Ika-anim na kabanata.
Makalipas ang ilang araw simula ng malaman kong lagi siyang andun sa ibaba. Halos gabi-gabi din akong hindi makatulog kakasilip sa kanya. Ngayon ko planong makipag-usap sa kanya. Wala akong sinabihan miski isa sa bagay na ito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong gawin to.
"Te okay ka lang? Uso kumurap baka matuyuan ka ng mata." -natatawang sabi ni Dally.
"Uso ding huwag makialam sa trip." -irap ko sa kanya.
"Whoa easy!" -lalo pa siyang natawa.
Inirapan ko lang siya, binalingan ko ng tingin sila Macie sa likod. Nagtatawanan sila, maliban sa isa na mukhang antok na antok.
'Namimiss ko ng marinig ang tawa mo at makita ang ngiti mo'
"Why don't you join them?" -nakangiting tanong sa akin ni Dally.
Nakangiting umiling ako, humarap ako sa kanya.
"For what?" -pagtatanong ko din sa kanya.
"By just looking at you a while ago? I can see that you really miss them." -nakakunot ang noo niya.
"Yeah I do, I really do. But maybe this is not the right time for us to go back to how we used to be." -malungkot na sabi ko.
"When is the right time?" -mapang-asar na tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Lumapit siya sa tenga ko. "It's now or never."
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng impact sa sistema ko nung sinabi sa akin ni Dally. Ilang subject na ang lumipas ngunit nanatiling naglalayag ang utak ko kung saan. Kapag naiisip kong kakausapin ko na siya mamaya ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong umatras, di ko alam kung saan ako magsisimula.
"Can we talk?" -nabigla ako sa sinabi ni Larra.
"About some important matters." -biglang singit ni Macie na hindi ko napansin.
Seryoso ang mga tingin nila sa akin kaya hindi ko maiwasang kabahan ng husto. Wala sa sariling tumayo ako, lumabas naman agad ang dalawa kaya sumunod ako. Hindi ko na din nagawang magpaalam kay Dally sa sobrang kaba. Nakarating kami sa garden. Umupo sila kaya ganun din ang ginawa ko. Ilang minuto kaming natahimik ng basagin ni Macie ang katahimikan.
"Magkasama tayong tatlo at natahimik tayo ng ilang minuto? Nakakapanibago!" -natatawang sabi niya.
Napatingin silang dalawa sa akin. Nakakailang ang mga tingin nila kaya umiwas ako ng tingin.
"Look at us Ange." -seryosong sabi ni Larra.
Naiilang man ay tumingin ako sa kanila.
"Spill it out." -pinilit kong maging kalmado.
"Hindi ka ba naaawa sa kanya? Hanggang kailan mo siya balak saktan? Kailan mo siya balak patawarin? Kapag huli na ang lahat? Stop being selfish Ange!" -tumaas ang boses niya, nanginginig ang mga kamay niyang nakaturo sa akin.
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Masyado akong nagulat sa mga salitang binitawan niya. Ngayon lang siya naging ganto sakin. Nahampas siya ng mahina sa balikat ni Macie nang makita nito ang reaksyon ko.
"Don't scare her!" -saway sa kanya ni Macie na medyo tumaas ang boses.
"I did not! Stop yelling at me." -inirapan siya nito.

YOU ARE READING
I Wake Up Without My Bestfriend
Teen FictionMagbestfriend si Angelle at Mikhael simula pagkabata. Si Mikhael ang nag-iisang taong nakakaintindi at nagpapasaya sa kanya. Walang araw na hindi siya nito pinapasaya. Kapag nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ng kaniyang pamilya, si Mikhael ang du...