7

4 0 0
                                    

Ikapitong kabanata.

Tinignan kong mabuti ang sketch pad na hawak ko. Wala sa sariling napangiti ako sa sariling likha ko. Ibinaba ko ito at nakangusong humawak sa tyan ko. Tumingin ako sa wall clock at agad nanlaki ang mga mata ko dahil hapon na pala ngunit hindi manlang ako nakaramdam ng gutom kanina. Napatingin muli ako sa sketch pad ko.

'Nasisiguro kong magugustuhan mo ito'

Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko itong nagbukas. Nanlaki ang mga mata ko sa mga taong iniluwa nito.

"Surprise!!" -sabay-sabay na sabi nang tatlong lokaret.

Tumakbo sila papunta sa akin at niyakap ako. Wala sa sariling natawa naman ako bago sila niyakap pabalik. Pagkatapos ay tinignan nila ako mula ulo hanggang paa.

"Te bat hindi ka pa nakaayos?" -nagtatakang tanong ni Larra. "Ghad!! Ange napakabagal mo pa namang kumilos go maligo kana." -tinulak niya pa ako papasok ng cr.

Inawat ko naman agad siya at naguguluhang tumingin sa kanya.

"Bakit saan ba tayo pupunta? Saka bakit kayo nandito?" -naguguluhang tanong ko.

"Te girl ano ba bukas na ang birthday ng baby boy na ubod ng sungit anong plano mo? Tengga ka lang dito?" -walang hingahang sabi ni Dally.

"Alam kong bukas ang birthday niya." -umirap pa ako.

Nakita ko naman si Larra na hawak ang sketch pad ko. Nanlaki ang mga mata ko. Nagmadali akong lumapit sa kanya para kunin ngunit mabilis naman niyang nailayo.

"Kaya naman pala hindi nagrereply sa mga calls and sms natin. Busy pala siya sa pagdadrawing. Let me guess? Ito ang ireregalo mo sa kanya no?" -nakangiting tanong ni Larra.

Kinuha ko naman agad ang smartphone ko. Napatingin ako sa kanila na natatawa.

"Nakasilent." -maikling sabi ko.

Hindi na nila ako pinansin dahil pinagkaguluhan nilang tatlo yung sketch pad ko.

"Hey baka masira!!" -paalala ko.

"Wow ingat na ingat ah?" -natatawang sabi ni Dally.

"Loko pala 'to e, pinaghirapan ko 'yan Inday!" -nakangusong sabi ko.

"Wow, walang kupas." -bakas ang pagkamangha sa mukha ni Macie.

"Hindi halatang drawing te, parang picture 'to e." -tinignan pa ako ng nakakaloko ni Dally.

"Gaga drawing yan lakas tama ka." -natatawang sagot ko.

"Akala ko mukha niya noong bata kayo ang idadrawing mo sa kanya e." -nakangiting saad ni Macie.

"Nangako ako sa kanya noon na kapag nag 18yrs old siya idadrawing ko 'yong mukha niya bilang regalo." -napangiti ako ng maalala ko ang nakaraan.

"Duga mo naman Elle, tagal mo na 'kong best friend pero hindi mo 'ko idinodrawing." -nakasimangot na saad niya.

Kasalukuyan kaming nasa Pristine Park ngayon. Nagdadrawing ako dahil kaarawan ngayon ni Mommy, itong likha ko ang ireregalo ko sa kanya.

I Wake Up Without My BestfriendWhere stories live. Discover now