabay yakap sa kanya "kailan kapa nakabalik?" tanong ko agad sa kanya

pinsan ko si Kuya Sim at laking ibang bansa siya dun kasi siya nagaaral almost 2 years narin buhat nung huli kaming magkita

"wag mong ibahin yung usapan, sino yung lalaking may hawak ng phone mo kanina?" tanong niya

bakit ba napaka wrong timing ni Enzo patay ako iintrigahin ako nito

"hehe wala yun Kuya Sim may nangumpis kasi ng CP ko kanina" sagot ko naman sa kanya pero mukang hindi siya naniniwala

tiningnan niya pa ako ng may pang aasar kaya napaiwas nalang ako ng tingin

"Siguraduhin mo lang ah, kailangan papasa sakin kapag may nanligaw sayo" sabi niya

"Hehe oo" alangan na sagot ko "Ahh kuya balik lang ako ng school kukuhanin ko lang yung phone ko" pagpapaalam ko sa kanya

Just One Month (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon