Ang Muling Pagkikita

10 1 0
                                    

Hindi sana kami babyahe ngayong gabi kasi malakas pa rin ang ulan kaso may hinahabol si papa para bukas. Kaya kaninang 9pm ay nagbyahe na kami. Tawagan ko lang daw si lola pag gusto ko daw magbakasyon uli dun sa kanila. Yung regalo ko daw galing sa kanya ay ipapadeliver na lang daw niya kasi di pa niya ito nababalot, biro niya. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at nagpromise akong babalik dun.

Nung nasa Ilocos Sur na kami ay nagstop over muna kami para kumain. Pagkatapos naming kumain ni ate ay nagpaalam siya na natatae siya pero ang totoo ay magyoyosi kami.

Si Paolo, di pa nakakatulog. Kanina pa text ng text sakin. Wala ata magawa. Di daw siya makatulog. Hinihintay daw niya na makarating kami at matutulog na rin siya pag matutulog na rin ako.

Nakarating na kami kaninang 4am.

Bago ako matulog, tumawag si Paolo.

"Hello", sabi ko.

"O siya, magpahinga ka na"

"Magpahinga ka na rin"

"Di pa talaga ako inaantok e"

"E puyat ka na nga kagabi tas puyat ka pa ngayon"

"Ok na yun. Babawi na lang ang mga eyebags ko next time. Haha"

"Sus! Ano ba naman kasi iniisip mo?"

"Ikaw"

Natulala ako sa sinabi niya. Alam kong biro lang yun pero kinilig talaga ako. Ano ba tong nararamdaman ko? Mahal ko na ba siya? Haha.

"Kung makapagbiro ka a. Ayos ka!", sabi ko na lang.

Tumawa lang siya.

"O siya, matutulog na ako kung wala ka nang sasabihin"

"Sige na nga. Try ko na rin matulog. Pero pag hindi, asahan mong tatawag ako ulit. Haha", sabi niya.

"Sus! Sige na nga. Pero wag kang umasang masasagot ko dahil isisilent ko tong phone ko", pabiro kong sagot.

"Enebeyen? Haha. Sige na nga. Magpapaantok na lang ako"

"Kaya mo?"

"Kakayanin ko a. E ayaw mo naman kasi akong kausapin"

"Haha. At nagtampo pa. Hindi naman sa ganun. Inaantok na kasi talaga"

"Haha. Joke lang yun. Sige na Jake, tulog ka na. Sunod na ako"

"Sigurado?"

"Oo. Kaya ibaba mo na at baka di ko na to ibababa"

"Haha. Sige na nga. Goodnight Pao. Matulog na a"

"Oo. Pipilitin ko. Goodnight."

At ibinaba ko na yung phone.

Paggising ko kanina, alas dos na nang hapon. Nagising ako kasi ginutom na naman ako. Tinignan ko phone ko. 10 missed calls! Galing kay Pao.

Haist. Di na ata nakatulog tong topak na to. May text rin siya na sad face kaninang 11am.

Tinext ko siya bago ako bumaba.

"Hoy! Matulog ka na. Di ka na natulog kanina."

Bumaba ako para kumain. Nang matapos na akong kumain ay napagpasyahan kong lumabas para bumili ng mga gamit ko para sa start ng review namin next week at gusto ko din magmovie mag-isa. I'll be having my "me time" kumbaga. Yung ako-ako lang. Eto yung namimiss ko nung kami pa ni Dave. Yung gusto kong mapag-isa sandali para magawa yung mga gusto kong gawin. Sabi ko nga noon, kahit one day lang na ako lang. Siguro, eto na yun.

Nanood muna ako ng sine sa Robinsons. Konti lang tao sa sinehan pero ang masaklap lahat lovebirds! Syempre, pumunta na lang ako sa pinakagitna para makapanood ako ng maigi. Hays! Ansarap sa pakiramdam manood mag-isa habang may hawak-hawak kang popcorn na super laki, hotdog in bun, tas large na softdrinks! Hay, heaven!

Natapos ang movie sakto 6pm na. Naglibot muna ako sa mall. Una kong pinuntahan ang National Bookstore para bumili ng gamit. Pagkatapos bumili ng mga gamit ay pumunta sa Men's wear para bumili na rin ng mga bagong damit. Pagpunta ko dun ay nakita ko ang taong huli kong gustong makita. Si Dave. Actually e, parang bumagal ang ikot ng mundo ko nung nakita ko ulit siya. Sa totoo lang e, nagkasabay kaming nagkatinginan. Yung parang nagblur lahat ng nasa paligid at kayo lang ang sentro ng story. Ganun! Parang antagal naming di nagkita. Di ko alam kung lalapit ba ako o hihintayin ko siyang lumapit. At parang nahypnotize ko siya sa mga sinaabi ko sa isip ko na lumapit siya. At lumapit nga siya. Lubb dubb! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. At eto yung moment na pinakaayaw kong mangyari.

"Hi.", sabi niya.

Gusto kong magsalita kaso di ko mailabas. Natulala lang ako.

Ngumiti siya at alam niya sigurong wala siyang maantay na sagot ko.

"Kumusta bakasyon mo?", tanong niya ulit.

Ki-nompose ko sarili ko bago magsalita uli.

Inhale. Exhale. Haaaa!

"Ok naman. Ikaw?"

"Wala. Sa bahay lang."

"Aaah.."

Wala na akong maisip na isagot pa. Nablanko ang isip ko.

"Mag-isa ka lang?", tanong niya ulit.

"Oo. May binili lang. Ikaw?"

"Aah.. Eeh.. May hinihintay..", nauutal niyang sabi.

At nagets ko na nung nakita kong palapit na sa amin yung sa tingin kong hinihintay niya.

"Aah.. Sige. Mauna na ako. May hinahabol pa kasi ako.. Sige bye. Ingat..", pagmamadali kong sabi at walang lingon-likod akong umalis.

Minadali ko ang aking paglalakad. Yung ex niya ang hinihintay niya. Hindi ako na ex! Ibang ex! Ayokong tumingin sa kanila. Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina kaso para akong na-glue sa sahig at di ako makaalis. Ba't ang sakit parin? Ang sakit-sakit! Di ko na alam kung san ako tutungo. Mukhang babagsak na tong mga luha ko. Nagtungo muna ako sa cr. Pumasok ako sa isang cubicle at ni-lock ko sarili ko.

Eto yung mga moment sa buhay ko na pilit kong iniiwasan. Pero parang bala ng baril na naiputok mismo sa puso ko yung sakit. Bullseye!

After mga 10 mins siguro ay medyo tumahan na rin ako sa pag-iiyak. Lumabas na ako ng cubicle at naghilamos muna. Buti na lang walang tao sa cr.

Sana di ko na sila makita.. Sabi ko sa sarili ko.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant kumakain mag-isa. Iniisip pa rin ang mga nangyari kanina. Hays Jake, antanga mo! Sobra!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon