A/N: Sorry po kung hindi aq nakpg UD last time. Naggroup proj. po ka c kmi eh.
Kadugsong po ito nung last chap. Enjoy! ^_^
Crizzy's POV
Nagkwentuhan at nagkainan lang kami buong magdamag. Grabe nakakamiss talaga ang ganito.
"Crizzy"nilingon ko ang taong tumawag sakin at hindi nga ako nagkamali sakanya nga ang boses na yun.
"Marc...baket?" ako. Grabe lalong gumwapo si Marc. Mas lalo tuloy akong nai-inlove sakanya. Oo hanggang ngayon mahal ko parin sya.
"Uhmmm....pwede ka bang makausap? Yung tayong dalawa lang?" sya
"O-okay" ako
Ngumite naman sya at naunang maglakad paalis at sinundan ko naman sya. Ano kayang gusto nyang pag-usapan namin? Shet! Bakit parang excited at kinakabahan ako?
Nakarating kami sa balcony ng apartment ko. Nakatalikod lang sya sakin.
S
I
L
E
N
C
E
Ilang minuto na kaming nakatayo pero hindi parin sya nagsasalita. Nilalamok na nga ako eh at ang lamig pa ng ihip ng hangin. Magsasalita na sana ako bago pa mapanis ang mga laway namin dito... kaso naunahan na nya ako.
"Crizzy" sambit nya sa pangalan ko at unti unti syang humarap sakin tapos seryoso ung mukha nya.
"Hmm" ako...eh sa walang masabi eh
"Here" may inabot sya sakin na sulat
"Huh?" nagtataka akong tumingin sakanya. Bakit naman nya ako bibigyan ng sulat kung pwede naman nya akong kausapin ng matino?
"Read it" sya kaya binasa ko ang nakasulat
Dear Crizzy,
Welcome Back ^_^
'C'
Nagulat ako nang makita ko ang letter 'C' sa dulo nung sulat.
Isa lang ang pumasok sa isip ko nang mga oras na ito. At hindi sko pwedeng magkamali.
Marc's POV
Matapos nyang mabasa kung ano yung nakasulat napatulala sya.
Bigla syang napatingin sakin. Mababakas sa mga mata nya ang pagkagulat at pagtataka. I think nakuha na nya ang nais kong iparating.
"Ikaw!?" gulat at hindi makapaniwalang tanong nya saken
"Oo ako nga ang secret admirer mo na si "C"" nakangiti kong paliwanag
Oo tama ang nabasa nyo ako nga si 'C' ang secret admirer ni Crizzy.
Crizzy's POV
Hindi ako makapaniwala na si 'C' at ang taong mahal ko ay iisa.
Nakatulala lang ako sa habang nakanganga sa harap ni Marc.
"Crizzy?" tawag saken ni Marc na syang gumising saken sa realidad
"Huh?..."parang tanga kong tanong and I hear him chuckle. Nakakahiya ka talaga Crizzy!
"Soryy hindi lang kasi ako makapaniwala" nahihiya kong sabi sa kanya
"Crizzy...naalala mo pa ba yung huling sulat ko sayo 4 yrs ago?"tanong nya sken
"Oo naaalalako yung yulat na yon" ako
"Alam mo ba na sa mismong araw nayun ko balak na magpakilala sayo" sya
Hindi ako umimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kaso mukhang ayaw pa ni Destiny at ni Time na magtapat ako sayo" napatawa sya sa sinabi nya kahit ako natawa rin.
"So ibig sabihin ba nito......crush mo ko?" tanong ko sakanya kahit medyo kinakabahan ako
"Oo...crush kita.."sya. Matutuwa na sana ako...pero
"Crush kita noon.....pero ngayon hindi na" dugtopng nya pa
Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi nya.
'Crush kita noon...pero ngayon hindi na'
'Crush kita noon...pero ngayon hindi na'
'Crush kita noon...pero ngayon hindi na'
Paulit ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabi nya. Nang-aasar lang? Oo nga naman noon pa yon...apat na taon na ang nakalipas syempre may nakita na syang iba. Atsaka 'Crush' lang at isang simple infatuation lang at madaling kalimutan. Pero saken hindi dahil mahal ko sya.
"Ganun ba? O-osige babalik na ako sa loob baka hinahanap na nila ako eh" at tumalikod na ko
Shit! ang sakit pala ano? Kung kelan mo pa nalaman na may pagtingin din pala sayo yung taong mahal mo kung kelan wala na yung pagtingin nya sayo.
Time really is such a B*tch. But then...I really am a stupid & coward person. Kung nagtapat lang sana ako dati pa edi sana hindi ganito ang nararamdaman ko.
Tama nga si Albert Einstein 'Nothing happens until something moves'.....Saklap!
------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Hanggang dito po muna....hehe ^_^V
Ung tungkol nga po pala sa next story ko....sorry po kung hindi ko na post ung Prologue nya....sa kadahilanang nawawala ko po ung papel kung saan nakasulat ang prologue nya.
Sorry po sa mga Type Errors...edit ko nalang po sya next time.