NANUBIG ang bagang niya ng makita ang tatlong bunga ng mangga sa tapat ng bahay nila. Noon pa man ay ito na ang pinakapaborito niyang prutas, at sinasawsaw niya ito sa suka na may sili.
Kumuha siya ng panungkit sa bakuran nila, pero kahit anong gawin niya ay hindi parin niya masungkit ang bunga, tagaktak narin ang pawis niya dahil mahigit isang oras na niyang kinukuha ang bunga ngunit hindi niya makuha-kuha dahil nasa itaas na parte ito ng puno. Wala kasi ang tatay niya, at mga kapatid niya, para suyuin niyang akyatin ng puno para sa kaniya
Nang magsawa ay pabagsak niyang inihagis ang panungkit niya at hinubad ang tsinelas niya at inakyat ang puno. Hindi pa man siya masyadong nakaka- akyat sa tuktok ay napatigil siya ng biglang may sumigaw
"Maria!!! What the hell are you doing there??" - puno ng pag-aalalang sigaw sa kaniya ni Train, na nakauniporme pa ng pangpulis. Hindi niya maiwasang pasadahan ng tingin ang binata. Napakagwapo talaga nito at napakatikas ng katawan. Bagay na bagay dito ang pagiging pulis.
Hindi alam kung ano ang gagawin ni Train habang nakatingin sa kaniya at kapansin pansin ang pagkawala ng kulay nito sa mukha
"Please Maria bumaba ka na riyan!! Baka mahulog ka!!" - nag aalalang sigaw nito pero inirapan lang niya ito
"Wag ka ngang O. A dyan!! Kukuha lang ako ng bungang mangga!!" - singhal niya dito at itinapak ang paa sa maliit na sanga habang ang kamay naman niya ay nakakapit sa malaking sanga sa ulonan niya
Nasa tapat niya si Train at iniumang ang mga braso na bumaba siya, at sasaluhin siya nito. Nagulo na ang maayos na buhok nito, dahil maya't mayang napapasabunot sa buhok nito sa sobrang pag-aalala sa kaniya
"Fuck!! Bumaba ka na riyan, ako na lang ang kukuha para sayo. Utang na loob Maria bumaba ka na riyan, hwag mo akong patayin sa nerbyos dito!! "-sigaw nito na nahihimigan ng pag-aalala. Hindi niya napigilan ang matawa sa nakikitang hitsura nito, para kasi itong pusa na hindi mapa-anak
" Hwag kang mag-alala chief, eksperto ako sa pag-akyat kaya hindi ako mahuhulog--Ahhh!!! Train!! "- nanigas siya sa kinatatayuan at nahihintatakutang napasigaw siya ng marinig niya ang unti-unting pagkabali ng sangang kinatatayuan niya
"Fuck!! Fuck!! Fuck!! Putang-ina!!" - sunod sunod ang mura na pinakawalan ni Train, at parang maiiyak na sa sobrang pag-aalala. Hindi nito malaman kung aakyatin siya o sasaluhin
"Train!!!" - iyak niya ng tuluyan ng bumigay ang sanga. Pakiramdam niya ay tumakas ang kaniyang kaluluwa. Nakabitin na lang siya ngayon sa sanga na hawak ng hamay siya, ngunit anumang sandali ay bibigay na rin ang mga kamay niya, habang ang mga paa niya ay nakalaylay na sa ere
"Maria, bumitaw ka na!! Sasaluhin kita!!" naiiyak na sigaw ni Train, habang nakaumang ang mga braso na pangsalo sa kaniya. Umiling siya at pumalahaw ng iyak
"Natatakot ako, baka hindi mo ako masalo at masaktan ako!!" iyak niya, konti nalang ay bibigay na ang mga braso niya sa pagkakakapit. Lumamlam ang mga mata ni Train, at masuyong ngumiti sa kaniya kahit bakas sa mga mata nito ang matinding pag-aalala
"Mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan kaysa ikaw, please.... My precious Maria.... let go, I won't let you get hurt... " - pakiramdam niya ay may kung anong kamay ang pumasok sa dibdib niya at piniga ang puso niya, when she sense the gentleness in his voice. Kahit sinaktan siya nito noon, pinagkakatiwala niya ang buhay niya dito. Alam niyang hindi siya pababayaan ni Train. Kusang ipinikit niya ang kaniyang mga mata at bumitaw sa pagkakahawak habang ang nakangiting imahe ni Train ang nakalarawan sa isip niya.
Namalayan na lamang niyang bumagsak siya sa matipunong
dibdib ng binata, at nakapalibot ang braso nito sa bewang niya upang protektahan siyaSa lakas ng impact ay natumba silang dalawa ni Train . Napaigik ito ng bumagsak ang likod nito sa lupa, siya naman ay bumagsak ang pisngi niya sa dibdib ni Train. Rinig na rinig niya ang lakas ng tibok ng puso nito
![](https://img.wattpad.com/cover/152752589-288-k479916.jpg)
BINABASA MO ANG
Tears of love
RomanceTragedy may separate us, but our love or each other will always make us back in each other's arms Even 10 years will pass,20,50 or even a thousand years will pass, I will always wait for you....even if it takes forever by:sapphire'romances