KATHLYN
AAAGGHH! Nakakainis! Kanina pa ako naghihintay dito! 2:30 pm ako lumabas tapos anong oras na? My gulay 4:00 na! Siguro kung kanina pa ako nalakad pauwi, nakarating na ako. Hay. Baka gabihin ako dito kung hindi ako kikilos. Medyo humahamog pa. Note to self: Always always bring an umbrella. Because like love, the weather can be unpredictable.
Tinaklob ko yung librong hawak ko sa ulo ko at nagsimulang lumakad. Nakaka ten steps palang ako nung may narinig akong bumusina sa likod ko. Pagtingin ko, kotse. Pero, hindi yata ganito yung kotse na gamit namin kanina ah. Lumapit pa yung kotse hanggang sa katapat ko na yung driver's seat. Bumukas yung bintana at iniluwa nun ang-- wait hindi pala niluwa. Pinakita nun ang isa pang gwapong nilalang.
Siya din yung lalaking dumating nung kasal ko, ang lalaking dahilan kung bakit naligo ang mukha ko sa icing. Yes, si Manager Stephen Kim Abella. Isang successful na nilalang. Inambunan ng goodlooks at pleasant attitude. Magaling din siya sa field of dancing. Nakakainlove lang. Hehe. Pero, wag kayo. May pag-ka-suplado yan at iwas sa mga girls. Bakit? Ewan ko.
"Saan punta mo?" tanong niya. "Ah, pauwi na." sabi ko. "Ganun ba? Eh, Kath, pwede favor? Can I borrow some of your time? You know, kasi kahapon pa kita hinahanap sa inyo. Wala namang tao. Hindi ko tuloy nasabi sayo na schedule mo ngayon." sabi niya habang kumukamot sa ulo. Nag-isip ako, tutal wala naman kaming assignment o kung ano man, sige. Extra pera din to.
Sumakay ako sa passenger seat. "Kamusta ka na pala?" tanong niya. Matagal din kasi kaming di nagkita mula nun. Ang totoo, close din kami ni Manager Kim. Parang kuya ko na nga yan minsan eh. Pero hindi kami close gaya ng closeness namin ni Kuya Kei. "Okay naman po. Ikaw Manager kamusta?" tanong ko naman. "Eto, ang dami pa din nanliligaw sakin. HAHAHA." sabi niya. Hndi ko ba na mention na medyo mahangin din to? Haha.
Nakarating na kami sa Jollibee. Sinalubong naman ako ng mga ate at kuya ko dun. Ako kasi pinaka-bata na crew dito. Haha. Bakit nga ba ako natanggap? Dahil sa isang kalokohan ko noon sa CR ng Jollibee. Sumasayaw ako nun ng 'Sa Jollibee Bida ang Saya'. Pano kasi birthday ni KengKeng nun tapos na LDS (Last Dance Syndrome. HAHA) ako nung performance ni former Jollibee. Kaya sinayaw ko. Malay ko bang hindi pala naka-lock yung CR non.
Kaya ayun, ako lagi ang girl-behind-those-heavy-costumes. HAHAHA. Pumunta na ako sa storage room para kunin yung costume. "Hoy!" sigaw nung lalaki sa likod ko. Nagulat ako kaya sumigaw ako ng "AY COSTUME!". "HAHAHAHAHA!" tawa naman nung nanggulat sakin. "TAE KA KUYA JIN!" sigaw ko. Muntik na ako atakihin dun ah. >____<
"Hahaha. Napaka-magugulatin mo talaga kahit kelan." sabi nya. "Kainis ka." sabi ko naman. "Oh, bilisan mo na jan. Pina-check ka lang ni Manager sakin. Bye." sabi niya sabay alis. Nag-punta naman ako sa CR ng storage room at dun nag-bihis. Matagal tagal ko din di nagawa to. Nakakamiss. Lumabas na ako ng storage room at nag-punta sa second floor. Nag-tago muna ako sa likod ng pinto tapos nung tinawag na ni Kuya Jin si Jollibee, boom, pumasok na ako.
BINABASA MO ANG
Yes, we're MARRIED.
Teen FictionA poor high-school girl gets married with an arrogant young man. Will they fall for each other? Or they will fall for each other?