Baguio

22 1 0
                                    

Wala pa ring pinagbago ang Baguio. Malamig pa rin. Sobrang lamig nga ngayon. Summer na summer pero ganito lang ang Baguio. Winter na winter. Nakarating kami kaninang maguumaga na. Sina kuya at papa ang nagdrive mula Ilocos hangang dito. Pero nung nakarating na kami dito sa Baguio ay ako pinagdrive ni kuya. Ilang kilometro na lang naman ang drinive ko. Medyo di ko pa kabisado magdrive kaya katabi ko si kuya kanina. Pinayagan naman ako ni papa kanina kasi wala naman masyadong sasakyan papunta sa resthouse ni lola.

Natulog ako pagkatapos naming magbreakfast. Pinaghandaan kami ni lola. May isa pa siyang tirahan dito sa Baguio pero nung nalaman niyang pupunta kami sa resthouse ay pinaghandaan niya ang pagdating namin. Gusto niya rin makita sina mama at ate at syempre, ako, dahil ako ang pinakapaborito niyang apo sa lahat nang kanyang mga apo. Ako pa nga ang una niyang hinanap kaninang nakababa kami. Siguro kasi ako yung bunso sa lahat kaya paborito niya ako. Para siyang nanay na nawalan ng anak at sa wakas nahanap na rin, kanina, kasi sobrang higpit ng hug niya sakin kanina.

Breakfast.

"Darren, sa wakas naman at tumaba ka na", sabi ni lola nung kumakain kami.

Kanina pa niya sinasabi yan kaya siguro e namimiss niya lang ako. Tagal ko narin kasi di nakita si lola at namimiss ko nga rin siya. Pag nasa bahay nila ako, tumataba ako dun. Sobrang taba talaga. Di sila nawawalan ng pagkain dun. Puno lagi ref nila pag tignan ko. Pag sembreak na lang kasi ako nakakapunta dito at sa bahay nina lola kaya madalang ko siyang makita.

"Pero mas mataba pa sana pag nasa bahay niyo po ako 'la", sagot ko naman.

Tawanan naman sila.

Nagising ako kaninang mag 11 na. Kasama ko si ate na natutulog pero sa ibang kwarto siya. Si kuya naman lumabas kasama gf niya. Kasama namin siya pumunta dito (yung gf niya). Sina mama at papa lumabas kasama si lola. At kami naman ni ate maglalakwatsa ngayong hapon.

Tinignan ko muna phone ko para magfb. May nagtext. Yung bestfriend kong lalake.

'Bes dito ako Baguio, labas tayo this pm. Wala ako magawa at makasama. Text me.'

Joshua.

Siya si Joshua. Crush ko siya dati. Hinahangaan ko siya dahil magaling siyang kumanta. Hindi naman sa magaling na magaling pero kakainlove kasi pag kumakanta siya. Naging bestfriends kami kasi bestfriend ko yung bestfriend niya. Haha. Long story. Long story din dun sa bestfriend niya kung pano kami naging bestfriend nung bestfriend niya. Basta ganun. Bestfriends na kami. Hihi. Pinagseselosan pa nga siya ni Dave nun. Pero hanggang ganun talaga, hinangaan ko lang.

Tinignan ko muna si ate sa kwarto niya. Aba, at nakaaircon pa siya kahit ang lamig lamig na. Pero nakakumot naman siya. Mahimbing pang natutulog. Kumuha ako ng juice sa ref at chocolate and chichiria bago ako bumalik sa kwarto.

Gusto ko sana magsimulang magbasa nang novel pero nababagot ako. Gusto ko na ring lumabas kasi ang sarap maglakwatsa pag ganito kalamig. Dalawa pa tong suot kong jacket at parang di pa umubra dito sa lamig na ito. Pero tolerable pa naman ng konti. Nag fb na lang muna ako habang hinhintay si ate magising.

As usual, wala akong ginawa kundi mag scroll down lang sa news feed ko. Sobrang nabobore na ako sa fb kaya gumawa ako nun ng IG at Twitter account ko. Yung tumblr ko, active lang ako pag may sinulat akong essay o story. Lahat ng accounts ko private at yung mga friends ko lang or followers ko nakakakita sa mga posts kong walang kwenta.

May notification si Dave. Lagi siyang may notif sakin dahil in-add ko siya sa mga close friends ko. And dahil dun, lahat ng nasa close friends ko e nakakarating sakin yung mga pinosts nila.

Nasa beach siya ngayon kasama friends niya and ang EX niya??!

Ex niya bago sakin! Shet langs! Pero kumalma lang ako. Ano ka ba Jake, wala na kayo. Yan na lang sinasabi ko sa sarili ko. Pero di pa rin umubra. Cant breathe! Turn off agad ang phone at naghanap ng 'nebule'. Nebule as in yosi. Yan tawag namin ng mga friends ko para hindi halata. Wala pala ako baon ngayon. Kaya no choice at ginising ko si ate para humingi ng yosi. Oo, nagyoyosi rin si ate pero di ko alam kung nagstop na siya.

"Ginising mo ako para lang humingi ng yosi?", sabi ni ate.

"Kailangan na kasi e. Sige na ate, asan ba?", sabi ko.

"Tignan mo jan sa bag ko. May secret pocket jan. Hanapin mo na lang. Sige na't inaantok pa ako.", sabi niya.

"Uy, gumising ka na. Lalabas pa tayo diba? Hoy ate!", sabi ko sa kanya pero di siya kumikibo.

Di naman siya napagod sa byahe kasi natutulog rin siya kanina. Di naman siya pinayagan ni papa magdrive kanina kahit gustong-gusto ni ate.

Hinanap ko na lang yung yosi dahil sobrang di ko na kaya. Haha. Ayun! Marlboro blue. Ayos!

Lumabas ako ng bahay kasi baka makita ako ng mga kasambahay ni lola. Naglakad-lakad ako pababa. Kasi pababa yung daan dun sa resthouse. Yun nga lang ata ang bahay dun kaya minsan nakakatakot. Parang nasa tuktok ng bundok. Nakahanap na ako ng pagtataguan. Isang waiting shed. Sana naman at hindi dumaan sina mama pag uwi sila o kaya si kuya dahil magagalit sakin yun ng sobra. Akala niya kasi nagstop na ako sa pagyoyosi.

Si kuya, wala siyang bisyo. Umiinom lang siya pag may okasyon. Di rin siya nagyoyosi kaya sobrang galit niya nung nakita niya ako minsan na nagyoyosi. Alam niya na nagyoyosi si ate kaya ayaw niya akong matulad sa kanya. Pano ba ako natuto kasi na magyosi? Haha

Nung 3rd year ako. Ayaw namin pumasok ng mga barkada ko sa hapon. Nagpasya kaming maginuman nun at may love problem pa kasi nun nung isa naming kasama. Kaya ayun, nagpunta kami sa isang matagong lugar.

At dahil ayaw nilang magpapasok ng naka uniform dun na estudyante e nagpalit kami sa bahay ng friend ko. Pinahiram niya ako ng damit ng kuya niya. Dahil ako lang naman ang lalaki sa grupo. At nagpaalam kami sa papa niya na pupunta kami sa patient namin para sa case study namin kaya baka gabihin kami at para mailabas namin yung kotse. Di pa kami nun nagpalit sa bahay nila dahil baka mahalata ng papa niya. Tinanong lang ni tito nun kung ano oras kami makakauwi at sinabi namin na baka mga 9 or 10. At sinabi niyang ako na lang magd-drive dahil masyado daw mabilis magpatakbo si Shane. Shane ang pangalan nung isa kong friend na pinuntahan namin. Umuo na lang ako para makalabas na kami. Ako nga ang nagdrive pero hanggang dun lang sa bahay nang isa ko pang friend na pagpapalitan namin ng damit.

So ayun nga nakarating na kami dun. Si Shane na nagdrive kanina papunta dito.

TIME'S BAR.

Lagi kaming pumupunta dito. Kilala kasi namin yung may-ari. Actually, yung isa naming barkada ang kilala niya talaga kasi dito niya kami dinala nung una palang kami magkakakilala. Ganito rin nun, ang pinagkaiba lang ay wala talaga kaming pasok nun.

Si Shane at Hazel lang ang nagyoyosi nun sa amin. Nakatatlong tower din kami ng Red Horse. At ako ang tagasindi lang nila. Tagahawak ng yosi at lighter nila. Kasi baka may makakita sa kanila. Kababae kasi nilang tao e nagyoyosi sila. That time, gustong-gusto ko na itry. Ayaw na ayaw ko nun nung amoy ng yosi. Sobra. Pero kahit ganun, naeenganyo akong magsindi. Hanggang sa pinahawak ni Hazel yung yosi niya kasi magccr daw. Takam na takam na akong tikman nun. Tinitignan ko lang ng matagal. At yun nga humithit na ako. Hithit-buga. Parang okay naman. At inulit-ulit ko pa. Hanggang sa naubos ko na nga ito. Hinanap ni Hazel nun kung asan na yung yosi niya pero sinabi ko na lang na tinapon ko na kasi ayaw ko nung amoy.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon