Chapter 1

41 6 0
                                    

****

We loved with a love that was more than a love

"Aliyah,the mighty Train Xander Monteverde is outside!! Gosh!! Tingnan mo nga kung maayos pa yung lipstick ko?Do I still look good?Tingin mo magugustuhan niya itong damit ko?  "-excitement is written all over Jenna's face, her friend.Jenna is the heir of a Pharmaceutical company in the Philippines , at hindi niya alam kung ano ang nakita nito sa kaniya at nakipagkaibigan sa kaniya. She belongs to a low class family, at nakakapag aral lang siya sa Aim high dahil sa isa syang scholar.

Nakaramdaman niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya ng marinig ang pangalang sinabi ni Jenna. Pangalan na nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Train is the epitome of perfection. Walang babae na hindi nabibihag at nahuhumaling dito. And she's so lucky because he is courting her for about 2 months now. She won't deny the fact that she likes him... very much but she is depriving her feelings towards him, because obviously, Jenna likes him at ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni Jenna ng dahil lang sa lalaki. Hindi na niya mabilang sa mga palad niya kung ilang beses na niya ito sinubukang itulak palayo, ngunit paulit ulit lang itong bumabalik sa kaniya.

Kaunti na lang silang nasa  classroom nila dahil ang ibang kaklase nila ay nasa food court na lahat.Napatigil siya sa pagliligpit ng kaniyang mga libro sa kaniyang bag at binalingan ang kaibigan

"Ha? Eh kahit naman anong suot mo maganda ka parin naman"-nginitian niya ito bago isinukbit ang bag niya saka pinasan ang gitara sa kaniyang likod.

Ngumuso ito sa sinabi niya bago pinasadahan ang mukha mula sa salamin nito. "Alam ko naman yun eh, pero hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang gusto ni Train!! E, obvious namang mas maganda at mas mayaman ako sayo, naku Aliyah basta ha, hwag mong sasagutin si Train.. akin na lang siya, ibalato mo na lang sakin, mas bagay naman kami kaysa sa inyo"

Nakaramdaman siya ng sakit sa sinabi nito. Sanay na siyang marinig ang mga iyon mula sa bibig nito, pero hindi parin niya maiwasang makaramdam ng pagkainis dito minsan. She don't know if she's truly a friend or not, kasi palagi nitong ipinapamukha sa kaniya na langit at lupa ang agwat nila ni Train. Minsan, naiisip niya, nakikipag kaibigan lang ito sa kaniya dahil kailangan siya nito, kailangan para gumawa ng mga projects, research and assignments nito. Pero wala na siyang magagawa kasi ayaw naman niyang mag away sila.

"Ang harsh mo naman Jenna kay Aliyah"-singit ng isang classmate nila na si Shay. "Ang ganda ganda kaya ni Aliyah at bagay na bagay sila ni Train. Kaibigan ba talaga ang turing mo kay Aliyah, Jenna,?"-mataray na saad nito.

Napaayos siya ng tayo ng marinig ang sinabi nito. Alam naman niyang tinitiis lang siyang maging kaibigan ni Jenna dahil kailangan siya nito. Tumikwas ang kilay ni Jenna sa sinabi ni Shay at matalim itong tiningnan

" Wag ka ngang maki alam dito, panget!!" - masungit na sagot ni Jenna at aamba sana ng hampas kay Shay pero Mabilis na nakaiwas ito.

"Tse!! Mas pangit ang ugali mo!!" sigaw ni Shay at tumakbo narin palayo. Gusto niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili. She bit her lip to suppress her laughter.

"Bruha!!" - Inis na singhal ni Jenna at hinabol ito.

Akmang aawatin niya sana ito pero  tinawag siya ng isang kaklase niya.

"Aliyah, nasa labas si Lover boy mo" - tudyo ni Shamir.  He is their class president at bilib siya sa kung paano nito i-handle ang classmates nila. He is so cute but unfortunately, he's a gay. Kasali sa pederasyon. He doesn't want to be called on his real name though, gusto niya raw Shamcey.

"Si Train? Ano naman daw ginagawa sa labas?" kinuha na niya ang naiwang mga gamit ni Jenna dahil siguradong hindi na ito babalik pa sa room nila.

"Duh?!!Hindi ka pa ba nasasanay?Malamang aayain ka na naman na nun na kumain Aliyah, hindi mo pa rin ba sasagutin si Train?Aba't dalawang buwan na siyang nanliligaw sayo ah.Naku,kung ako lang ang niligawan nun,wala pang isang segundo,sasagutin ko na agad.Lahat na yata ng hanap mo sa isang lalaki nasa kaniya na lahat,gwapo,mayaman,responsible,
mabait, aba't lahat ata ng kababaihan dito sa Aim High may gusto sa kaniya "-mahabang litaniya nito na parang pinapangaralan pa siya.Nagsimula na silang maglakad
palabas ng classroom nila.

Tears of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon