Prologue

69 2 0
                                    

Prologue

Sa bawat galaw ko,

Sa bawat hampas ng bewang ko sa ere,

Sa bawat pag galaw ng katawan ko,

Lahat ng mata naka tingin sakin.

Yung iba, tuwang tuwa.

Yung iba, manghang-mangha.

Tuwing matatapos ang pag indak ko sa malaking platform sa harap,

Lahat sila lumalapit.

Nagkakagulo.

Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko.

Pag pinag-sabay sabay ko kasi, may magagalit, may maiinis.

Kaya dapat isa isa lang.

Wala namang mali sa ginagawa ko, hindi ba?

Nakakapag-pasaya ako ng ibang tao.

Sumasaya rin naman ako, kahit pagod na.

Para lang makapag-uwi ako ng pera.

Lahat ginagawa ko para sa pamilya ko, Pero...

Bakit nila ako pinakasal sa lalaking hindi ko naman kilala? Sa lalaking nung nalaman ang trabaho ko, walang ginawa kung hindi asarin ako.

Kahit ang bata ko pa. Pinilit nila akong ipakasal dun sa ungas na yun.

Pero wala naman akong magagawa eh. Mayaman kasi sila.

Eh ako?

Isa lang naman akong hamak na...

"Mascot"

Akala nyo kung ano na no? Hahaha. Part time job ko yon. Sa Jollibee. Ako madalas si Jollibee dahil ang galing ko raw sumayaw.

Yung lalaking tinutukoy ko naman, tss. Wag nyo nang intindihin yun.

KAHIT KELAN HINDI AKO MAIINLOVE SA KANYA! >_____<

But..

Yes, we're married.

And I can't do anything about it.

©suddensparkle

All Rights Reserved 2014

Yes, we're MARRIED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon