Chapter 11: Being Friends

523 23 1
                                        

A/N: Two UD in one day! Haha XD

Crizzy's POV

Ngayon naman kumakain kami ng ice cream at nakaupo sa isa sa mga bench dito sa park. Dito nya ako dinala matapos naming bilhin yung teddy bear.

Ang sarap talaga ng Cookies & Cream..yum yum ^_^

"Crizzy"

"Hmm" 

Humarap ako kay Marc nung tinawag nya ako. At, Shet! bakit ang lapit nya!?

"B-b-bak-it?' utal utal kong tanong.

@.@ ang lapit nya masyado

"Ang kalat mo pala kumain ng ice cream" tapos pinunasan nya ng tissue yung gilid ng labi ko.

>//.\\<

Naramdaman ko nalang ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi nya. Napatakip naman ako ng dahil sa kahihiyan. Ganito talaga ako kapag kumakain ng ice cream...anong magagawa ko eh sa masarap kumain ng ice cream eh~

'Nakakahiya ka Crizzy" bulong ko sa sarili ko

Narinig ko syang tumawa ng mahina. Gosh! narinig nya! Ilang beses na ba akong napapahiya sa harap nya!? huhuhuhuhu~ 

TT3TT

"Nakakapagod ang araw na 'to noh?" tanong nya sakin pero sa ibang direksyon sya nakatingin

Sinundan ko kung ano ang titignan nya....mga batang masayang naglalaro...yan ang tinitignan nya.

"Oo tama ka nakakapagod, pero aminin mo masaya rin sya in someway" tanong ko rin sakanya

Humarap sya sakin at nagtama ang aming mga mata. Ngumiti sya at sinabi ang mga katagang nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Oo masaya...........masaya dahil

....kasama kita" 

"Marc" sambit ko sa pangalan nya

"Crizzy......pwede ba tayong maging magkaibigan?" tanong nya sakin

o.o!

Napatulala ako sa tanong nyang iyon.

Isang tanong na tumagos sa puso ko at sumagad sa buto ko.

Akala ko magtatapat na sya sakin pero isang maling akala lang pala iyon.

Tumango ako at ngumiti ng pilit. Hindi ko kayang magsalita dahil pakiramdam ko maiiyak ako.

Ngumiti sya ng malapad. Ang mga ngiti nya na kayang pabilisin ang tibok ng puso ko sa isang iglap lang.

"Tara na? hatid na kita sa inyo" yaya nya sakin

Tumango ako bilang tugon. Sumakay na kami sa motor nya at nag drive na kami paalis ng park. Habang nasa byahe kami naka akap lang ako sakanya mula sa likod at ninanamnam ang bawat sandali na kasama ko sya.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay ko pero para sakin yun ang pinaka mahabang sandali sa buhay ko.

"Salamat sa paghatid sa'kin. Gusto mo bang pumasok muna?" pag-aalok ko sa kanya

"Wala yun at saka wag na gabi narin at kelangan ko na rin umuwi" Marc

"Sige kita na lang tayo sa school"

"Sige, bye!" paalam nya sakin at inistart na nya yung motor nya

"Ingat!"

"Salamat!" at nagdrive na sya paalis nakatingin lang ako sakanya habang papaalis sya. 

Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko si mama na nanunuod ng TV.

"Oh! anak, gusto mo bang kumain? ipaghahanda kita" alok sakin ni mama

"Wag na po ma. Busog pa ako magpapahinga nalang po ako" ako

"Ok...Oo nga pala naayos ko na yung pagtransfer mo sa  Lean's Academy sa America. Sa wednesday na ang flight natin." mama

"Opo...magi-impake na po ako ng gamit ko"

"Osige goodnight anak"

"Goodnight din po"

Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi bago ako umakyat ng kwarto ko.

Matapos kong gawin ang dapat kong gawin kinuha ko yung picture namin ni Marc kanina ito yung picture na kinunan nung babae kanina. Nilagay ko ito sa isang frame at pinatong ko ito sa side table ng kama ko. Humiga ako at niyakap ko yung teddy bear na binigay sakin ni Marc.

Tinignan ko yung bracelet. Hindi ko malilimutan ang araw na 'to. Ang araw kung kelan nakasama ko ang taong mahal ko na mamasyal sa mall at maglakad ng magkaholding hands. At ang araw kung kelan tinanong ako ng taong mahal ko na pwede ba kami maging magkaibigan. Alam kong masakit pero...

"Being Friends is Better Than Being Strangers" 

Sambit ko bago ko ipikit ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng mga luha mula rito.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Kahit ako hindi ko alam kung paano ko sya napapunta sa America.....ang alam ko lang nakikinig ako ng isang kanta at BOOM! natransfer ko sya papunta sa America. Nabago yung plot nya...nakakaloka!

Ang totoo walang matinong plot ang story na itey kaya hindi ko na alam ang mga nangyayare. Basta isinusulat ko lang ang mga ideya na pumapasok sa utak ko kaya wala talaga 'tong matinong plot. Hehe ^_^V

Sorry sa mga Type Errors. Picture nung bracelet sa gilid >>>>> (yung gold kay Crizzy at yung silver kay Marc)

Sana nagustuhan nyo ^_^

Crush Mo Ko!? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon