The End

30 1 0
                                    

Malapit ko nang maubos ang isang pack ng yosi na kabibili ko lang kanina. Ala una na nang madaling araw at eto naglalakad pa rin ako sa gitna ng daan. Wala naman masyadong tao. Umiiyak nga pala ako habang naglalakad. Kabe-break lang naming ng boyfriend ko. Actually, kagagaling lang naming ng bestfriend ko sa bahay ng friend ko. Lagi kasi kaming nagtatambay dun pag wala kaming ginagawa. Umuwi kami ng mga 12 pero minabuti ko munang magtambay sa McDo dahil gusto kong magmuni-muni muna dahil nga may problema kami ni boypren. Pero ayun, tinapos na niya. Saklap no? Ako na lagi naiiwan.

Sindi, hithit, buga. Pagkatapos, itatapon. Tapos sindi ulit. Wala akong magawa eh. Di ako makapagisip nang mabuti. Gulong-gulo ang isipan ko. Kanina pa pala ako nagpapamusic sa phone ko pero di ko pansin. Parang background music ko lang sa madrama kong paglalakad sa gitna ng daan nang madaling araw. Ayoko pa umuwi. Iiyak lang ako. Pero kahit naglalakad lang naman ako, umiiyak na rin. Pinipigilan ko nga kasi nakakahiya sa mga nakakasalubong ko.

Kanina nga sa McDo, pinagtinginan ako ng mga staff nila at nasa labas ako that time. Pati na rin mga taong nagtatambay at nagkakape dun. Halos, kulang na lang eh kumuha sila ng popcorn at panoorin ang isang madramang scene sa isang movie. Nag coffee lang ako kanina dun para magising ako dahil sinesettle ko nga problema naming nang boyfriend ko, oops, ex na pala.

Alam mo yung feeling na gusto mo nang magsigaw-sigaw pero di mo magawa kasi di ka makahinga? Na parang walang lumalabas na boses sa lalamunan mo? Hirap na hirap akong huminga dahil gulong-gulo ang isip ko kanina kaya eto ako ngayon, lakad ng lakad, wala naming papuntahan.

Di ko na alam kung saan ako nakarating. Di ko na napansin nakalayo nap ala ako pero gising na gising pa rin ako kahit ganitong oras na. Epekto siguro nang refillable coffee nila sa McDo. Nakadalawang refill din ako kanina.

"Takte! Iisa na lang yosi!", sabi ko sa sarili ko.

Naghanap ako ng store sa narating kong lugar pero wala ako makita. Sobrang tahimik. Nakaramdam na rin ako ng takot. Pinatay ko muna yung music sa phone ko. At sinuot ko na lang ang headset ko. Pero walang music, pandisplay lang.

"Bumalik na lang kaya ako", sabi ko sa isip ko.

Kaya ayun, bumalik nga ako. Nakarating ako sa 7eleven. Walang tao na nakatambay. Pumasok ako. Iba yung tingin sakin ng mamang nagtitinda. Siguro ay nabigla siya na ganitong oras e may customer pa siya.

"Isang kaha nga po ng Marlboro blue", sabi ko sabay abot ang pera ko, may sinasabi siya pero di ko marinig.

Nakaheadset pala ako. In-on ko nga pala kanina kasi wala na akong background music habang naglalakad. Tinanggal ko.

"Ano po?", tanong ko.

"Wala po kayong lower bill sir?, sabi niya.

Tinignan ko pera ko. Isanglibo.

"Ay, wala po. Wait lang. dadagdagan ko na lang yang kukunin ko."

At umalis agad ako sa counter. Kumuha ako nang chichiria at cold coffee in can para makatambay muna ako dito.

"Ay sir, wala po talaga akong pansukli sa pera niyo."

Ang dami niyang sinasabi at ang naintindihan ko lang ay sa oras na dawn a ito e, zero daw ang laman nung kahera nila.

"Sige. Babalik ko na lang", sabi ko na lang.

Takte. Ano na gagawin ko niyan? Uuwi na lang? Nang ibabalik ko na yung mga kinuha ko, may nagsalita.

"Magkano ba lahat? Dagdag mo na rin to".

Paglingon ko, isang lalaki yung nasa likod ko na may hawak ring cold coffee. Nakatulala lang ako sa kanya. Binayaran na niya. Nagbayad siya ng sakto. Tinignan niya ako at ngumiti siya. At umalis na rin siya na parang may mabigat ring pinagdadaanan.
Natauhan lang ako nung nagsalita yung mama sa counter.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon