A/N: Ang chap. na ito ay dedicated kay Nes....Salamat sa pakain ha! Haha XD
Crizzy's POV
Ngayon ang flight ko papunta ng America. Matapos ang madrama naming pagpapaalam kagabi sa park nag-ikot ikot lang kami. Hindi na ako nagpahatid sa kanila Nica at Cath papunta dito sa airport dahil mag-iiyakan lang kami ulit. Ang sabi ko sa kanila sila na lang ang magsabi sa mga classmates namin na nagtransfer na ako. Masyado rin kasing OA ang mga kaklase ko eh. Minsan nga iniisip ko na ang klase namin ang "Class of the Psycho's "....haha. Mamimiss ko silang lahat.
Naalala ko tuloy yung sulat nung secret admirer ko. Alam nyo ba kung ano yung nakasulat dun sa sulat? Malamang hindi XD Pwes sasabihin ko...
*Flashback*
Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong nagdive sa kama ko. Kakatapos lang mani mamasyal nila Nica at Cath.
Grabe!!! Nakakapagod! Pero masaya dahil nagkaroon ako nang bonding time with my two bestfriends before I leave. Ano ba yan napapa english tuloy ako.
Hinanap ko yung bag ko...at nakita ko na lang itong nasa sahig na. Hinalungkat ko sya...
*Halungkat Here
*Halungkat There
*Halungkat Everywhere
After nang ilang minutang paghahalungkat nakita ko rin yung hinahanap ko. At yun ay ang love letter sakin ni 'C'. Binasa ko ang nakasulat sa sulat XD
Crizzy,
Siguro iniisip mo na ang torpe ko dahil hindi ko magawang magtapat sayo nang harapan. Tama ka ang torpe torpe ko, pero ngayon lalaksan ko na ang loob ko. Crizzy....pwede ba tayong magkita bukas recess time sa rooftop? Mag-iintay ako :)
'C'
*Flashback Ends*
Gusto nyang makipagkita sakin ngayon pero sa tingin ko hindi na kami magkikita. Sorry 'C' pero wrong timing ka eh. Saka si Marc lang ang mahal ko.
"Anak, tayo na aalis na ang eroplano" tawag sakin ni mama
"Opo" sagot ko
"Goodbye Everyone" at sumakay na ako sa eroplano
C's POV
Hello! Ako si C ang secret admirer ni Crizzy. Kung sino ak? sorry pero hindi nyo pwedeng malaman. Basta gwapo ako. XD
Nandito ako ngayon sa rooftop at iniintay kong dumating si Crizzy. First year pa lang kami na crush at first sight na ako sakanya. Naging torpe ako noon dahil natakot akong ma-reject, pero ngayon hindi na ako natatakot. Sana lang pumunta sya at sana hindi pa huli ang lahat. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
Ring~
*??? Calling
Phone Convo:
Ako: Hello?
???: Bro, may kailangan kang malaman
Bakit parang kinabahan ako sa sasabihin nya.
Ako: A-ano yun?
???: Si Crizzy...
Ako: A-ano!? Bakit!? Anong nangyari kay Crizzy!? 0_0!?
???: Aalis na sya ngayon papuntang America. Nasa aiport na sya ngayon at baka nakasakay narin sya nang eroplano.
Pagkarinig ko sa sinabi nya ang huli ko lang na natatandaan ay ang pagtakbo ko palabas nang rooftop papunta sa parking lot.
Aalis na sya papuntang America
Aalis na sya papuntang America
Aalis na sya papuntang America
Paulit ulit lang na nagp-play sa utak ko ang mga katagang yan.
"Crizzy" sambit ko sa pangalan nya at lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko. Shit! Sana umabot pa ako.
Nang makarating ako sa airport dali dali akong tumakbo papasok at hinanap ko sya sa lahat nang sulok nang airport pero wala.
Wala akong Crizzy na nahanap. Naiuntog ko na lang yung ulo ko sa manibela nang sasakyan ko.
"I'm too late" bulong ko sa sarili ko
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Whaaaa~ sana nagustohan nyo. Sorry sa Typos ^_^V
Mamaya na po ang sunod na UD~
Hayy~ Congrats Cheerdancers! Whoooooo!
![Crush Mo Ko!? [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/15725312-64-k769023.jpg)