CHAPTER 2

8.1K 100 2
                                    



"What the-"

Impit na napamura si Oliver matapos na apakan nang mariin ang preno ng kotse niya. May nakita siyang babaeng nakayuko na bigla na lamang tumawid sa kalsada. Marahang napasubsob pa sila sa malakas na impact ng pagpreno niya. Mabuti na lamang ay nakasuot sila ng seatbelt dahil kung hindi ay baka lumusot na ang mga ulo nila sa windshield ng kotse niya. He checked his sister beside her only to find her staring at him with wide eyes.

"OMG! Did you just hit her kuya? Tingnan natin-"

"I did not, ok? Wala akong naramdamang tumama sa kotse. Stay here and I will be the one to check. It's raining hard." Iritableng nagmamadaling lumabas siya ng sasakyan at di inalintala ang malakas na ulan. Nakita niya ang babae na nakahandusay sa kalsada at bahagya pa itong gumagalaw. Alam niyang hindi niya ito nabunggo dahil malayo ang pagitan ng kotse niya rito. He heaved a sigh of relief. Akala niya ay nabundol niya na ito.

"Miss?" inalog niya pa ng bahagya ang balikat nito. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito para makita niya ng husto. "Miss? Naririnig mo ba ako?" he knew she wasn't dead. He can see her eyes half open. She's mumbling something in which he couldn't understand. Ilang beses niya pa ito tinawag bago ito tuluyan na nawalan ng malay.

"Damn it!" wala na siyang makita pang solusyon kung hindi buhatin ito at isakay sa kotse niya. May iilang tao na rin kasi ang pinagtitinginan na sila. Baka isipin ng mga ito na nabundol niya nga ang babae.

"Is she dead? Bakit walang dugo? Ah, baka heart attack? My gosh! Are you going to be in jail, kuya? Paano na ako? Hindi pa ako nakakapunta ng presinto buong buhay ko." sunod na sunod na tanong ng kapatid niya matapos ilapag ang babae sa likod ng kotse niya. Tila mas lalo pang sumakit ang ulo niya sa mga pinagsasabi nito.

"Will you please stop overreacting Georgina? I need some peace of mind, ok?" sabi niya rito habang sinasabit ang seatbelt niya. He then started to drive.

"How can you even have a peace of mind, kuya? Knowing there's a dead-"

"She's not dead, oh please. She just collapsed because she's burning with fever." Nakumpirma niya iyon nang hawakan niya ang mukha nito kanina. Nag-aapoy iyon sa init. Ang bahagyang pagsasalita nito na hindi niya maintindihan ang senyales na nagdedeliryo na ito.

"Thanks God! Atleast hindi ka mamamatay tao? Sa ospital ba tayo didiretso?"

He even stared at her impossibly before answering. "No."

"What?!" napangiwi siya sa pagsigaw nito. This brat is such a walking whistle. "Don't tell me you will just let her died? Here, exactly on your car? " Napapikit na lang siya ng mariin sa pinagsasabi nito. Ano ba namang walang kwenta ang pinagsasabi ng batang ito. Ga'noon na ba siya kasama para makayang gawin ang mga sinasabi nito. Hinarap niya ito nang marahas.

"Do you think I'm that heartless huh?"

Nakita niyang kunwaring nag-iisip pa ito bago siya sinagot. "Well...I think so?"

This brat! He saw her then burst out laughing. "I'm just kidding kuya. Alam ko namang mabuti kang tao." May ibinulong pa ito ng bahagya sa sarili na narinig rin naman niya. "Hindi nga lang halata."

"Stop fooling around you brat. Hindi naman mangyayari lahat ng ito kung hindi ka na naman gumawa ng gulo. What is it this time huh, Georgina?" nakita niya pa ang bahagyang paglikot ng mga mata nito. Pamilyar iyon sa kanya lalo pa't iyon ang senyales na may ginawa na naman itong kalokohan.

Luck at first love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon