Chapter 9

6 1 0
                                    

MABILIS niyang iginala ang kaniyang mga mata sa loob ng coffee shop upang hanapin si Vaughn , at agad naman niya itong natagpuan dahil malapit lang ito sa pinto. Agad itong tumayo ng makita siya at sinalubong siya ng yakap at halik. Pasimple siyag lumayo dito dahil nakaramdam siya ng pagkailang

"Hon.. I missed you.." - naglalambing na saad ni Vaughn sa pagitan ng pagyakap nito sa kaniya.Napakagat siya ng kaniyang labi dahil hindi niya alam ang sasabihin niya dito.

Tumawag ito kanina at sinabi nitong dumating na ito galing sa ibang bansa dahil nagkaroon ng problema ang isang branch ng company nila roon. Dadalaw sana ito sa bahay nila subalit sinabi niyang magkita nalang sila sa ibang lugar dahil ayaw niyang magpang-abot silang dalawa ni Train sa bahay nila. Pagkatapos kasi siyang hinatid ni Train kanina ay nag-stay pa ito sa bahay nila. Nagpumilit pa nga itong samahan siya ng malaman nitong lalabas siya pero tumanggi siya, at wala itong nagawa sa huli. Mabuti nalang at nag-aya si Chance sa kaniya na magbasketball kaya na-distract ito

"M-e too" - tipid niya itong nginitian. Ginulo naman nito ang buhok niya at hinalikan ang kaniyang noo at ang tungki ng ilong niya

"I already ordered your favorite foods, let's eat I'm starving" - masiglang saad ni Vaughn at iginaya siya patungo sa table nila. Ipinaghila naman siya nito upuan na laging nakagawian nitong gawin.

"How are you, honey?" - malambing na tanong ng binata sa kaniya sa gitna ng pagkain nila

"I'm fine" - tipid ulit niyang sagot at pinagpatuloy ang pagkain

"Ako? Hindi mo ba ako tatanungin kung kumusta ako? - nakangusong tanong ni Vaughn. Napatikhim siya at nag-angat ng tingin dito

" Ikaw? Kumusta? "

" Miss na miss na miss ko ang napakaganda kong girlfriend kaya palagi akong malungkot doon sa Singapore. Sorry honey kung minsan hindi ko nasasagot yung mga tawag mo sa akin, sobrang busy kasi ako doon dahil napakadaming dapat ayusin." - nakangusong saad nito at hinawakan ang palad niya nakapatong sa mesa at dinala nito sa kaniyang labi

"It's okey, I understand"

Napakunot ang noo ni Vaughn sa sinagot niya.

"Bakit ang tipid ata ng mga sagot mo sa akin? Why do I feel like your acting cold to me. Is there something wrong? Nagtatampo ka ba sakin dahil hindi ako nagparamdam sayo ng ilang araw? Nag-explain naman na ako diba-" ibinaba niya ang kaniyang kutsara at tinidor nag-angat ng tingin kay Jared at napabuntong hininga

" I'm sorry if I made you feel that way. Wala lang ako sa mood. "-nag-iwas siya ng tingin ng mataman siya nitong tingnan, sa huli ay napabuntong hininga na lang ito at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na siya nito sa bahay nila. Ayaw pa nga sana niya kaya lang ay nagpumilit ito kaya't wala na siyang nahawa. Habang nasa daan ay nagkukuwento ito ng mga naging trabaho niya sa Singapore. Minsan ay tinatanong siya nito na tanging tango at iling lang ang nagiging sagot niya.

Heartless as it may seem, but she can't feel her heart beating towards Vaughn. Hindi niya maramdaman ang kuryenteng dumadoy sa katawan niya sa twing nagkakadikit ang mga balat nila. She didn't know if she really loved him or she only use him to divert her feeling towards Train. They used to be bestfriends kaya't may mga similarities ang mga ito. Kaya siguro nahulog ang loob niya dito. Or maybe, she really do love him, but not as deep as she fell in love with Train, kaya ng bumalik si Train, bumalik rin lahat ng pagmamahal niya dito

Napaigtad siya ng tumigil ang makina ng sasakyan kaya't napatingin siya sa labas at napagtantong nasa tapat na pala sila ng bahay nila

"Nandito na pala tayo,I need to go. Thanks for driving me home" - kahit naiilang ay dumukwang parin siya upang halikan ang pisngi nito. Akmang bababa na siya ng pigilan siya ni Vaughn

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon