CHAPTER 3

6.2K 82 0
                                    



Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ni Hazel nang imulat nang dahan dahan ang mga mata. Nagulat siya nang makita ang sarili na nakahiga sa isang di pamilyar na silid. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasaan siya? Kinapa niya ang sarili. Buhay siya? Akala niya ay patay na siya. Ang huling natatandaan niya ay ang gwapong nilalang na inaakala niyang si San Pedro na sinusundo na siya. Mukhang hindi naman langit ang pinagdalhan sa kanya nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin na iba ang damit na suot niya. Kinabahan siya nang husto. Anong nangyari sa kanya? Tiningnan niya ang mga panloob niya at hindi rin iyon sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi mapasigaw. Sinong nagbihis sa kanya?

"Ahhhhhh!"

Biglang bumukas ang pinto ng silid niya at iniluwa niyon ang tatlong taong noon niya lang nakita.

"May sunog ba? Lindol? Bagyo?" isang batang babae ang natatarantang nagtanong. Kasunod nito ang matandang babae na nag-aalalang tiningnan siya. Agad siyang pinuntahan ng mga ito.

"Are you ok?" tiningala niya ang nagsalita. Isang mestisong lalaki ang nagtanong sa kanya. Akmang hahawakan siya nito sa balikat nang pumiksi siya.

"Sino kayo? Nasaan ako? Huwag mong sabihing ikaw ang nagbihis sa akin?" sunod –sunod niyang tanong rito.

"I wish I am but-"

"Kuya Ets!"

"Walang hiya ka!" akmang susugurin niya na ito nang pinigilan siya ng matandang babae.

"Ako ang nagbihis sa iyo, anak. Huwag kang mag-alala. Basang basa ka sa ulan kaya pinalitan ko ang mga damit mo." Mahinahon na sabi sa kanya ng matanda. Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito.

"Pasensya ka na ate. Mapagbiro kasi itong Kuya Ets ko." Sinuntok pa ng batang babae ang tiyan ng lalaking tinutukoy nito. Napaubo naman ito.

"She's right. I was just kidding. Hindi ako manyak, miss ha. Well, just to clear up myself." Nakangiting tiningnan pa siya nito. Mukhang tama nga ito. Ang gwapo nito para maging manyak.

"Ang defensive mo, Kuya. Ay!-" napatili ang bata nang inihilamos ng lalaki ang palad nito sa kanya.

"I'm Ethan by the way. Ako iyong doctor na tumingin sa iyo" tinangap niya ang nakalahad nitong kamay.

"And I'm Georgina. Just Ina for short." Nagulat siya at nailang nang inilapit nito ang mukha nito sa kanya. Halos maduling siya sa ginagawa nito.

"Stop that Georgina. You're creeping her out." Tiningnan niya ang lalaking nagsalita. Nakatayo ito at nakasandal sa pintuan. Nanlalaki ang mga matang itinuro niya ito.

"I-ikaw? Ikaw si San Pedro, di ba? P-paanong-?"

"Ppfft-San Pedro?" bumulanghit nang tawa ang mestisong doctor na katabi niya. "I never know that you look like San Pedro bro?" tumigil rin ito bigla nang makitang seryoso pa'ring tinitingnan sila ng lalaki. Hindi mababakas rito ang tuwa.

"Ate? Hindi si San Pedro 'yan. Si Lucifer- ay este si kuya ko iyan." Napatingin siya rito.

"Kuya mo rin siya?" Tanong niya rito. "Siya ang huling taong nakita ko 'nung akala ko patay na ako. Akala ko siya si San Pedro na susundo sa akin." Pinagtagpi-tagpi niya ang mga pangyayari. Hindi naman pala talaga siya namatay. Ni wala man lang siyang makitang galos o sugat man lang sa katawan. Ang tanging nararamdaman niya lang ay ang mabigat na katawan at pagsakit ng ulo.

Luck at first love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon