A/N: Maraming salamat sa mga nag vote sa nakaraang chap. ^___^
Crizzy's POV
Ringgg~ (a/n: sensya na sa sound effect)
"Yes! Sawakas!"sigaw ni Nica
"Wag ka ngang sumigaw!"suway ni Cath
Wag daw sumigaw pero sya sumisigaw din =_=
"Tama na yan tara na lang sa canteen" ako at lumabas na kami ng room
"Crizzy!" ???
Napalingon kaning tatlo sa taong sumigaw ng napaka gandang pangalan ko
(a/n: Weh? Di nga?)
Hhmph!
"Bakit?" tanong ko kay Marvin.
"Sabay na ako sa'yo mag lunch pwede?" sya
"Ok"
Nagtataka ba kayo kung ano ang nangyari sa rooftop kahapon matapos nya mag confess sakin?
Well...
mamaya ko nalang ikukwento dahil gutom na ako.
Tinignan ko yung dalawa at...
?_? Nica na nagtataka
>.> Cath na matamang naka titig sakin
Binigyan ko na lang sila ng i'll-explain-later-look. Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanila ang nangyari kahapon.
@canteen
Mtapo naming maka order at maka upo. Sinimulan ko nang ipakilala kay Marvin yung dalawa since kilala na nila ang SC Pres.
"Marvin, sila ang bestfriends ko sina Nica at Cath" ako
"Hello" Nica
" =_= " Cath
"It's nice meeting both of you" Marvin. Aba english
"Bes, dumugo ata ilong ko" Nica
"Sira ka talaga" ako
Napatawa na lang si Marvin sa kalokohan ni Nica
"Spill it" Cath
Ang babaeng 'to, straight to the point agad eh!
"Ok, ganito kasi yon" ako
So sinimulan ko ng ikuwento ang nangyari kahapon habang kumakain kami. Mahirap magkawento pag gutom ka.
Hindi na daw magkakaron ng flashback dahil tamad si otor
At nang matapos kong ikwuento ang mga kaganapan...
"What!? So you mean ikaw si 'M' " Nica
"Yep the one and only" Marvin
"At crush mo si bes? Weh?" Nica
"Hoy! anong 'weh' ha?" ako
"Haha...Oo crush ko sya" Marvin
"So liligawan mo si Bes?" Nica
"Hindi nya ako liligawan dahil sinabi ko sakanya na hanggang friends lang kami" ako
"Tama si Crizzy, tsaka tanggap ko na hanggang friends lang kami. It's better than nothing right?" Marvin.
"Yeah" pagsang ayon ni Cath sa sinabi ni Marvin.
"Oh! nagsasalita ka pala" Nica
"Tss" Cath
Nagsisimula nanaman sila. =_=
"Haha..ang kulit nyo pala" komento ni Marvin
"Masanay ka na" ako
At natapos ang lunch namin ng puro tawanan at kalokohan ni Nica.
***
Tapos na ang class hours at malamang uwian na. Pinauna ko nang umuwi ung dalawa dahil may kukunin pa ako sa locker ko.
Pagbukas ko ng locker ko may nalaglag na sulat. Pinulot ko ito at tama nga ang hinala ko.....isa itong love letter
'Baka galing kay mark' isip ko
Nilagay ko muna sa bag ko yung sulat at kinuha ang pakay ko. Nag-umpisa na akong maglakad pero hindi pa ako nakaka-ilang hakbang nang may tumawag saken.
"Criz!" si Marc.
"Oh?"
"Uuwi ka na ba?"
"Oo eh may kinuha lang ako sa locker, ikaw?"
"May ibibigay lang akong papers sa principal tapos sabay na tayong umuwi pwede?"
"Sige, intayin na lang kita"
After nyang ibigay sa principal ung mga papers nag-umpisa na kaming mag lakad.
"Marvin" tawag ko sakanya
"Oh?"
"Sa'yo ba galing 'to?" pinakita ko sakanya yung sulat
"Hindi eh, tumigil na ako sa pagbibigay ng mga love letters matapos mo akong i-reject" tapos umarte sya na para bang nasasaktan
"Sira! Kung hindi sayo galing kanino?"
"Ewan, a new secret admirer?"
'A New Secret huh?'
_____________________________________________________________
A/N: Nakapag UD rin...hehe dapat kagabi ko pa 'to pinost kaso si wifi ayaw makisama -3-
Hanggang 9-10 chap. lang po ang balak ko dito so ibig sabihin malapit na magtapos ang "Crush Mo Ko!?"
![Crush Mo Ko!? [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/15725312-64-k769023.jpg)