Unang kabanata.
Nagising ako dahil sa alarm na nasa side table. Walang gana akong tumingin sa orasan dahil talagang inaantok pa ako.
'4:15, tss siguro ay kanina pa nag-aalarm ang alarm clock ko. Ganoon ba kahimbing ang tulog ko para hindi agad magising ang diwa ko?'
Tumayo ako para uminom ng tubig na nasa side table ko. Ginagawa ko ito para magising ang diwa ko bago pumasok sa paaralan. Napabuntong hininga ako. Papasok nanaman ako sa paaralan at natitiyak kong pag-iinitan nanaman ako ng siraulong 'yon. Pumunta ako sa lamesa at agad na napangiti nang makita kong may nakahain na sa mesa.
'Siguro ay hindi na nag-abala pang gisingin ako ni Nanay dahil nakita niyang masarap ang tulog ko.'
Nagsimula na akong kumain at pagkatapos 'non ay naligo. Nasisiyahan ako dahil hindi na ako mababagot dito sa bahay. Ngunit nalulungkot din dahil alam ko ang mangyayari sakin sa loob ng paaralan.
'Tsk kung akala mong matatakot na ako sayo ay nagkakamali ka. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi mo matatanggal ang sungay ko. Ako ang nagpatubo nito kaya ako lang ang may karapatang magtanggal nito.'
Nasa harap ako ng salamin at nagboblower ng buhok. Hindi ko gustong lumabas ng bahay na basa ang buhok ko. Nang matuyo na ito at nakuntento na ako sa mukha at ayos ko ay lumabas na ako ng kwarto. Agad rin akong bumalik nang maalala ko ang lipstick na binili ko para kay Dally. Kahapon pa siya send nang send ng sms para mangamusta ngunit kahit isa ay wala akong reply. Hindi ko ugaling magtype, mas gusto kong nagsasalita. Pagkababa ko ay walang tao, hindi na bago sa akin ang ganoon kaya lumabas na ako ng bahay. Agad akong sinalubong ng driver at sumabay sa'kin papuntang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya pumunta sa driver seat. Nagsalpak ako ng earphone sa tenga ko para naman malibang ako. Napatingin ako sa orasan.
'6:00. Maaga pa.'
Wala pang 15 minutes ay nakarating na agad kami sa school. Pagkababa ko ay sinalubong agad ako ni Dally ng yakap.
"Surprise." -masiglang sigaw niya habang yakap yakap ako.
Natawa naman ako sa ginawa niya. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Dami mong alam." -natatawa kong asar sa kanya.
"Ito naman, namiss lang kita friend hanuna? Buti buhay kapa?" -sabay kaming natawa habang naglalakad.
"Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ako e." -mahina naman niya akong binatukan habang natatawa.
"Buang ka, oo nga pala 'te anong balak mo sa mortal enemy mo?" -nakangising tanong niya. Inirapan ko naman siya saka mahinang natawa.
"Wala, ganun pa rin." -napatingin siya sa'kin at natawa nang mahina.
"Magulang mo nga hindi ka mapatino siya pa kaya? Teacher lang siya, wala siyang mapapala sayo." -sabay kaming natawa. Napahawak ako sa bulsa ko kaya naman naalala ko 'yong lipstick niya.
Bago kami makarating sa room ay itinago ko na ang smartphone at earphone ko. Pagkaupo namin ay agad kong kinuha ang lipstick at binigay sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at maya-maya lang ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Woy wag masyadong matuwa atih hindi ako makahinga punyeta." -natatawa kong sabi. Agad naman siyang kumalas sakin at ngumiti ng malapad.
"Nakakatats friend ah? Hindi naman ako nainform na may palipstick pala si mayora." -biro niya.

YOU ARE READING
I Wake Up Without My Bestfriend
Fiksi RemajaMagbestfriend si Angelle at Mikhael simula pagkabata. Si Mikhael ang nag-iisang taong nakakaintindi at nagpapasaya sa kanya. Walang araw na hindi siya nito pinapasaya. Kapag nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ng kaniyang pamilya, si Mikhael ang du...