13. Circumstances

56 3 2
                                    

Sorry kung natagalan at matatagalan akong mag update. Busy kasi e. Pero keep in touch parin. Votes Comments. Enjoy.  Dedicated kay MhariellaBuan. Thankyou sayo. :***

********************************************************************************

THIRD PERSON’s POV

Sinugod si Ron at si Andreiana sa pinakamalapit na ospital ng mga nakakita sa kanila. Agad nilapatan ng first aid at nilinis ang mga sugat.

Mas malala ang kalagayan ni Ron kaya naman agad siyang dinala sa OR.

Matitinding sugat at fractures naman ang inabot ni Andreiana.

“Nasaan ang anak ko?!” Sigaw ni Mrs. Celes, Mommy ni Ron.

“Madam huminahon muna po kayo. Sino po basa dalawa ang anak nyo? Ung babae o yung lalake?” – nurse

“Ung.. ung lalaki ho.” Sagot naman ng Daddy ni Ron

Tila may distansya parin sa dalawa dahil sa nalaman ng Mommy ni Ron na may anak ang asawa nito sa iba ngunit nagulantang ang mundo nila ng may tumawag sa kanila para ipaalam na sinugod sa ospital si Ron dahil sa pag kakabangga.

“Mister, misis. Nasa OR pa po ang anak nyo. Madami pong bubog ang pumasok sa katawan niya at ganun din po ang mga dugong nawala sa kanya. Ginagawa napo ng doctors namin ang lahat ng makakaya namin para mailigtas ang anak nyo. But we need to say this na 50 50 nalang po ang chance ng anak ninyo. “

Napahagulhol na lamang ng iyak ang Mommy ni Ron at tila naman nabuhusan ng malamig na tubig ang Daddy nito.

“Nur-se gawin nyong lahat pa pa—ra mailigtas ang anak ko. Please. Gawin nyong lahat ito. “

“We’ll see what we can do Sir.”

The two of them breaked down. Cried and worried.

“Jusko ang anak ko.” Mom ni Ron.

“Kasalanan ko ito.” Tila nasapo na lamang ng daddy ni Ron ang kanyang noo.

“Kasalanan mo talaga ito Sebastian. Pati nang bastardo mong anak”

Umalis muna si Mrs. Celes at nagpunta sa chapel para ipag dasal ang anak.

RON’s POV

Noong tumagos ang hawak ko sa babaeng kasabay kong naaksidente ay nakita kong nilagay nila ang bangkay ko(?) I mean katawan ko sa isang ambulansya. At dahil nga tumatagos ang hawak ko sa mga bagay bagay ay hinabol ko ung ambulasya.

Aba. Hindi ako nakasabay duon sa loob e. Naiwan ako. Malay ko bang tatagos ang hawak ko. Kaya heto ako. Hingal at pagod.

Oy! Napapagod din ang kaluluwa no. Ngayon ko lang napatunayan.

Agad ipinasok ang katawan ko sa OR. At dahil tumatagos nga. You know. Hindi ko na kailangang buksan ang pinto.

Nagulat ako sa nakita ko. Ganito pala ka grabe ang nangyare sa akin. Ang dami dami nilang nilalagay na aparato sa katawan ko at ang rinig ko pa ay ooperahan ako. Pero wala nang masyadong matrace na heartbeat sa katawan ko.

Kaya naman out of curiosity dahil may heartbeat pa ako ay napagtanto kong hindi pa ako patay. Humiga ako sa katawan ko at pumikit.

I AM PERFECTLY COMPLETELY INLOVE WITH YOU. (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon