CHAPTER 4

6.2K 66 0
                                    



Nasa kusina pa rin sila ng may naalala si Hazel nang sandaling iyon. "Teka- nawalan ako ng malay kagabi dahil may lagnat ako?" kinumpirma niya sa mga ito. Iyon kasi ang naiisip niya na dahilan kung bakit siya nawalan ng malay kagabi. Akala pa naman niya talaga ay nabundol talaga siya.

"Correction ate, pero hindi iyon kagabi."

Ano? Hindi kagabi? Kailan-

"Dalawang araw ka nang tulog iha." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng matanda. Dalawang araw na? Ga'nun katagal na siyang natutulog? Hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng hiya. Dalawang araw na pala siyang perwisyo sa mga ito kung ga'noon.

"Kinabahan nga kami nang husto ate eh. Akala talaga naming ay hindi ka na magigising pa. Muntikan pa nga'ng mag-away sina kuya at kuya Ets eh."

"Bakit naman?" Takang tanong niya kay Ina.

"Eh hindi ka nga magising-gising. Akala ko nga, kami lang ang kinabahan ng todo. Iyon pala ay pasimple lang rin itong si kuya. He keeps on insisting that you should be brought to the hospital. Maybe there is something wrong with you raw. Pero ang sabi ni kuya Ets ay okay ka lang naman raw. That all we have to do that time is to wait for you to wake up."

Concerned rin pala ang sungit na iyon.

"Ganun ba? Pasensya na sa inyo ha. Napaka-perwisyo ko na para sa inyo. Ni hindi man lang talaga ako totong nabundol ng kuya mo pero kinupkop niyo pa rin ako. Huwag kayong mag-alala. Aalis rin ako pagkatapos nito." Nakita niyang nalungkot si Ina.

"Pasensya na rin po Nanay Fe. Hindi ko po mababayaran itong kinain ko pati narin po ang pagtulog rito. Wala po kasi talaga akong pera." Nakayukong paumanhin niya sa matanda

"Huwag mo nang alalahanin iyon iha. Hindi ka naman namin sinisingil. Ang mahalaga ay ayos ka na."

"Aalis kana agad ate? Di ba pwede na dito ka nalang muna? Promise, ipahahatid ka namin sa inyo. Can you stay a little longer, please? Wala na kasi akong iba pang makausap rito bukod kila nanay." Nagmamakaawang sabi pa sa kanya ni Ina. Natawa siya sa sinabi nito. Mabuti sana kung may uuwian siya.

"Hindi pwede Ina eh. Kailangan ko na talagang umalis. Maghahanap pa kasi ako nang trabaho."

"Trabaho? Bakit kailangan mo ng trabaho?"

Natawa siya sa tanong nito. "Ah- Para mabuhay?" patanong niyang sagot rito.

"Nawalan ka ng trabaho, iha?" Tanong ni nanay Fe.

"Opo"

"Sige, ipahahatid na lang kita sa asawa ko. At baka nag-aalala na rin ang mga magulang mo sa iyo." Nalungkot siya sa huling narinig sa matanda. Sana nga ay totoo ang mga iyon.

"Naku, gustuhin ko mang magpahatid ay malabo rin po 'yon mangyari."

"Bakit naman?"

"Wala po kasi akong bahay." Napangiwing sabi niya rito.

"What?!" sigaw naman ni Ina sa sinabi niya.

"Actually po iyong gabing muntikan akong masagasaan ay napalayas po ako sa inuupahan ko nun. Wala rin po akong pera."

"Kaya ka nagalit kay kuya dahil buhay ka pa? Gusto mo nang mamatay kasi walang wala kana?" nahihiyang tumango siya sa mga tanong ni Ina.

"Nasaan ang mga magulang mo?"

Luck at first love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon