Chapter Forty-Six

109 2 32
                                    

Wendy's POV

No...

Jungkook fell flat to the ground.

Lifeless.


Di ko mapigilang mapatayo. Nabigla naman itong mga kasama ko.

"I told you di niya matitiis yang mga kababata niya." nakangising saad ng isa. Seryoso lamang na nakatingin sa akin si Mark.

What should I do now?!

Napatingin ako kay Yeri...

Naglalabas na siya ng itim na usok pero di pa ito gaanong kapansin pansin. I have to be quick or else.

Naramdaman ko ang kamay ni Mark sa aking pulso. Napatingin ako sa gawi niya.

"Babe what is it?"tanong nito. Napakagat labi ako.

"I'm sorry.." bulong ko at dali daling lumabas ng barrier.

Hahabulin sana ako ni Mark pero di niya nagawang makalabas sa ginawa kong barrier. Nakarinig naman ako ng malulutong na mura mula sa mga kasama niya sa loob...

"why?"rinig kong tanong ni Mark..
Di ko na nagawang lumingon. Yung tono niya, puno ng sakit. I felt so wrong kahit alam kong tama itong ginagawa ko.

You have to do the right thing Wendy!

Tinalon ko mula sa second floor papuntang 1st floor at dali daling tinakbo ang direksyon ni Jungkook.

"He's okay Yeri!! Calm down!!" sigaw ko habang pilit na isinasalba si Jungkook. Hindi naman ito umimik. Nakatulala lang ito sa katawan ni Jungkook...

He lost alot of blood. Ang dami ding damage na mga muscles at tissues niya... He's very close to dying...

Nakikita ko ang mga tingin na ibinibigay nila Seulgi at joy habang nilalabanan ang mga natitirang demons..  Sila na ang lumaban sa kinakalabang demon kanina nila Yeri...  Napatay na kasi ang kalaban nila kanina...









They're scared...








And so am I.

Nakita ko ang pagiiba ng mga mata ni Yeri...

We're too late... The devil has her now again..

"GUYS LUMAPIT KAYO SA AKIN BILIS!!"Sigaw ko. I have to protect them... I can't make the same mistake like what I've did to Yeri...

"Ayoko nga! Eh traydor ka eh!" sigaw ni V. Napakumo ako.

"Hindi na si Yeri ito kaya kung gusto niyo pang mabuhay..  LUMAPIT KAYO!!" Sigaw ko. Nahagip ko ng tingin ang kinalalagyan nila Mark...

I saw him looking blankly at the ground... While the others were busy kicking and punching the barrier to get themselves out.

My heart aches.

Nagsilapitan naman sila.. Kinalad kad pa nga ni Joy si V dahil ayaw pa din nitong lumapit.

Agad akong lumikha ng shield.

"It won't last long, we have to think of a way para pakalmahi---" di ko agad natuloy ang sasabihin ko ng biglang di ko na naramdaman ang mga tuhod ko dahilan sa biglang pagkatumba ko. Wala na akong inerhiya...

"Wendy!!" sigaw ni Joy. Inilalayan niya ako paupo.

"I'm sorry... I'm really sorry..." naluha ako habang sinasabi yun. Nginitian naman akong ng matipid ni Joy.

"It's fine.. Just don't die okay? No one is dying tonight except to those creatures!" saad nito. I nodded.

Gumapang ako palapit sa katawan ni Jungkook, pinigilan naman ako ni Seulgi.

"You'll die..." walang halong tanong ang sinabi niya. Ngumiti lang ako at tinanggal ang kamay niya nakahawak sa akin. I know, but this is my role. I have to keep everyone alive.

"Aaahhhhhhhh!!" sigaw ni Yeri. Kinilabutan kaming lahat. Pinaghalong boses niya at boses ng demon ang naririnig namin.

Mabilis na ang mga sunod na nangyari, agad na inatake ni Yeri ang demon sa kanan niya..

Tinakbo niya ito at sinalubong ng suntok. Muntikan nang matumba ang demonyo..

Nakita kong ngumisi si Yeri..

May nadaanan siya bangkay ng alalay nila Mark, pinulot niya ang paa nito at sinimulang hilahin.. Nakangisi lamang ito habang normal na naglalakad palapit sa demonyo.

"You killed him..."

"He's dead..."


"Now..."

"I have to kill you..."

Rinig naming saad ni Yeri.

Hinampas niya gamit ang bangkay na hawak niya ang demonyo. Hindi ko mapigilang mapapikit, halos maggutay gutay na ang bangkay mula sa pagkakahampas sa kanya.

Napaatras lamang ang demon at agad na sumugod kay Yeri.. Sa liit ni Yeri di mo aakalain na kaya niyang gawin ang lahat ng kanya ginagawa ngayon sa dalawang demon...

Dahan dahan siya lumutang...

"You guys can fly?!" gulat na tanong ni V. Nanatili lang kami tahimik habang nakamasid kay Yeri.

We can't fly, but the devil can.

Tumigil ito ng magkaheight na sila ng demon. Maging ang mga demonyo ay tila nakakaramdam ng takot sa kanya. Nanatili lang ito nakatingin sa kanya..

Nilingon niya yung isang demon...at ngumisi.

"You'll definetly not needing this anymore..." pagkasabi nya non ay hiniwa nya ang kanang braso ng demon sa harap niya... Natulala ako..

Sa isang kislap mata, di na namin nakita kung paano niya nagawang patumbahin ang dalawang malalaking demonyo sa harap niya.

Hiwa hiwalay na ang mga parte ng mga katawan nito resulta sa walang awang paghiwa hiwa sa kanila ni yeri.

"She--she's..." hindi na nagawang ituloy pa ni Joy ang sasabihin ng biglang lumingon sa aming dereksyon si Yeri.





"Now... " Rinig naming saad ng demon sa loob ni Yeri..

Ngumisi ito ng nakakatakot..
Naglakad siya papunta sa dereksyon namin..








"Time to kill those useless friends who let your love die, Yeri..."

RevelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon