Umpisa.

9 1 0
                                    

"Pangako babalik ako at sa
pagbabalik ko sisiguraduhin kong hindi na tayo magkakalayo."

Agad akong napabalikwas sa kama at pinagpapawisang dinilat ang aking mga mata.

'Panaginip'

Dahan-dahan akong tumayo sa aking kama upang kumuha ng tubig sa ref. Umupo ako sa upuan at ipinatong ang aking dalawang siko sa lamesa. Hinintay kong kumalma ang aking sarili.

"What the hell was that again? Bakit napanaginipan nanaman kita?" -wala sa sariling tanong ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako, na umiiyak nanaman ako. Hindi ako nag-abalang punasan ang aking mga luha. Hinayaan ko silang tumulo. Mahina kong sinabunutan ang sarili ko sa sobrang pagkainis.

'Hindi ko na dapat iniiyakan ang mga taong nang-iwan.'

Lagi nalang ganito ang nangyayari sa akin. Nagigising ako sa madaling araw dahil naririnig ko ang boses niya sa panaginip ko. Kung hindi man boses ang nasa panaginip ko, mga masasaya at malulungkot na ala-ala naman ang nakikita ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa orasan na nasa side table ko. Alas kwatro palang ng umaga. Bumalik ako sa kama at nahiga. Nag-iisip kung matutulog pa ba ako o hindi.

'Ayoko ng marinig ang boses mo at makita kahit ang mukha mo.'

Ilang minuto muna ang nakalipas bago ako nakatulog. Nagising ako dahil sa malakas na katok at sigaw ni Mommy. Walang ganang tumayo ako sa kama at binuksan ang pintuan. Hindi na bago sakin na sobrang ganda ng bungad niya sa umaga ko.

"BAKIT ANG TAGAL MONG BUKSAN ANG PINTO? MUKHANG PUYAT NA PUYAT KA SAMANTALANG WALA KA NAMANG GINAGAWA SA BUHAY MO!" -nanggagalaiting sigaw niya sa akin habang dinuduro pa ako. Nginitian ko siya ng sobrang tamis.

"Goodmorning din mommy." -nakangiti ngunit may bahid na pagkasarkastikong sabi ko.

Tinignan niya ako ng masama na para bang ako na ang pinaka makasalanang nilalang na nakilala niya sa buong buhay niya.

"You know what? Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Ilang linggo ka ng hindi pumapasok, sinasayang mo ang binabayad namin sa school mo. Puro sakit ng ulo nalang ang binibigay mo amin ng daddy mo." -galit ang nakikita ko sa mga mata niya at hindi na bago sa akin yun tuwing kausap niya ako. Pinilit kong ngumiti sa harap niya.

"Suspended ako sa school hindi ba? Bukas pa ako pwedeng pumasok. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na?" -lalo kong nakita ang galit sa mukha niya.

"HA at proud ka pa? Siguraduhin mo lang na papasok kana bukas. Hindi kita pinalaking tarantado Angelle! Where's your manners? Halos lahat nalang ng teachers at students sa school mo inaaway mo. I didn't raise a discourteous child! You're a shame on our family!" -walang tigil na sabi niya habang nakatitig sakin at sobrang galit na galit. Hindi ko pinakitang nasaktan ako sa mga sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya na para siyang isang malaking joke.

"Tapos kana? Kung tapos kana, would you mind if I go back to my bed and sleep again? Sinira mo ang maganda at tahimik kong pagtulog." -pang-aasar ko sa kanya. Laking tuwa ko ng nakita kong nainis nga siya sa sinagot ko.

'Nice one Angelle may apir ka sakin mamaya.'

Tinignan nanaman niya ako ng masama bago umalis. Nginisian ko lang siya saka padabog na sinarado ang pinto. Doon lang nag unahang magsipag labasan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Nag eecho sa tenga ko ang huling sinabi niya.

"I didn't raise a discourteous child! You're a shame on our family!"

Wala sa sariling napangiti ako. Dala-dala ko nga ang apilyido nila pero hindi ko ramdam na kabilang ako sa pamilyang ito. Wala na akong ginawang tama sa pananginin nila. Pinunasan ko ang mga luha ko, pumunta ako sa bintana upang lumanghap ng sariwang hangin. Tinignan ko ang paligid. Madaming puno, kitang-kita ko ang kulay bughaw na ulap na parang nakangiti sa'kin. Maaraw na, siguro ay alas syete na ng umaga. Tinignan ko ang smartphone ko at nakita kong may isang sms doon mula kay Dally. Hindi ko maiwasang mapangiti at binasa ang mensahe niya.

I Wake Up Without My BestfriendWhere stories live. Discover now