Ikalawang kabanata.
"Mikhael, Mikhael ang pangalan ko. Sana ay matandaan mo."
Napadilat ako at agad na lumabas ang mga luha sa mga mata ko. Umupo ako sa kama at ipinatong ang ulo ko sa aking mga tuhod habang umiiyak.
'Ang napakaganda mong pangalan ay sadyang napakahirap kalimutan.'
Hinintay ko munang kumalma ang aking sarili bago ako tumayo upang uminom ng tubig. Tinignan ko ang oras sa side table. Alas tres palang ng madaling araw. Napahawak ako sa ulo ko at napaupo sa upuan.
'Bakit napanaginipan nanaman kita? Bakit parang napapadalas nanaman?'
Tumulo nanaman ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan at napailing. Napagdesisyunan kong magjogging muna para marefresh ang utak ko. Naghalf bath muna ako bago umalis ng bahay. Sinalpak ko ang earphone sa aking tenga bago ako mag warm up. Pagkatapos ay nagsimula na akong mag-jogging. Napatingin ako sa kalangitan.
'Madilim pa at malamig. Mabuti nalang at nakajacket ako.'
Tumakbo lang ako hanggang sa makarating ako sa isang taniman na pag-aari din namin. Madilim pa lamang ay nagtatrabaho na ang mga tauhan namin. Nang makita nila ako ay kinawayan nila ako. Nginitian ko sila at kumaway den.
"Magandang umaga ho Miss Angelle." -maganda ang pagkakangiti sa akin ni Aling Adel.
"Magandang umaga din ho Aling Adel." -nginitian ko din siya.
"Kumain ka na ho ba? Kung gusto mo ay sumabay kana sa amin sa pagkain." -tanong sa akin ni Mang Nato
"Salamat po sa pag imbita pero nagjajogging po kase ako. Mamaya na lamang ako kakain bago pumasok." -magalang na sagot ko.
"Sayang naman Ate Angelle masarap pa naman ang luto ng Nanay ngayon. Sigurado ay pagsisisihan mong hindi mo ito natikman." -pangongonsenya sa'kin ni Mae ang anak ni Mang Nato at Aling Adel.
"Oo nga naman iha dito kana mag-almusal. Gusto ka din naming makasabay sa pagkain." -sabi ni Lolo Densyo.
"Nakakahiya naman kay Miss Angelle itay baka hindi siya kumakain ng pagkain natin dito." -sabi ni Aling Aida. Kapatid ni Aling Adel.
"Nako, oo nga mayaman pala itong si Ate Angelle at baka hindi siya kumakain ng ating pagkain." -sagot naman ni Mae habang nakatingin sa kanyang nanay.
"Hindi naman ho ako maarte sa pagkain." -nahihiyang sagot ko.
"Kung ganoon po ay sasabayan mo kami sa pagkain?" -nakangiting tanong ni Mae sakin.
'Nakakahiyang tumanggi sa mga taong ito.'
"Mabuti pa ay subukan mong tikman ang aming pagkain. Sinisiguro kong hindi mo ito pagsisisihan." -nakangiting sagot ni Mang Yato na kapatid ni Mang Nato.
'Hindi nagkakalayo ang kanilang mga pangalan kung kaya't minsan ay nakakalito.'
Pinilit pa nila akong kumain nahihiya man ay pumayag na din ako. Masyadong magaganda ang mga ngiting ibinibigay nila sa akin at sadyang napakahirap tanggihan. Umupo kami sa isang lamesa na mahaba. Madaming tauhan ang aking mga magulang. Hindi ako makapaniwalang sabay-sabay silang kumakain ng agahan. Natutuwa akong makita na pamilya ang turingan nila sa isa't isa kahit pa hindi sila magkakamag-anak.
'Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila. Hindi man sila tunay na magkakadugo ay pamilya na ang turingan nila. Samantalang ako ay parang isang kaaway kung ituring sa bahay.'
Maluha-luha akong nag-iwas ng tingin. Ayokong maging emosyonal sa ganitong sitwasyon. Masyado silang masaya upang sirain ko.
"Ate Angelle kumakain ka ba ng tuyo?" -tanong sa akin ni Mae na siyang ikinatigil ng lahat at napatingin sa akin.
YOU ARE READING
I Wake Up Without My Bestfriend
Teen FictionMagbestfriend si Angelle at Mikhael simula pagkabata. Si Mikhael ang nag-iisang taong nakakaintindi at nagpapasaya sa kanya. Walang araw na hindi siya nito pinapasaya. Kapag nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ng kaniyang pamilya, si Mikhael ang du...