The Call

13 1 0
                                    

Kinabukasan, namasyal kami sa buong Baguio. Nagdrop yung temp dito. Sobrang lamig na.

Kagabi pala, nung nakarating na kami sa bahay, ay yinaya ako ni ate para magkape sa balcony. At dahil di mahanap ni ate yung kape ni lola dahil tulog na, pati na rin mga kasambahay ay nakishare na lang siya sa kape ko. Pinagsaluhan namin yung j.co donuts na binili niya.

"So tell me about this Paolo?", bigla niyang tanong.

"Wala, nakilala ko lang siya the night before my graduation", sabi ko.

"Sabi ko na nga ba. Di mo siya bestfriend. At kung bestfriend mo man siya, dapat alam ko no?", sabi niya.

Tinawanan ko lang siya.

At kwinento ko na nga rin sa kanya kung pano kami nagkakilala ni Paolo.

"Musta ka na?", bigla na naman niyang tanong.

"Huh?", sabi ko.

"Musta na ang puso mo?"

"Ayos naman."

Tagal din kaming nagusap ni ate. Namiss ko siyang kausap nang ganun. At dahil sa pagkwekwento ko at pagaadvice niya ay naiyak ako. Ganito talaga kami kadramang magkapatid. Kaya mahal na mahal ko yan e. Pagkatapos nun ay magkatabi kami natulog.

Ring. Ring. Ring.

"Hoy nagriring yang cellphone mo.", sabi ni ate.

Nabigla ako. Kanina pa ako tulala. Kay ganda kasi panoorin ang view nang MinesView Park.

Kinuha ko na rin yung phone sa bulsa ko na kanina pa ring nang ring.

New number..

"Hello?"

"Uy Jake, si Paolo to."

Paolo? Natulala na naman ako.

"Hello, andiyan ka pa?"

"Ah, Paolo. Ikaw pala. Napatawag ka"

"Hirap kunin tong number mo a", patawa niyang sabi.

"Saan mo pala nakuha tong # ko?"

"Kay kuya. Wag mo na lang sabihin sa ate mo. Haha. Ninakaw ko kasi e."

"E bat di mo na lang kasi tinanong sa kanya?"

"Ah eh.. Baka magtaka kasi sinabi ko kagabi diba na bestfriend kita. Tas di ko alam yung number mo."

"Ah oo nga pala."

"Asan ka pala?"

"Namamasyal lang. Kasama sina mama."

"Ah, sige. Kelan kayo uuwi nang Ilocos?"

"Di ko alam kung bukas o sa makalawa. Bakit?"

"Wala lang. Yayayain sana kita magbar. Haha"

"Bar talaga? Haha"

"Dejoke. Yayayain sana kita mamasyal kaso namamasyal na naman kayo, kaya baka mapuntahan niyo na yung gusto kong puntahan."

"San ba yan?"

"Basta. Medyo malayo dito. Pero ayos lang, nakacar naman tayo pag pinuntahan natin yun."

"Sige ba. Pero tanungin ko muna kung kelan kami uuwi."

"Sige. Text mo na lang ako ah."

"Sige."

"Sige. Enjoy muna yan. Sayang naman yung pagpunta mo dito kung di mo maenjoy."

"Sige po. Haha. Text na lang kita mamaya a."

"Sige. Ingat Jake"

"Sige. Thanks Paolo"

Toot. Toot. Tooot.

Di ako makapaniwala. Natulala na naman ako. Bigla akong kinalabit ni ate.

"Hoy tayo na! Tulala ka na naman!", sabi niya.

Sumunod na lang ako. Kinuhanan ko muna ng litrato ang napakagandang view. Tsaka na kami umalis.

Natapos ang buong maghapon na super pagod kaming dalawa ni ate. Sina mama, parang wala lang. Naglunch kami sa isang seafood restaurant kanina. Dun ako nabusog, matapos ang napakapagod na pamamasyal namin. Tinext ko na rin si Pao kanina na sa makalawa kami luluwas ng Ilocos. At tumawag naman siya agad after ko itext nun. Masaya daw siya dahil may kasama siya. Sabi ko sa kanya na yayain niya kuya niya at yayain ko rin ate ko pero parang may lakad din daw ang dalawa. Kaya pala, kaninang umaga, sarap ng gising nito. Kagabi kasi, ang ingay niyang nakikipagusap sa phone. Siguro si Kevin nga yun kagabi.

Kaysarap mamasyal pero nakakapagod. Nakarating na kami sa bahay ng alas singko na ng hapon. Ginutom na naman ako.

Sa paghahanap ko ng pagkain sa ref..

Nagring yung telepono sa baba. At dahil walang tao sa kusina, ako na ang sumagot.

"Hello?"

"Hoy! Maligo ka na. Lalabas tayo!"

Sabay baba. Toot. Toot. Toot.

Si ate! Tumawag pa talaga e nasa taas lang naman. Kumain muna ako. Nakahanap ako ng bread at nutella tas saktong-sakto na may juice. Pagkatapos ko kumain ay pumunta na ako sa kwarto upang maligo.

San naman kaya kami pupunta?

Pagkatapos ko maligo ay kinatok ko yung kwarto ni ate.

"Sandali lang! Nagbibihis pa."

"Ang tagal a. Kung makadagdag ka kanina."

"E sa babae po ako.."

"Ok. Ok."

Mga ilang minuto lang e binuksan na niya. Pero di pa siya totally bihis. Di ko alam kung ganito talaga magbihis to. Simple lang, walang arte. Parang lalake kung magbihis. Di naman siya tomboy. Haha.

"Teka, san ba lakad natin?"

"Bar tayo! Sssh!"

"Ano?!"

"Oo. Tagal na rin kasi akong walang night life. Namiss ko e"

"Sige bahala ka. Kaw magexplain kay Dad pag nagtanong"

"Oo. Ako bahala. Tara na nga"

"Teka, tayong dalawa lang?"

"Hindi. Kasama natin yung magkapatid."

"Sino?"

"Sina Kevin at Pao"

Di na ako nagtanong pa.

Kaya pala may text si Paolo kanina na "see you :)" pero di ko na nareplyan kasi naligo na ako.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon