Knight in Shining Armor

9 1 0
                                    

Nakarating kami ni ate sa isang bar. Nandun na daw sa loob sina Pao at Kevin. Friend ni Kevin ang may-ari nang bar kaya dito nila kami inimbita.

Alas otso na nun nandun kami pero konti palang yung tao. Maganda tong bar na to. Acoustic yung music muna til 10pm. Dahil nagsisiratingan lang yung mga tao talaga pag 10pm na.

Nakita na namin yung magkapatd nung nakapasok na kami. May kausap sila. Siguro yung friend nilang may-ari. Nakangiting sumalubong yung dalawa sa amin. Di ko nga alam kung abot-tenga yung ngiti ko nung nakita ko si Pao. Yun na naman kasi yung ngiti niya e.

"Dito ka pala", sabi ni Pao.

"Di ko nga rin alam e. Pinagbihis lang ako ng ate ko.", sabi ko naman.

"Ano.. Nakalimutan ko pala yung cp ko kanina kaya di ko na nasabi sayo..", sabi niya.

"Hindi, ok lang. Tsaka wala naman akong load. Hehe"

Inescort-an kami nung mga waiters papunta sa VIP section daw. VIP pa talaga a. Ang ganda talaga dito. Para kang nakacruise ship sa sosyal. Yung mga windows kasi nila may tubig na parang falls sa pagitan ng dalawang glass. Basta ganun tapos maganda yung view talaga.

Pagkaupo namin. May naghanda na agad nang kakainin namin. Na parang kami nalang hinintay para ihanda yun. Pinakilala na rin ni Kevin yung friend niya na may-ari nang bar. Cute siya. Nakaeyeglass. Matalino at simpatiko yung dating. Di mo maiisip na may-ari siya nang bar pag nakita mo.

"Bon appetite!", sabi ni Kevin.

Di man lang kami nakapili ni ate nang gusto naming kainin. Karamihan kasi sa mga dishes na inihanda e seafoods na naman. Nagtinginan lang kami ni ate nung iseserve yun. Si ate, malakas kumain pero pag gabi, di siya nagririce at yun daw yung diet niya. Malakas sa umaga pero pag gabi, maria clara kung kumain. Pero pag sweets at desserts, papatulan pa rin niya. Nasarapan ako sa carrot cake na inihanda. Matakaw talaga ako pag dessert, kaya parang naramihan ko pagkuha nang carrot cake nila.

"May space pa ba sa drinks?!", sabi ni Pao nung kukuha na naman ako ng isa pang slice ng cake. Pang tatlo ko na yun.

Nagtawanan silang lahat.

"Masarap kasi ee. Kahit eto na lang yung pulutan ko mamaya", patawa ko namang sabi.

Nung natapos na kaming kumain ay niyaya ako ni Pao na magyosi sa labas. Nagsidatingan na rin ang mga tao. Nag-iba na rin yung music. Pang disco na talaga.

"Dito lagi tambayan namin ni kuya pag dito kami sa Baguio", sabi ni Pao habang nagyoyosi kami sa labas.

"Ok siyang bar a. Masarap pa pati yung mga pagkain", sabi ko na lang.

"Pansin ko, di ka masyado kumai nung mga best-seller nilang seafoods", tanong niya.

"Ah.. Kasi ano.. Naparami kain ko kaninang lunch nang seafoods. Dun sa pinasyalan namin."

"Kaya pala. Favorite ko kasi yun eh.. Lalo na yung malalaking lobsters!"

"Masarap naman siya kaso naglalangoy pa yung ibang lobster sa tiyan ko kanina kaya pianahinga ko muna. Hehe"

Tumawa lang siya.

"Yung carrot cake, sobrang sarap talaga", sabi ko.

"Haha. Pansin ko ngang gustong-gusto mo e.. Favorite din yun ng ex ko", sabi niya.

Biglang tumigil yung oras. Di ko alam sasabihin ko.

"E-ex mo? Taga baguio din ba siya?", tanong ko na lang.

"Yup. Actually, bestfriend niya si Dino (yung may-ari)."

"Kaya pala di ka niya pinapansin kanina."

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon