CHAPTER 8

5.7K 77 2
                                    



"I don't think I can come for lunch."

Tiningala niya ang nobyo nang sabihin iyon. Kasalukuyan silang nasa sala at nanunuod ng balita. Nakaakbay ito sa kanya habang nagsusumiksik naman siya sa leeg nito. Hindi niya rin mapigilang hindi ito amuyin. Iyon ang paborito niyang gawin rito. Ang bango kasi nito. Naliligo ba ito ng pabango? Dagdag pa na kakatapos lang nitong mag-ahit at naaamoy niya pa rin ang after shave na amoy nito.

"Bakit naman?" hindi niya tuloy maiwasan na malungkot kaunti. Nasanay kasi siyang palagi itong umuuwi nang tanghalian.

"I have a meeting with our new investors. It will end up late in the afternoon." Inamoy nito ang buhok niya. Isa iyon sa palagi nitong gawin sa kanya.

"Okay. Pero 'wag mo parin kalimutan na kumain ha? Alam ko namang palagi mong nakakalimutan minsan kumain kapag nagiging busy ka na."

"Yes, love."

Napangiti siya. Apat na buwan na niya itong nobyo. At sa mga buwang iyon ay walang pagsidlan ang kasiyahan niya. Itinrato siya nitong prinsesa. Ito rin ang nagturo sa kanya ng ilang mga bagay na hindi niya pa nagagawa. Ipinasyal sa ilang mga lugar na hindi niya inaasahang mapupuntahan niya buong buhay niya. At ipinadama ang labis na pagmamahal na akala niya ay hindi niya mararanasan noon. Ganoon pala kasaya at kasarap na may taong inaalagaan at minamahal ka nang husto. Akala niya ay hindi niya na iyon mararanasan pa.

"Have you decided what course to take up?"

"Hindi pa rin eh. Hindi ko alam kung ano ba 'yong babagay sa akin"

Ang tinutukoy kasi nito ang kursong kukunin niya sa kolehiyo ngayong pasukan. Nasabi niya kasi rito na gusto niyang mag-aral muli. Hindi niya rin naman magawang makapag-kolehiyo kahit pa noong nagtratrabaho pa siya sa coffee shop. Hindi rin niya kasi makakaya ang pambayad sa tution kaya kahit gustuhin niya man ay alam niyang hindi pwede. Napagpasyahan niya ito dahil nahihiya kasi siya sa kanyang sarili. Sa palagay niya kasi ay hindi sila bagay ng binata. Highschool graduate lang siya samantalang ito ay sobrang successful na. Nanliliit siya. Pero ni minsan ay hindi pinaramdam sa kanya ng binata na hindi sila bagay. Mahal raw siya nito at wala siyang pakialam sa mga ga'noong aspeto. Nang makapagdesisyon siya na mag-aaral muli ay buo ang suportang ibinigay nito sa kanya.

"What about Business Administration? Pwede tayong magpatayo ng negosyo mo after you graduate."

Nagulat siya sa sinabi nito at bahagyang tinampal ang dibdib nito. "Ano ka ba! Huwag ka nga. Sobra sobra na 'yan" Pero hindi niya parin maiwasan na mapangiti. Iniisip na kasi ng binata na siya na ang makakasama nito habangbuhay. Kung baga ay kasali na siya sa mga plano nito sa hinaharap.

"What's wrong with that? What's mine will be yours too in the future." Namula siya sa sinabi nito at hindi maiwasang hindi kiligin.

"Pero gusto ko munang makapagtapos. Gusto kong maging karapat dapat para sayo. "Yong kaya mong maipagmalaki."

"You are deserved to be show off, love. And I don't care what the others will say. As long as we love each other, that's all that matters." Hinalikan pa siya nito sa kanyang sentido.


---------


"Here it is. Let's go now, ate."

Luck at first love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon