Hindi maiwasan na hindi kiligin ni Hazel nang umagang iyon. Nakauwi na kasi sila sa bahay at kasalukuyang nag-aagahan. Katabi niya ang binata na panay ang lagay nang pagkain sa plato niya. Napalunok siya at namula nang mapansing titig na titig sa kanilang dalawa ang mag-asawa pati narin si Ina na may nakakalokong ngiti.
"Ano ba, Oliver. Ang dami mo nang inilalagay."
"You need to eat a lot. I know you're sexy pero iba parin 'yong may laman." Namula pa siya nang husto sa sinabi nitong sexy raw siya.
Nakita niyang may kangkong sa plato niya. Napangiwi siya. "Hindi ko makain 'yan." Itinuro niya pa ito sa binata na ikinataka naman nito. "Allergic ako d'yan. Nangangati ako." Minsan niya ng naranasan iyon ng iyon ang ulam ng Tiya Minda niya noon. Muntikan pa siya nung maospital dahil sa hindi na siya makahinga at nangangati na siya.
"I'm sorry. Let me eat this for you." Kakainin na sana iyon nang binata ng pinigilan siya ng kapatid nito.
"No, kuya! Huwag mong kainin 'yan"
"And why?"
"You can't kiss her later." Nagtitili pa ito na tinutukso sila. Namula siya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ay pilya ito. Akala niya ay sisitahin na naman ito nang kapatid pero laking gulat niya nang magsalita ito.
"You're right."
"Oliver!" nalaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
"I couldn't afford not to kiss you" Kinindatan pa siya nito. Hindi ba siya namamalikmata lang? Kinindatan siya nito? Nang lalaking masungit na ito? Natawa siya at hindi na itinangging kinilig.
"OMG! Kuya, you're so cheesy. Yieeee."
"Get used to it, Georgina." Tinanggal na nito at itinabi ang kangkong sa plato niya.
Nakita niyang tumawa na rin ang mag-asawa. Nitong nakaraang linggo lang ay nagulat sila ng inanunsyo ni Oliver na sila na. Ang una talagang nagbunyi ay ang kapatid nitong si Ina. Niyakap pa siya nito nang mahigpit. Tinutukso pa nito nang husto ang kuya nito na in-denial raw ito noon na tinawanan na lang nang binata. Nakahingi narin ito ng dispensya sa kanya sa nangyari noong nasa resort sila. Wala naman siyang dapat na ikagalit rito lalo pa't sinabi niyang aksidente lang iyon at walang dapat na sisihin. Hindi talaga siya marunong lumangoy kaya nalunod siya. At hindi niya naman iyon kasalanan.
"I have a gift for you." Tiningnan niya ang nobyo niya. Kinikilig talaga siya nang husto nang nagging nobyo na niya ito. Alam niyang masyadong mabilis na naging sila agad pero wala na siyang pakialam pa roon. Ang mahalaga ay kapwa mahal nila ang isa't isa. At isa pa mukhang panliligaw narin naman ang nararamdaman niya sa tuwing araw-araw niya itong nakikita. Mahilig itong sorpresahin siya na sobrang ikinikig niya nang husto. Ibang-iba pala ito sa masungit nitong karakter nang una niya itong makilala. Hindi niya alam na may itinatagong sweetness ito. At ang saya niya. Sobrang-sobrang saya niya.
"Na naman? Ano ba, Oliver. Huwag kang bili ng bili ng gamit para sa akin." Isa iyon sa ikinaiinis niya rito. Mahilig itong mamili ng gamit para sa kanya. Minsan niya nang tinanggihan ang mga iyon pero nagalit lang ito. Hindi naman kasi siya gaanong mahilig sa mga materyal na bagay. Pero ang laging ikinakatwiran nito ay marami raw itong pera kaya wala lang iyon rito.
"I have the money, love. It doesn't matter as long as it's for you." Sabi niya na nga ba.
Napabuntong hininga na lang siya rito. Hindi na siya nakipag-argumento pa lalo't alam niyang magagalit lang ito. "Ano na naman ba iyon?"
BINABASA MO ANG
Luck at first love (COMPLETED)
Romance"You deserved to be treasured. And most especially to be loved." Ipinanganak ata na malas si Hazel buong buhay niya. Maagang naulila. Pinagpasa-pasahan ng kapamilya. Ginawang alipin. Nawalan ng trabaho. At ang matinding kinahaharap ngayon ay ang pag...