CHAPTER 10 (ENDING)

8.3K 124 35
                                    



"Pauwi ka na ba ate?"

"Oo, Ina. Pasensya na kung natagalan, tumulong pa kasi ako rito."

Si Ina ang kausap niya sa kabilang linya. Kasalukuyan niya nang tinatahak ang daan pauwi sa bahay ng mga ito. Napagpasiyahan niya na kasing umuwi lalo pa't nami-miss niya na ang mga ito. Ginabi na siya dahil tinapos niya pa ang libing ng tiyahin niya kaninang tanghali. Tumulong pa kasi siya sa pagliligpit at pag-aasikaso ng mga bisita nila. Nag-paalam na rin siya sa tiyahin niya at sinabi ritong nakahanap na siya nang matutuluyan. Niyakap pa siya nito bago siya tuluyang umalis. Ipinangako niya ring bibisitahin niya ang mga ito.

"Naku, wala iyon ate. Mas importante naman iyan. Condolence po pala." Nagpasalamat siya rito. Narinig niya pang tumawa ito sa kabilang linya bago muling nagsalita. "At isa pa, nag-eenjoy pa akong makita rito si kuya na halos mabaliw na sa kakahanap sa iyo. Hindi na ako magtaka kung ipadala ko na ito sa mental isang araw dahil napaparanoid na rin ito sa kung ano na ba ang nangyayari sa'yo."

Natawa siya. Ang pilya talaga nito. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng excitement. Aminado siya na miss na miss niya na ang binata. Nalaman niya rin mula kay Ina na nakipag-ayos na nga ito kay Mia. Nakahinga siya nang maluwag. Atleast wala na ang galit na kinikimkim nito sa puso niya. Marunong naman pala talaga itong magpatawad. At masaya at proud siya sa lakas ng loob na ginawa ng nobyo.

"Ay ate, nandyan na siya. Nakabusangot na naman ang mukha." Bumubulong na sabi pa ni Ina sa kanya. "Kapag nandito ka na ate, huwag ka munang bumigay agad. Magpakipot ka muna kahit kunti, ha? Pahirapan mo muna siya. Ang sarap pa kasi niyang pagtripan"

Humalakhak siya bago siya binabaan nito. Magpakipot? Hindi niya matiyak kung magagawa niya ito. Hindi rin siya makasigurado sa sarili. Baka imbes na pahirapan ito ay bumigay siya agad. Natawa siya sa naisip.

Pinara niya na ang sinasakyang taxi ng makitang nasa tapat na siya ng bahay ng mga ito. Agad siyang nagbayad sa driver at bumaba. Pagpasok niya ay nakasalubong niya ang mag-asawa. Nagulat ang mga ito nang makita siya at akmang tatawagin na sana nang mga ito ang binat pero sinenyasan niya ang mga ito na manahimik. Agad namang nakisakay ang mga ito sa kanya. Nakumpirma niyang nasa loob na ang nobyo nang makitang kumpleto ang mga sasakyan nito sa garahe. Maingat na binuksan niya ang pinto ng bahay at muntik na siyang mapasinghap nang makita ang likod ng nobyo at si Ina na nasa sala. Hindi siya makita ng nobyo dahil nakatalikod ang sopang inuupuan nito. Nakita naman siya agad ni Ina lalo pa't kaharap nito ang kapatid. Sinenyasan siya nito ng palihim para tumahimik. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon rito.

"Dam it! I can't still contact her. Maybe we should call the police. Baka nakidnap na siya or something." Pinigilan niya ang matawa. Ang OA pala nito.

"Or maybe, she will not be coming back?"

"Shut up Georgina!"

Tumawa pa ang kapatid nito sa sinabi nito. Kahit siya ay natatawa rin lalo pa't alam niyang sinasadyang pikunin nito ang nakatatandang kapatid.

"Or much worst kuya is baka nakahanap na si ate ng iba. 'Yong hindi masungit. 'Yong hindi siya sasaktan."

Nakita niyang napipikong sinabunutan ng nobyo niya ang buhok nito. Tila doon ibinubuntun ang galit. "I will not let that happen, Georgina. I'm gonna make sure that she's coming back. I will fucking make sure that I will find her no matter what it takes."

Napalunok siya sa intensidad nang pagkakasambit nito.

"Kasalanan mo naman kasi, kuya. Hala!" nakita niya pang tinatakot pa nito nang husto ang kapatid. "Mukhang hindi na talaga babalik si ate."

Luck at first love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon