Chapter 13: Saying Goodbye

432 20 1
                                        

Crizzy's POV

Ang bilis nang oras 6:00 pm na at nandito kami ngayon sa park. Kahit gabi na maliwanag at marami pa ring tao dito sa park. Nakaupo kami sa isa sa mga upuan dito na nasa ilalim nang puno. Nakatingala lang kami sa langit.

"Grabe nakakapagod ang araw na itey!" Nica

"Tama" pagsang ayon ni Cath

"Tomorrow is another day" Nica

"Yeah.. Tomorrow is Another Day" gusto kong maiyak dahil simula bukas hindi ko na sila makakasama. Pumikit ako nang mariin para pigilan ang mga luha ko na nagbabadyang tumulo.

"Crizzy" tawag sakin ni Cath

"May problema ba?" tanong nya. Umiling lang ako habang naka pikit.

"Kilala ka na namin, bes. Alam namin kung may problema ka o wala. Para saan pa at naging magb-bestfriends tayo simula elementary?" segunda ni Nica

Tinignan ko sila at nakita ko sa mukha nila ang pag-aalala.  Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Niyakap ko sila at niyakap rin naman nila ako pabalik

"Crizzy, nandito lang kami para sayo"

"Cath..Nica" bigkas ko sa pangalan nila. Nanatili lang naman silang walang imik at tila hinihintay ako na sabihin kung ano ang problema ko. Humginga muna ako nang malalim bago nagsalita.

"Aalis na ako" ako

"Aalis ka?" Nica

"Oo"

"San ka pupunta?" Cath

"Sa America doon na ako mag=aaral"

"A-america!?"

"Kelan ang alis mo?" tanong sakin ni Cath. Kahit naka tungo sya halata sa tono nang boses nya na nalulungkot sya.

"Bukas" mahinang bulong ko pero alam kong sapat na yon para marinig nila.

"Bukas!? Nakaka-inis ka naman eh! Bakit ngayon mo lang sinabi samin eh di sana nakapag pa party man lang tayo bago ka umalis" biro ni Nica pero patuloy lang sa pagtulo ang mga luha nya. 

"Sorry" hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Dahil hindi ko alam na ganito pala kahirap ang mag paalam lalo na sa mga taong mahalaga sayo.

"Hindi mo kailangang mag sorry dahil wala ka namang ginawang kasalanan" tinignan ko si Cath at nakita kong may pumatak na luha mula sa mata nya na mabilis naman nyang pinunasan at rili na ngumiti. Nagyakapan at nagiyakan lang kami doon. 

_______________________________________________________________________

A/N: okey hindi ko lang talaga alam ang dapat kong i-UD eh. Hehe XD

Crush Mo Ko!? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon