Si Crush at si Crush

10 1 0
                                    

Pagkatapos ko magyosi ay naligo na ako. Hoo! Sobrang sarap yung lamig ng tubig. Kahit may heater e di ko ginamit dahil inenjoy ko ang tubig.

Pagkatapos ko maligo ay tinawagan ko sina mama. Tinanong ko sila kung dito sila kakain pero hindi daw. Kakain daw sila sa labas. Kaya nagpaalam na lang akong lalabas rin kami ni ate.

"Sige. Gamitin niyo na yung kotse. Ang ate mo magd-drive a. Tawagan niyo na lang kami pag may problema a anak. Lumabas din ate Grace mo at ang kuya mo", sabi ni mama.

Sumang-ayon na lang ako sa sinabi ni mama. Pagkatapos nun, sinabihan ko yung kasambahay nina lola na wag na magluto dahil lalabas kami ni ate. Ginising ko na rin si ate pagkatapos.

"Yung yosi?", tanong niya.

"Nasa table jan sa kwarto ate", sagot ko.

Magyoyosi naman siguro habang nagbabawas bago maligo. Ganun rin ako sa bahay kaso hindi ko na ginagawa kasi naamoy nun ni kuya nang minsa'y pumasok siya sa kwarto ko pagkatapos ko maligo.

Nakabihis na si ate. Gutom na din siya. Gutom na rin ako. Tinawagan ko na rin si Joshua.

"Bes, kakain lang kami ni ate. Gusto mo nang sumama? Meet na lang tayo dun.", sabi ko.

"Sige bes. May kasama pala ako pero mamaya ko na sasabihin. Hehe", sabi niya.

"Sino bes? Haha. Bago na naman?", tanong ko.

Diyan ako naturn-off sa kanya nun. Papalit-palit ng bf. Isa pa, siya pa yung pumupunta dun sa bf niya kahit napakalayo na ng lugar at ako pa yung rinarason niya sa kanyang mama minsan. Lagi kasi ako nun sa bahay nila. At akala nang mama niya na kami magboyfriend. Oo, open siya sa mama niya. Simula nung nawala na daw papa niya (may ibang pamilya na), ay parang ganun na daw nangyari sa kanya, kwento sa akin nang mama niya. Tanggap naman daw nang mama niya. Sino pa naman daw magdadamayan kung di sila lang. May isa rin siyang kapatid. Lalake, pero feeling ko bi din yun kasi minsan ko nang nakita nun sa sinehan may kasama ring lalaki. Di ko lang alam. Di ko na kwinento kay Joshua at baka magreact lang siya pero feeling ko alam na niya rin. Kapatid e. Pero lagi silang magkaaway. Parang kami lang ni kuya pero ok na kami. Ehehe.

"Haha. Basta bes. Pakilala ko na lang mamaya. Maglu-lunch din kasi kami kaya pagkatapos na lang ng lunch tayo magkita. Okay?", sabi niya.

"Sige bes. See yah", sabi ko.

At binaba ko na yung phone. Di ko alam kung san ako dadalhin ni ate. May kikitain din daw siya. Yung bestfriend daw niya. Tagal na din daw niya kasi itong di nakikita. Kilala ko lahat ng boyfriend ni ate pero ni minsan, wala pa siyang pinapakilalang bestfriend niya. Pareho kaming introvert ni ate. Mas gusto ang mapag-isa. Kaya siguro kami nagclick nito. Pero envious ako sa kanya kasi sobrang tagal ng mga nakakarelasyon niya. 2 years na siguro yung pinakabilis sa kanya. At 6 years na yung pinakamatagal. Pero kahit ganun man, parang wala lang sa kanya pag nagbreak-up na sila. Iiyak lang yan buong magdamag sa akin tapos kinabukasan, parang walang nangyari. Kaya idol ko to e.

Dito na kami sa isang fine dining restaurant malapit sa mall. Pero mga putahe nila puro filipino dishes. Namiss niya siguro kumain ng mga ganito.

"Pinakbet tsaka dinengdeng tas eto dinakdakan. Tapos eto kare-kare at tsaka sweet meat. Ikaw by(baby)?", sabi ni ate.

Kaytagal ko rin narinig sa kanya yan. Yan lagi tawag niya sakin sa bahay nun dahil ako ang bunso sa aming magkakapatid.

"Hindi ka naman gutom ate no? Haha.. Am, yan na lang din. Wala ako mapili e.", sagot ko na lang.

"Haha. Kaw bahala. At tsaka eto pa pala kuya, two avocado shake at dalawang ice tea. That would be all, i think", sabi ni ate sa waiter.

Inulit nung waiter nung order namin tas tumango-tango lang si ate.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon