Chapter 1
The beginning
"Hindi mo ba ma intindihan? Diba sinabi ko na wag na wag mo akong gugulohin kasi ayoko sayo!". Nag walk out nalang ako dahil sa sobrang inis. Sinabi ko naman sa kanya ayoko magpaligaw. Study first ako tsaka NBSB ako, ayoko muna sa pag-ibig na yan masasaktan ka lang naman nyan.
Nagulat nalang ako nag bigla nyang hinawakan ang braso ko.
" please alexa, give me some chance seryoso naman ako sayo e, M-mahal kita" tinignan ko sya matapos nya sabihin ang katagang iyon. Didn't he know how i hate that word? Hindi nya alam ang sinasabi nya.
Kinuha ko ang kamay nya sa braso ko, ang swerte nya naman masyado.
"Wag mong sabihin na mahal mo ako kasi hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin non. Liam! Please stop nagging me, you'll find someone better than me"
Saad ko bago ko sya tinalikuran at umalis na. Alam ko nasasaktan ko sya pero ayoko syang paasahin. Wala naman talaga akong nararamdaman sakanya bakit ko pa pipilitin?. Ano yon lokohan?
Bago ako tuluyang makalayo nilingon ko ang lugar kung saan ko iniwan si liam. Andoon padin sya still standing habang nakayuko sa kabilang kamay nya ay isang bouquet ng bulaklak na ibibigay nya sana saakin.
I know im so very harsh but it's for his sake. Ayoko na pilitin ko na mahalin sya na alam ko naman in the first place hindi ko kayang gawin. Hindi ako ganon.
"Alexa oy congrats" sabay yakap sakin na napaka higpit. " you really did it again". Halatang proud na proud saakin ang kaibigan ko.
Yes! I did it again, to be on top of the class. Kaya ayoko ng magka boyfriend kasi gusto ko pa mag-aral ng mabuti at ma achieve ang goals ko in life at ayoko ng mga distractions.
Niyakap ko rin pabalik ang best friend ko. She knows me so well. Kababata ko yan. Kaya alam na alam nya lahat ng tungkol saakin.
"Thank you best. So. Libre moko diba sabi mo may price ako kapag ako ang naging top saatin?" Bigla naman nag-iba reaksyon nya from happy to biglang yung parang luging-lugi.
"Ang daya mo naman. Dapat ikaw magli-libre saakin kasi ikaw naka top" Sabay ngiti ng napaka wide. Aba. May pagka wise din pala itong best friend ko.
"Sige na nga." Sabay bigay ko sakanya ng pera. Kahit kailan talaga hindi ko to matiis tss. Kung hindi ko lang to kaibigan matagal ko na tong sinampal-sampal ang pagmumukha.
-
Kumakain kami ngayon ni bea at ubos ang pera ko dahil sa mga inorder nya.
"So. Tell me,kamusta naman ang pangliligaw ni liam sayo?". Tanong nya habang kumakain ng burger and spaghetti.