Chapter 10.2:

602 25 3
                                        

Crizzy's POV

"Anong gusto mong panuorin?" tanong sakin ni Marc

"Uhmm...She's Dating The Gangster!" excited kong sabi sakanya at sa sobrong excitement napasigaw ako. Tumawa sya ng mahina dahil sa pagka excite ko. Mahina lang yun pero rinig ko malakas yata pandinig ko pagdating sa kanya. XD

"Okey, tara?" Tumango ako bilang sagot tapos pumila na kami.

***

Sawakas nandito na kami sa loob ng sinehan at nag-uumpisa na ang palabas. Grabe ang haba ng pila inabot kami ng kalahating oras bago makapasok. Nakakaloka! pero okey lang dahil kasama ko naman si Marc kaya hindi ako nainip. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina habang nasa pila kami.

*Flashback*

"Girl, look oh ang gwapo nung guy" Panget Girl 1

Napatingin ako sakanya at dun sa kausap nya at nalaman ko na si Marc ang pinag-uusapan nila.

"Oo nga! shet ang gwapo nya!" PG2

Nagbubulungan ba sila o ano? Tinignan ko sila mula paa hanggang ulo....isa lang masasabi ko...mukha silang pinag halong clown at christmas tree..pfft

"Pero sino yang kasama nya?" PG1

'Girlfriend nya-ay mali asawa nya ako...bwahahaha!' sa isip ko

"Baka kapatid nya" PG2

"O dikaya alalay"PG1. nag apir sila at sabay na nabaliw.

Tinignan ko sya ng masama at ang bruha inirapan ako! Susugurin ko na sana sila kundi lang ako pinigilan ni Marc.

"Hayaan mo na sila insecure lang ang mga yan" pigil sakin ni Marc 

*End Of Flashback*

See!? ang sarap nilang chop chopin at ipakain sa buwaya!...ay wag pala kawawa naman ang buwaya pag nag kataon sasakit lang ang tiyan niya XD

"Ang lamig~" mahinang bulong ko sa sarili ko naka dress kasi ako tapos nakalimutan ko pang magdala ng jacket.

Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng jacket sa balikat ko. Tinignan ko kung sino at nakitang si Marc ang taong yun.

"Nilalamig ka pa ba?" tanong nya sakin. Ang lapit nya >//.\\<

"Medyo hindi na ako nilalamig" nakatungo kong tugon dahil ayokong makita nya akong namumula

"Salamat" ako ngumiti lang sya sakin at nagpatuloy na kami sa panunuod.

***

Tapos na ang palabas kaya lumabas na kami ng sinehan. Teka rhyme yun ah! XD

"Anong sunod nating pupuntahan?" tanong ko kay Marc

"Uhmm.." naputol ang sasabihin nya ng...

~Kruuuuuuu (a/n: tunog po yan ng tiyan na nagugutom na..XD)

>//.\\<

Shems! bakit ngayon pa naman naisipan ng tiyan ko na mag ingay? at sa harap pa talaga ni Marc!

Narinig ko syang tumawa ng mahina dahil sa pagkulo ng tiyan ko. Nakakahiya talaga!

"Sa tingin ko kelangan muna natin kumain" nakangiti nyang pahayag

"He-he-he...oo nga sa tingin ko rin (kamot sa ulo)" nahihiya kong pagsang-ayon 

"Hmmm...san mo gusto kumain?" sya

Crush Mo Ko!? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon