Summer Rain ⛅️

11 1 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng ulan. Tinignan ko ang oras.

10:15am.

Tinignan ko ang paligid. Wala na sa baba ko si Pao. Siguro umuwi na kanina or sinundo nang kuya niya. Hinanap ko cellphone ko para tignan kung may message siya. Inaabangan ang text? Haha

Hindi. Baka nagtext kasi na nakauwi na siya. Pero pag tingin ko sa phone ko, wala ni isang message na galing sa kanya. Puro texts lang ng mga classmates ko na nagsasabing magsisimula na kami ng review nextweek. Haist. Ano ba yan? Di pa nasulit ang bakasyon ko. Di pa ako handang makinig at magbuklat ng mga review materials.

Pumunta muna ako sa cr para magsipilyo at maghilamos. Medyo masakit tong ulo ko. Pero di naman ako nahihilo at nasusuka. Actually e, nauuhaw ako. Dehydarated siguro. Pero bago ako bumaba, tinignan ko muna yung bintana. Ang lakas talaga ng ulan. Kay sarap panoorin. Kumuha ako ng jacket sa bag ko para gamitin dahil napakalamig ng panahon.

Pagkababa ko.

"Gising ka na pala. Halika na't kumain", sabi sakin ni mama.

Tumango lang ako.

"Yung kaibigan mo nandun siya sa kubo kasama papa mo", sunod niyang sabi.

Kaibigan? Si Paolo!

"Si Paolo po?", tanong ko.

"Oo. Uuwi na sana siya kanina kaso pinagalmusal pa namin siya pero biglang lumakas yung ulan kaya sinabi nang papa mo na mamaya na siya umuwi", sabi ni mama.

Lumabas ako para tignan siya. Ayun at magkavibes ata sila nang papa. Nagkakape sila sa malaking cottage ni lola. Tinignan ko lang sila. Ayun, at nahuli ata akong tumitingin sa kanila. Nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya.

Pumasok na ako ng bahay.

"Gisingin mo na ate mo at sabay na kayong kumain. Pagtetempla ba kita ng kape?", tanong ni mama.

"Sige ma. Tawagin ko lang siya."

Pinuntahan ko si ate sa kwarto niya. Gising na pala siya kaso nahihilo daw siya at sakit ng ulo niya. Nabigla daw siya sa paginom kagabi at naparami naman kasi nang inom talaga tong si ate. Niyaya ko siyang magkape sa baba.

Sa dining table. Kami na lang ni ate ang nandun. Pumunta na rin si mama kina papa.

Nagkape lang ako. Di kasi ako nagugutom. Pati si ate. Baka isuka lang daw niya. Napagusapan namin si Paolo. Kung bakit nandito siya at di pa nakauwi? E di sinabi ko naman yung dahilan na iniwan siya ng kapatid niya at dahil sa malakas ang ulan.

Parang di na ata titila ang ulan. Palakas pa nga ng palakas. Puro fog na ang nakikita sa paligid. Nasa balcony ako ng bahay ngayon. Kay sarap magmuni-muni.

"Dito ka lang pala", si Paolo.

"Mukhang di ka pa makakauwi ah", sabi ko.

Ngumiti siya.

"Ok lang. Marami naman pagkain dito sa bahay niyo", patawa niyang sabi.

Umupo kami. May round table kasi dun kung saan kami nagkape ni ate the other night. Nagkakape ako. Siya, nakatingin lang siya sa ulan. Mukhang malalim ang iniisip. Di ko na siya inistorbo. Kaysarap kasi magisip-isip pag ganito yung weather.

Mga ilang minutong walang imikan at bigla siyang nagsalita.

"Di mo ba siya namimiss?", bigla niyang tanong.

Wala pa siyang sinasabing pangalan pero si ex na agad kong naisip.

Ngumiti lang ako.

"Sila kaya namimiss tayo?", tanong ko naman sa kanya.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon