Ika-apat na kabanata.
"Okay class you will be having an activity today. Don't worry because I don't want you to be stress so I will give you a partner." -nakangiting sabi ni Mr. Reyes.
Agad kaming nagtinginan ni Dally, nagtaas-baba kami ng kilay habang nakangiti.
"I'm the one who will choose your partner." -dugtong ni Mr. Reyes.
Nagkatinginan ulit kami ni Dally at ngumuso. Tumingin ulit kami sa harapan at nakinig. Sinasabi na niya ang mga magiging magpartner.
"Mr. Sanchez and Ms. Antonio."
Kinakabahan akong sumulyap kay Kyle at pagkatapos ay kay Dally. Hindi ko gustong maging magpartner sila. Hindi dahil sa tamad o puro kalokohan si Kyle, alam kong seryoso siya pagdating sa pag-aaral. Ang inaalala ko lang ay baka maging close sila at iyon ang maging tulay para maging ayos kaming lahat.
'Hindi ko alam kung bakit ayokong mangyari yon. Marahil ay hindi pa ako handang harapin sila.'
"Ms. Rose and Ms. Victorino."
Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang hindi magandang balita. Tinignan ko si Mr. Reyes na parang nagmamakaawang palitan ngunit tinignan niya lamang ako. Tumungo nalang ako sa pagkabalisa, ayokong tignan si Macie dahil alam kong nakatingin siya sa akin ngayon.
'Bakit sa dinami-daming tao dito sa loob ng room ay ikaw pa?'
"Oh-uh" -batid kong nang-aasar si Dally kaya tinignan ko siya ng masama. "Ooopppsss!" -humawak pa siya sa bibig niya na parang nadulas siyang magsabi ng isang lihim.
Tinignan kong muli siya ng masama, ngitian lamang niya ako at nagkibit-balikat.
"Tigilan mo ako." -nagbabanta kong sabi.
"Bakit inaano ba kita?" -kunwaring inosente niyang tanong.
Pinanliitan ko siya ng mata, hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa simpleng pang-aasar niya.
"Alam mo kung anong ginagawa mo kaya huwag mo akong paandaran ng kakaganyan mo." -tinignan ko siya ng masama at inambaan ng sapak na siyang ikinatawa niya.
"Pangarap kong wag kang mapikon." -natatawa niyang sabi.
"Pangarap ko ding wag kang mamikon." -irap ko sa kanya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Wala pa akong masyadong alam, pero nasisiguro kong malapit kayong magkaibigan noon nila Macie. Hindi kaya God's plan to para magkaayos na kayo?" -seryoso niyang sabi sa akin habang nakakunot ang noo. "Huwag mong sayangin ang opportunity. Baka magsisi ka!" -nagkibit-balikat siya at tumayo para puntahan si Kyle.
Dahan-dahan akong tumingin sa likod para silipin si Macie. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at mukhang naghihintay. Itinaas ko ang dalawa kong kilay, kahit nagulat ay mabilis siyang tumayo at umupo sa upuan ni Dally. Tahimik lang kami pareho habang sinasabi ni Mr. Reyes ang gagawin.
"This is one week activity, you need a full cooperation by each other. If your parter doesn't participate with you just tell me." -hindi ko na masyadong naintindihan ang paliwanag niya dahil lutang ang isip ko.
'Paano ko makakayang kausapin to sa loob ng isang linggo?'
Tumingin ako sa kanya, nakita kong nakatingin siya sakin. Nahihiya siyang ngumiti at mabilis ding ibinalik ang tingin sa harapan.
YOU ARE READING
I Wake Up Without My Bestfriend
Подростковая литератураMagbestfriend si Angelle at Mikhael simula pagkabata. Si Mikhael ang nag-iisang taong nakakaintindi at nagpapasaya sa kanya. Walang araw na hindi siya nito pinapasaya. Kapag nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ng kaniyang pamilya, si Mikhael ang du...