Entry 7

3 0 0
                                        

Nung college ako kapag ngumingiti ako sa isang tao ay dalawa lang ang ibig sabihin, it's either gusto kitang maging kaibigan or wala na akong masabi pa. Ngayong, nandito ako sa classroom na pinapaligiran ng mga kapwa masteral students na kagaya ko, isa na lang ang ibang sabihin kapag ngumingiti ako sa kanila. Yun ay, wala akong masasabi sayo kaya manahimik ka na.

Lahat kame dito ay mga professionals na dapat ay nagiging pino na ang mga kilos nila at maingat sa pananalita nila. Hindi yung pagpasok palang ng room ay naka bukas na ang bibig at bumubula pa dahil sa bilis at dami ng sinasabi. Ganto ba talaga kapag career oriented ka na? Or baka kaming natitirang katulad kung nagmamasid lang sa paligid ang totoong may paki sa estado nila sa buhay ngayon.

Hindi naman magulo pero maingay talaga lalo na kapag first subject pa namin. Madaming baong cheka ang mga kaklase ko, naiisip ko nga parang walang pinag kaiba nung kolehiyo palang ako. May ibang nagrereklamo sa trabaho nila, may ibang naninira ng ibang tao, ang iba ay nag sasalitan ng abiso sa buhay pag ibig nila at may iba naman na besing nagmamasid lang sa paligid katulad ko.

Huling araw na kase namin ngayon kaya siguro sila ganto ka aligaga. Pinapapunta lang kame dito para sa iba pang announcement ng adviser namin. After that we are free to go.

Dun sa huling araw na yun nakilala ko si Rieley. Actually, nakikita ko na sya sa class namin pero hindi ko sya kilala. Hindi kase ako interesado at tsaka every weekends lang kami nagkaklase so wala halos kaming bonding dahil lahat naman kame ay may kanya kanyang pinagkaka abalahan.

He formally introduced his self to me tinanggap ko naman and then I quickly went out of the room. I'm not interested and again not interested. Pero naabutan nya agad ako and he asked me for coffee, again I declined it. I was aware na dumada moves sya sakin. I have seen and experienced those overly used techniques kaya I'm a pro at declining those. Trained and expert na kung baga. I've been avoiding boys for three years na kaya alam ko na ang gagawin ko.

But Rieley was too persistent, personally and even virtually. He keeps bugging me even on ny social media accounts kahit sa twitter. Puputok na yata ang mga ugat sa ulo ko dahil sa kakulitan nya. I came up with a plan to meet and ditched him face to face. He is like a stubborn baby asking for his mom to sing him a lullaby. And I'm gonna sing him a metallic rock song until he'll be the one to quit.

I ditched him alright pero hindi nya tinanggap instead mas lumala pa sya. He always visits me on my work, bring me goodies, and he always offers a ride for me. It goes on for almost a year kahit patapos na kami sa masters namin. And unti unti narin akong naniniwala sa kanya. I mean, why does he keep on doing those things to me? Wala naman syang makukuha sakin? Mas mayaman pa nga sya sakin. But, my issues keep me from putting all my guards down though I know to myself that I'm considering the idea of falling. Kahit alam kong unti unting nahuhulog na ako sa kanya.

So, I decided before my 24th birthday ay sasagutin ko na sya. So, that will be a month away from our graduation. A month ng pagiging single. I decided to take a break from work first, just a quick break, a week sa isang sikat na Isla sa Mindanao. I deserve a break from all the toxics from my work and the people around me and from my own environment. And island will definitely do. No traffic. No skyscrappers. No work. Yay!

Simula ng mag trabaho ako ay hindi na ako nakakapunta sa beach o kahit sa resort man lang kaya halos dala ko ang lahat ng summer dress ko. I'm too excited to even think of Rieley that time. The idea of white sand and buko juice while sipping it under a  fine summer weather excites me a lot.

Feel na feel ko talaga ang pagiging turista, nasa himpapawid palang kame ay panay na ang kuha ko ng litrato sa Islang pupuntahan ko. You can really see the wild waves crashing on the big rocks kahit nasa himpapawid palang kame.

The Rejection DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon