Chapter 3
Ganon pala..
[ Alexa ]
"So ako pala ang may malaking utang na loob sakanya? Aba! Hindi ko maalala na hiningi ko ang tulong ng lalakeng yon"
"Ows? Talaga? Hiyang hiya naman ako sayo day, kung makita mo lang kung paano ka nya tinitigan, nako. Siguro ngayon taken kana at hindi kana NBSB"
umupo nalang ako sa kama ko and humiga. Sabi ng doctor kasi magpahinga muna ako kahit tatlong araw lang and excuse naman ako sa school.
And sabi naman ng teacher ko papadalhan nalang nila ako ng homeworks and special exams and test para makabawi.
Aaminin ko, malaki ang utang na loob ko sa russel na yon. Pero parang may something sa loob ko na tumutotol, iwan ko ba, basta isa lang ang alam ko hindi ko sya gusto, alam ko kasing may bahid ng kasamaan ang lalakeng yon.
"Okay fine. Ipagpalagay natin na may utang na loob ako sakanya. Then so what? Wala naman syang hiningi bilang kapalit diba?
Ngumiwi lang si bea tapos biglang nag-isip isip. Saka nya ako tinignan na parang nanunukso
"eh....paano kung hihingi sya sayo ng kapalit? Wala pa sa ngayon pero pano pag magtagpo ulit ang landas nyong dalawa? Papayag kaba?"
Papayag ngaba ako?. Ay basta dependi sa hihilingin nyang kapalit kahit naiirita ako sakanya syempre malaki utang na loob ko sakanya diba?.
''Wag na nga natin pag-usapan yon. Naiirita lang ako non".
Niligpit ko nalang ang nga kalat sa kwarto ko. Lahat ng libro ko nasa sahig nasa kama nasa study table, ang kalat-kalat kasi pagkatapos kong basahin ang nga to ihahagis ko nalang kung saan.
Habang nag wawalis may nakita akong picture na nakaipit sa ilalim ng kama ko agad ko itong kinuha and then in just a snap nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.
"May copy kapa pala nyan? Ang saakin kasi best sinunog ko na. Sunogin na natin yan best kaya hindi ka nakakalimot"
Kinuha nya saakin ang picture, pero hinigpitan ko ang pagkapit ko dito parang... Parang ang bigat bigat sa loob ko na tutuluyan ko na talaga syang kakalimutan.
Pero in the end binitawan ko nalang kahit masakit sa loob ko na sunugin ang nag-iisang ala-ala namin.
"Hay nako tara na sa baba kakain tayo para mawala na ang lungkot mo"