Enjoy! x #MFIAG
-
SethRINNE
Asan na ba yun si kuya Lester? Bigla-biglang nawawala, bigla-bigla namang sumusulpot. Parang siya, biglang sumlpot sa buhay ko, bigla-bigla ring nag iiwan. Haynako. Charot hugot ako ng hugot eh hindi naman nagka boyfriend.Hmmm, malay natin nakalimutan ko lang diba? Saan ko naman makukuha 'tong mga hugot na ito kung hindi ko pa nararanasan. Isa rin yan sa aalamin ko! Hahahaha
Kanina pa sila nagsimulang mag-shooting. At eto ako, nakatunganga. Di alam kung ano ang gagawin.
Tsk. Nasasayang talaga ang oras ko nito. Pero bumabagabag talaga sa isip ko yung sinabi ng babae kanina. Ano'ng kontrata ang sinasabi niya? Iba talaga feeling ko tungkol dun eh. Nalaman ko ring Sam ang pangalan niya, isa pala siya sa mga handler ni Daniel.
Naku! Pag nagpakita talaga si kuya Lester, pauulanan ko siya ng mga tanong!
"CUT! Okay, great job Kathryn and Daniel! Ipagpatuloy niyo lang yan at malapit na tayong matapos. Next scene Mr. Paulo Avelino mag ready kana! Oh yung mga harness ayusin niyo ha, siguraduhin niyong matibay yan..." sigaw ng director nila. Oh? Patapos na pala silang mag shooting? Kaya pala dinumog sila kanina kasi last set visit na nila ito.
Naglalakad na pabalik sina Daniel at Kath sa tent, at eto akong sunod ng sunod. Nakakalusot naman ako kahit saan kaya wala akong pake! HAHAHAHA
"Inaantok na ako.." sambit ni Kathryn.
Bakas talaga sa mukha nila ang puyat at pagod. Nakakaawa naman.
"Konting tiis nalang, last shooting day na natin 'to" sagot ni Daniel.
May nakita akong orasan sa gilid, ala-una na pala ng madaling araw?! Ang bilis naman ng oras! Ni hi di ko ito namalayan. Ang dami ko na tuloy nasayang!
"BULAGAAA!"
"AY!" napatili ako ng wala sa oras. Pero mas nabigla ako nang mahulog at nabasag ang basong nakapatong sa mesa na malapit sa kinatatayuan ko.
"Oops" sambit ng katabi kong biglang sumulpot! Haynako sinasabi ko na nga ba! Pero hindi ko na siya pinansin dahil nakatuon na ang buong atensyon ko sa basong nabasag. Eh wala namang tao dito kanina eh. At lahat ng nandito sa tent ay napatingin sa baso at binalot sila ng katahimikan.
"P-p-pano yun n-nahulog?" tanong ng isang staff. Napatitig sina Daniel at Kathryn sa direksyon ng baso at bakas sa mukha nila ang pagkabigla at takot.
"MAY MULTO!" sigaw nung isa pang staff.
"OMG!" napasigaw din si Kath at nagsitakbuhan sila palabas ng tent.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ako ba ang tinutukoy nilang multo?
Tawa nang tawa naman itong katabi ko.
"Ano ba ang nagyayari?" tanong ko kay kuya Lester out of frustration.
"Dahil sa pagsigaw mo, nakapag-release ka ng malakas na enerhiya kaya naman napagalaw mo ang baso..." sagot niya sabay pout, tinuturo ang nabagsag na baso
"Ha? May ganon pala?" Di ko ine-expect yun ha!
Bigla ko naman naalala ang mga mukha nilang takot na takot kaya't napatawa ako ng bongga!
"Oh? Anyare sayo? Hinay-hinay lang hoy!" sambit ni kuya Lester at tinatapik ang likuran ko. Pinapatahan ako sa pag-tawa.
"EH KASI NAMAN HAHAHAHAHA YUNG MGA MUKHA HAHHAHAHA NILA HAHA NAPAKA EPIC!" sagot ko. Ewan ko ba kung naiintindihan pa niya ako dahil tawa nalang ako ng tawa
![](https://img.wattpad.com/cover/17063742-288-k336531.jpg)
BINABASA MO ANG
My Fangirl Is A Ghost?! (KathNiel)
FanfictionOo sikat kami, maraming nahuhumaling sa aking kagandahan at sa kanyang kagwapohan. Gagawin ng fans namin ang lahat maging updated lang sa mga ginagawa namin mapa off cam man or on cam. Ang iba gusto magkaroon ng super powers, specifically: to be Inv...