Chapter Three

954 30 3
                                    

How is it going? Tweet with the hashtag #MFIAG :)

-
Ghost

RINNE

Day 1 of 100
Eto agad tumatak sa isip ko.
Yeah. Eto na talaga.
Sana naman marami na akong magawa sa isang araw. At mukhang mapapadali lang ako ngayon. Sinasadya ba'to ni Katsumi o nagkataon lang na horror film ang gagawin nila ngayon?

Yup. HORROR FILM! Ang production set na ito ay hinananda nila para sa kanilang MMFF entry. Yun ang narinig ko sa mga taong nandito habang gumala-gala ako kanina.

Nadiskubre ko rin na ang location ng set ngayon ay parang nasa isang liblib na lugar ito. Parang nasa isang maliit na bayan ito at may taniman ng palay sa kabilang side ng daan. Kaharap nito ang isang lumang bahay kung nasaan ako ngayon pati na rin ang ibang staff at crew.

In fairness, magagamit ko ang pagiging multo ko dito! Sana nga mas mapadali yung trabaho ko ngayon. Thank you talaga, Lord!

Pero asan na ba yung mga babantayan ko? Kanina pa ako nandito. Umalis na nga yung mga demonyo pati rin si kuya Les iniwan ako bigla pero hindi parin dumadating si Kath o kahit si Daniel man lang.

"Katsumi! Yohooo! Kats! Wooy! Naririnig mo ba ako?" sigaw ko. Tutal wala namang nakakarinig sa akin eh! Haha! Hindi ko akalaing ganito pala kasaya maging multo!

"Ano?" May sumagot. Alam kong si Katsumi ito pero hindi ko siya makita.

"Oh? Asan ka ba? Ang daya! Pakita ka naman" sigaw ko ulit at parang tangang nakatingala lang sa kisame ng lumang bahay na ito.

"Ayoko. Nakakatamad" sagot niya naman. Ay ang daya talaga!

"Big Brother ikaw ba yan? Hahahaha" tawa ko. Totoo naman kasi. Boses ko lang naririnig niya at hindi nagpapakita parang sa PBB.

May naisip tuloy ako bigla. Ang dami-dami kong alam tungkol sa mga artista, teleserye, at pelikula. Ni hindi ko alam kung ano ang buhay ko bago ako namatay. May pamilya kaya ako? Saan kaya ako nakatira? At lalong-lalo na kung bakit ako namatay.

"Ano?" Nagulat ako sa sagot ni Katsumi. Muntik ko nang makalimutan na nag uusap pala kami. Mukhang naguguluhan din si Katsumi sa sagot niya. Hindi alam kung sino si Big Brother haha. Hindi ko nalang muna inintindi ang mga iniisip ko kanina.

"Hahaha ah wala wala" natatawa kong sagot

"Psh. Dami mong alam! Oh, ano bang sadya mo?" tanong niya. Ahh oo nga pala! Muntik ko na rin makalimutan na may itatanong ako sa kanya.

"Uhmm.. gusto ko lang itanong kung asan na yung mga alaga ko at nang makapag simula na ako. Nasasayang na po oras ko?" Reklamo ko sa kaniya. Halerr?? Ayokong masayang ang isang araw sa loob ng 100 days ko no.

Time is very precious. So let's make the most out of it. Hindi natin alam kung huling araw na pala natin ito sa mundo.

Ako kaya? Nagawa ko kaya yung mga gusto ko habang nabubuhay ako? Hindi ko ba sinayang ang kaunting panahong ibinigay saakin ng Diyos na mabuhay sa mundo?

"Paparating na yun" kalmado niyang sagot.

"Ano?! Di mo man lang ba ako iteteleport or what papunta sa kanila?"

"Parte yan ng misyon mo. Makukuha mo yan sa first reward mo kaya galingan mo! Bye" paalam niya at hindi na sumagot muli

My Fangirl Is A Ghost?! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon