Chapter 8
"Sumama ka na kasi Bakla" pilit nitong si John
"Onga sis sumama kana kasi, Bahala ka mabuburo ka dito sa loob ng bahay." Pagsangayon naman ni Stephanie
Kasalukuyang nasa condo ni Jenny ang dalawa at kanina pa pinipilit na isama ito mamaya sa Party. Pero dahil nga sa dahilan nitong tinatamad ito at masama daw ang pakiramdam ay ayaw na nitong sumama, lalo na ng malaman niyang ang host ng sinasabing party ng dalawa ay si Tristan Hyun.
"Ano ba kasi eh, ang kukulit niyong dalawa! Ayoko ngang sumama! Tsaka baket? Invited ba ako? Kayo nalang pumunta" sabi nito habang tinatapos ang ginagawang juice para sa dalawa.
"Bakla naman eh anu bang problema mo? Meron ka ba ngayon ? kung makapagreact ka naman eh," tugon naman nitong si John
"Ayoko ngang sumama diba? Kasi nga masama ang pakiramdam ko. Ulit ulit?" iritadong sagot ni Jenny
Nanahimik ang dalawa, kapwa walang magawa dahil matigas talaga ang ulo nitong si Jenny at ayaw parin sumama.
Nang biglang nagliwanag ang mukha ni John dahil may naisip itong paraan.
"Ay! Bongga! Alam ko na!" sabi nito habang hinahalughog ang dala dalang bag
Jenny's Pov
Nakakainis na tong dalawang to kanina pa sila noh, Walanjo ang kukulit! Sinabi ko na ngang ayokong sumama eh! Excuse ko lang yung masama ang pakiramdam ko, pano naman kasi nalaman ko na yung maghohost pala ng party ay walang iba kundi yung mala demonyong Tristan hyun na Yon! Tss pakamatay nalang ako kesa pumunta sa Hell of a party na yon!
"Ay Bongga alam ko na!" anu nanaman kayang gagawin nitong si bakla. Tinignan lang namin siya ni Stephanie habang hinahalughog nito ang bag niya, after ilang minutes ay mukhang nakita na nito ang hinahanap niya.
"Kapag dika pa sumama nito bakla" aba anu nanaman bang gagawin nito? Nakita kong may dinial ito sa cellphone niya, hindi naman siguro niya tatawagan si Tristan diba? Hindi naman niya alam yung nangyari samin maliban nalang kung pinagkalat ito ng demonyong yun -________-
"Hoy nilalang ng lupa kailangan ko ng tulong mo, kausapin mo muna itong si X-girl ayaw sumama sa party mamaya" Ay baklang to tawagin banaman akong X-girl?! Anu ako X-Men?! Tsaka sinu ba tong kausap niya. Dikaya si Stephen?! X daw eh. Ay baklang to subukan lang niya kung di ko tinapon sakanya yang cellphone niya.
"Bakla Huy anu ba?! nangangawit na aketch!" Ay! Diko napansin binibigay na pala niya sakin tong Cellphone, sorry naman noh kausap ko pa kasi sarili ko -_____-
"H-h-hello?" Makastutter naman ako eh noh, psh. Sa kinakabahan ako eh. Meh ganon?
"Ny!" teka ang boses na to! "ALEX?!" oh my gosh eto nanaman ako, feeling ewan to the max marinig lang boses ni Papable <3<3
"Sama ka mamaya sa party ha? Please? Just this once then after this hindi nako magpipilit. It'll be fun promise, See ya ---" A-anu daw? Tuluy tuloy lang talaga magsalita hindi man ako hinayaang umek ek -___-
"H-hello, Hello?!" bastusing papable oh, binabaan banaman ako? Psh kahit gwapo to papatusin ko to promise, Bigla namang hinablot sakin ni bakla yung cellphone, "Oh ano? Sasama ka o hindi?" Hay nako ayan nanaman yang ngiti niyang nangangademonyo. Tss may choice pa ba ako?
BINABASA MO ANG
My stupidoopey Life
Storie d'amoreShe's hiding her true gender for someone, he hates her ever since they met, one string of fate brought them together one night. Will they treat each other differently or will it only make matters worst?
