Chapter 7

19 3 0
                                    


Masinsinang nag-uusap sina Train at Marco ng magawi ang tingin ng mga ito sa kaniya ng bumaba siya sa kanilang hagdan. Bahagya pa siyang nagulat ng makita doon si Train dahil akala niya ay umalis na ito kanina pagkatapos ng nangyari kanina

Napaiwas agad siya ng tingin dito ng magtama ang mga mata nila. Lumamlam ang mga mapupungay nitong mga mata at wari'y gusto siya nitong pigilan subalit pinigil nito ang sarili.

Ramdam niya ang mga titig ng mga ito habang tuloy-tuloy lang siyang naglakad sa gitna nga mga ito at nagtungo sa kusina upang maghanda ng pananghalian ng mga magulang niya. Rinig niya pa ang malalim na pagbuntong hininga ni Train at ang makinang pagtikhim ng kapatid niya

"Ate saan ka pupunta?" - napatigil siya sa paglalakad ang nilingon ang kapatid

"Maghahanda lang ako ng pananghalian ni Nanay tapos dadalhin ko sa palayan"- saad niya na tinanguan naman ng kapatid niya, bago napatingin sa katabi nito na nanatiling nakatitig parin sa kaniya, parang hindi na nga kumukurap kaya bigla siyang nailang at tinaasan niya ito ng kilay

"O anong tinitingin tingin mo dyan?"pagsusungit niya dito ngunit ngumiti lang ito sa kaniya at ikinurap ang mga mata niya

" Ang ganda mo"-tila wala pa sa sariling saad nito at muli siyang pinasadahan ng tingin

"Alam ko, matagal na!!"mahinang natawa si Train sa sinabi niya na mas lalo niya ikinairita

" Bakit ba pagkiramdam ko may nakaraan kayong dalawa, eh nung isang araw lang naman kayo nagkakilala"-nagtatakang saad ng kapatid niya at pinaglipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Train

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kapatid niya

"O-" mabilis niyang pinutol ang gagawin sanang pag-amin ni Train. Sa isang iglap lang ay mabilis niyang tinapon ang sarili sa binata at tinakpan ang bibig nito.

Muntikan pang mawalan ng balanse si Train sa lakas ng impak at napasandal sa sofa nila habang hapit ang bewang niya upang hindi sila mapahiga

"Wala no!!!" - sigaw niya sa kapatid niya. Pakiramdam niya ay bibitayin na siya sa labis na kaba dahil sa makahulugang titig ng kapatid niya sa kanilang dalawa ni Train

"Eh bakit ka defensive ate?Siguro mag ex talaga kayu no? "

"Hindi nga!! Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha ng damuhong ito" patuloy niyang pagtanggi sa kapatid niya.

Bigla niyang nabitawan ang pagkakatakip niya labi ng binata ng dilaan nito ang palad niya. Naglalaro ang ngisi sa mga labi nito

"Ang bastos mo talagang lalaki ka!!" - sigaw niya dito at hinampas ang braso nito kung ngunit siya lang din ang nasaktan dahil sa malabakal ang braso nito sa tigas

"What? Wala akong ginawa" - painosenteng saad nito bago ngumisi at pinasadahan ng tingin ang posisyon nilang dalawa

"Ikaw nga itong nananantsing sa akin dyan" - Nag-init amg pisngi niya ng mapansin ang posisyon nilang dalawa. Halos nakakandong na kasi siya dito, habang ito naman ay nakahawak sa bewang niya. Napatingin siya sa kapatid niya ng marinig niya ang pag-click ng camera ng cellphone nito. Mabilis siyang lumayo dito at tumayo. Nag-
iinit ang pisngi niya

She composed herself a few moments, mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata bago siya ulit humarap sa dalawa at pinamaywangan ang mga ito

"Alam mo ikaw na hampaslupang damuho ka, kung wala kang ibang magawa kundi pestehin ang araw ko, pwede ba magpakamatay ka na lang?" inis niyang singhal dito,ngunit mas lalo lang siyang nairita ng mahinang humalakhak ito

"Matagal na akong patay. Patay na patay sa iyo" - banat nito sa kaniya at nakipag apir pa sa kapatid niya

Napailing na lang siya at pumunta sa kanilang kusina. Maghahanda na lang siya ng pagkain ng mga magulang niya kaysa patulan itong dalawa na parehong may sayad sa ulo

Tears of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon