Chapter 6
“IKAW?!”
“Magkakilala kayo?” Tanung ni Alex kay Jenny, Hindi man lang niya alam na magkakilala pala ang mga ito.
“Alex siya yu---“ pero bago paman makasagot si Jenny ay biglang nagsalita itong si Tristan
“Ha? Hindi ko siya kilala, ngayon pa nga lang kami nagkita eh, Baka naman kamukha ko lang yung kakilala niya, nagkamali lang siguro, Diba?”
Tumingin ito kay Jenny na para bang nagsasabi na umoo nalang ito pero hindi ito pinansin ni Jenny
“Hindi hindi! Kaninang umaga nga ----“
“HINDI NGA DIBA!!” biglang sigaw ni tristan
Nagulat si Jenny at bigla nalang natahimik pati na rin si Alex na mukhang naguguluhan parin sa nangyayari.
tulala parin itong si Jenny at mukhang nagulat talaga sa biglaang pagsigaw ni Tristan. Bahagya naman siyang tinulak ni Alex na kanina pa kinukuha ang atensyon nito.
“Hey jenny you still there?”
“Huh? Oh uh yeah yeah. Hehe sorry.”
“Oh okay, so guys tama na yan. First of all Ny baka nagkakamali ka lang sa pagkakakilala dito kay Tristan maybe it’s just someone who really looks like him at ikaw naman tris don’t take it seriously dude ikaw talaga.”
“Ah –eh-heh-heh-heh oo nga baka nagkamali lang ako”
Tumawa ng mahina si Alex at inakbayan ng sabay ang dalawa
“O pano ba yan, ayus na lahat ha? Sige Ny halika na hatid na kita sa gate.”
Binitawan na nito ang dalawa at naglakad na siya papunta ng pinto ng biglang nagsalita si tristan.
“Teka Al anung gagawin mo dito sa mga equipments na pinadala mo sakin? Ilalagay ko na lang ba dito to? I need to set it up immediately baka masira pa tong mga to pauwiin mo nalang magisa yang kaibigan mo kaya naman niya sigurado.”
“Sorry dude nakalimutan ko, uhm sandali lang naman kami I’ll be right back immediately.”
“Ah sige ayus lang Alex, kung gusto mo naman tulungan ko na kayong magayos ng equipments dito.”
Napangiti naman itong si Alex sa sinabi ni Jenny, Hindi niya ba alam kung bakit tuwing ngingiti tong babaeng to para may nararamdaman siyang kakaiba na hindi niya kayang maexplain explain.
Si Tristan naman ay hindi makapaniwala sa ipinagkikilos nitong si Alex dahil sa pagkakaalam nito ay walang interes sa mga katulad nitong babae na ito ang kaibigan niya. Hindi nalang siya kumikibo at nagsimula nang mag ayos ng gamit.
“Kung magtititigan lang kayo diyan buong maghapon baka bukas na tayo matapos dito.”
Nagulat naman ang dalawa sa sinabi ni Tristan at agad inalis ang tingin sa isa’t isa Napakamot nalang silang pareho sa batok at nanatili parin sa kinatatayuan.
“Tsk anu ba kayong dalawa?! Ngayon naman tatayo lang kayo diyan?”
-------------------------------------------------- After half an hour
Sabay sabay na napasandal sa may pader ang tatlo, Pagod na pagod at taktak ng Pawis ang mga ito. Pero kahit ganun eh naging maayos naman ang pagseset nila ng mga equipment na kani kanina lang eh nakatago pa sa mga kahon, sinabay narin nilang linisin ang buong puwesto, dahil sa may kalumaan na nga ay napuno na ito ng sarisaring alikabok.
“Wew grabe ah nakakapagod yun.”
“Oh ny, ayus ka lang? Gusto mo ba ng maiinom? Ikukuha kita.”
“Ha? Hinde sige ayus la---“
“Ako gusto ko , ikuha mo na rin ako.” Biglang sabat ni Tristan.
“Ah, Osige kuha lang ako dun sandali.”
“Teka sandali sasamahan na kita”
Tatayo na sana si Jenny nang bigla nalang siyang hinila uli paupo ni Tristan.
“ Ikaw, diba sabi mo pagod ka? Umupo ka lang diyan, at ikaw naman kumuha ka na ng maiinom nauuhaw na talaga ako.”
Nabigla naman itong si Jenny sa kinauupuan niya at hindi nakapagsalita. Nautal utal lang ito at tumingin sa dalawa. Nang dumating ang tingin niya kay Tristan eh nagulat ito dahil sobrang nakakunot ang noo nito sakanya.
“ Ah ganun ba sige alis na ako,”
Nang pagkaalis ni Alex ay walang nagiimikan sa dalawa. Napaginteresan ng husto ni Jenny ang puting dingding ngayon dahil sa wala itong alam sabihin sa katabi nito. Napaka awkward daw kumbaga.
“Hn, Talagang ang Kapal din ng mukha mo noh?”
Nagulat naman si jenny at napalingon agad sa katabi.
“A—ano?! Ano nanaman bang sinasabi mo?”
Tumingin naman ito ng deretso sakanya at nagsalita
“Tss. Tignan mo nga itsura mo, Nakakapagtaka na sinasamahan ka pa ni Alex,halatang dikit ka lang ng dikit sakanya, ang layo layo mo sa ibang babaeng tipo niya. At idagdag mo pa ang kagaspangan ng ugali mo. Nakakainis ka pang tignan. Para ka talagang isang tomboy!”
Lalong itong nagulat sa sumunod na sinabi nito, hindi niya alam kung maiiyak ba siya o magagalit sa pinagsasabi nitong si Tristan. Nararamdaman niya ang tila pagbasa ng mga mata niya. Pero determinado siyang wag umiyak sa harapan ng lalaking ito kaya tumayo nalang ito at kinuha ang bag niya sa may upuan, tumingin muna ito kay tristan sabay sabing
“Kung yan lang sasabihin mo tungkol saken pasensya na dahil hindi maganda ang naging unang pagkikita natin, at wala karing karapatang husgahan ako base sa itsura ko, Oo siguro nga imposibleng maging kaibigan ako ni Alex, pero mas nagtataka ako kung paano niya naging kaibigan ang isang taong asal Aso na katulad mo.”
Palabas na ito ng makasalubong niya si Alex sa may pintuan hawak hawak ang isang plastic na may tatlong soda sa loob. Nagulat naman ito ng makita si Jenny palabas at mukhang galit na galit pa.
“Ny, san ka pupunta? Natagalan ba ako ng pagdating? Eto na yung soda mo oh.”
Tinignan lang siya nito at para bang wala lang eh dumiretso na ito paalis. Lalong ipinagtaka ito ni Alex at agad agad pumasok sa loob at nakitang pati narin si Tristan ay mukhang paalis na rin.
“Uuwi ka na rin Tris?”
Hindi rin ito sinagot si Alex at dirediretso nang lumabas. Naiwan nalang dun si Alex magisa nakatayo at nagtataka sa biglaang pagalis ng dalawa.
“May nangyari ba nung wala ako?”
A/N:
First of all thank you po sa mga readers ng story nito kahit paonti na ng paonti hehehe and second is I dedicate this chapter to ate BehYA. Napakabait po niyan sobra :”) And basahin niyo po ang mga story niya magaganda po sila :>
Thank you po sa mga continuos readers and kay Ate BehYa :*
--Amazingyeoja<3
BINABASA MO ANG
My stupidoopey Life
RomanceShe's hiding her true gender for someone, he hates her ever since they met, one string of fate brought them together one night. Will they treat each other differently or will it only make matters worst?