Plan
RINNE
"Oh? Anyare sa'yo?" tanong ulit ni Sam.
"Ha? Ah, wala wala" sagot ni Daniel na umiiling pa sabay pulot sa cellphone niyang biglang tumilapon. Walang kamalay-malay na ako ang dahilan kung bakit tumilapon bigla ang cellphone niya.
Nakakatuwa naman! Hahaha halata kasing takot kaya ayan, ang cute cute lang tignan! Sarap kurotin! Nakakagigil!
I'm starting to love this! Day 2 ko palang ngayon pero may na discover na ako! Isa na kaya ito sa unang reward ko? Eh parang wala pa naman akong nagagawa ah?
Tinignan ko ulit ngayon si Daniel na ngayon ay nakatingin lang sa phone niya. Tumabi ako sa kanya at tumingin rin sa phone niya. Naka lock lang ito pero panay ang titig niya dito. Siguro gulat pa rin siya sa nangyari. Ewan ko ba pero bakit parang na gi-guilty ako? Sorry Daniel, kailangan lang talaga.
Huminto ang kotse sa tapat ng isang bahay. Siguro dito ang bahay nila. Nang bumaba siya ay bumaba din ako at sinundan siya papasok sa loob nito. OMG totoo ba'to?!
Noon nakikita ko lang ito sa mga pictures, ngayon nandito na talaga ako! At dahil sa tuwa, naunahan ko pa siya papuntang second floor at tumabi kay superman at batman! Shoooocks! Hindi pa rin ako makapaniwala!
Nakita kong papalapit na siya "Alam mo Daniel, hindi ko ine-expect 'to! Alam mo bang hindi lang ako nangangarap na makalapit sa'yo? At ang maka tapak lang sa bahay niyo ay sobra-sobra na?! Like OMG!" nalagpasan na niya ako kaya't kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Batman at sumunod sa kanya na patuloy parin sa pagdadaldal.
"At nako! Kapag buhay pa ako? Kanina pa siguro ako selfie ng selfie dito at tweet ng tweet at post ng post sa instagram at sigurado akong kanina pa kalat ang pictures ko at dadami ang followers ko" patuloy pa rin kami sa paglalakad "At siguro may haters na din ako at baka sasabihan ako ng 'famewhore' ganyan kasi hakot follwers daw ako pero hayaan mo na yun di naman yun mangyayari kasi di naman ako buhay! Hahahahaha" tumawa ako sa sarili kong sinasabi na sa sobrang affected sa sarili kong joke at humalagpak ako sa tawa habang patuloy pa rin sa pagsusunod sa kanya. Huminto siya kaya't napahinto din ako.
Lumingon siya sabay sabing "Ma?" napalingon din naman ako sa likuran ko. Wala namang tao ah? Umiling siya at pumasok sa isang kwarto.
Teka? Wag niyong sabihing kwarto niya to!? Sumunod ako papasok at "OH my god" mabagal ang pagkakasabi ng bawat salita. Me? Inside Daniel's room? No freakin' way! Kaya't napatalon-talon ako! Grabe! Seryoso? Totoo ba talaga 'to? Thank you Big brother Katsumi! Hahahaha
"Lelay? Magui? Sino ba talagang nandiyan?" kanina pa'to si Daniel ah. Ano bang tinutukoy niya? Teka... should I say, 'Sino kaya ang tinutukoy niya?' Ako ba ang tinutukoy niya? Nararamdaman niya ako? Buti nalang at may nag text sa kanya. Yay, saved by the text! Lumapit ako sa kanya upang mabasa rin yung text niya. Baka kasi si Julia nanaman yan! Hmph
From Mama
Anak nakauwi ka na ba?Nag breakfast ka na? Wala ako sa bahay ngayon. Maaga taping namin for magandang buhay. Sinama ko narin mga kapatid mo. Si JC nasa bahay ng tropa niya kagabi pa. Pahinga ka diyan, alam kong puyat ka. Ingat ka, may multo sa bahay! Hahaha sige tulog ka muna.
Received 6:47 am
Gusto ko sanang matawa sa text ni tita Karla, kaso ang nakakpag-pagababag sa akin ay ang gulat na ekspresyon ni Daniel at ang pagkatulala niya. Hindi ko alam kung takot ba siya sa sinabi ni tita Karla na may multo o kasabay nito ang mga nararamdaman niyang pagpaparamdam ko.
BINABASA MO ANG
My Fangirl Is A Ghost?! (KathNiel)
FanfictionOo sikat kami, maraming nahuhumaling sa aking kagandahan at sa kanyang kagwapohan. Gagawin ng fans namin ang lahat maging updated lang sa mga ginagawa namin mapa off cam man or on cam. Ang iba gusto magkaroon ng super powers, specifically: to be Inv...