KATHLYN
Nakaupo ako ngayon sa harap ng dining table habang pinapanood si Manang magluto ng lunch. At kakagising ko lang. Napasarap yata masyado ang tulog ko. Naka-gown pa nga ako eh. Hahaha. Pag-gising ko, hindi ko naman naabutan si Terrence. Sabi ni Manang nagmamadali daw kasi may lakad. Monday pala ngayon pero buti nalang at walang pasok. Makakapag-pahinga pa ako. Hehe. Pero, namimiss ko na ang best friend ko. Naiinip ako kaya nagtanong nalang ako kay Manang.
"Manang, kelan pa po kayo nagta-trabaho para kina Mommy?" sabi ko habang nakapangalumbaba. "Hmm, simula nung ipanganak si Terrence, dun na ako nagta-trabaho." sabi ni Manang. Shocking naman. Pwedeng bigyan ng loyalty award si Manang ah. Haha. "Uhm, Manang, kwentuhan niyo naman po ako tungkol kay Terrence." bigla ko nalang nasabi. Napalingon naman sakin si Manang. With this kind of face :""">
"Manang! Ano ba naman po yang tingin nyo. Hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin eh! Kasi naman po diba ano tapos ano kaya ganun! Gusto siyang makilala kasi ano alam nyo na, ano biglaan yung kasal tapos ano po.. Yun po.." sabi ko na medyo nahihiya. Para kasing iba iniisip ni Manang eh! "Hahaha. Wala pa naman sinasabi ah. Ikaw ah, defensive ka.." sabi ni Manag wit mapang-asar na tone.
"Eh kasi naman po eh.." sabi ko. Natawa nalang siya at nagsimulang mag-kwento. "Hmm, si Terrence mabait na bata yun. Nung bandang mga, six years old pa lang yan, mahiyain tapos ang hilig magbasa ng mga libro. Nerd kumbaga. Tapos bihira siyang makipag-laro sa mga bata. Pero naisip ko na baka habang lumalaki siya, lalabas ang ka-pilyo-han niya. At yun, nangyari nga. Hahaha." sabi ni Manang. Sa itsura niyang yon? Nerd? He's like a greek god.
Kung titignan mo kasi ang isang Terrence Valmonte ng malapitan, hindi mo maiiwasang mapa-titig sa kanya. He's almost perfect. His deep black hair, perfectly shaped eyebrows, long curly lashes, seductive jet black eyes, pointed nose, thin pinkish lips. Oh diba? Parang lumabas lang sa billboard ng bench. Kung sa katawan, he has a perfectly broad shoulders, milky white skin, lean muscles at hindi ko alam kung may tinapay. GAH ANO BANG PINAGSASASABI KO?!
Pero kung may isang bagay siyang ibabagsak, yun yung ugali niya. Mayabang, mapang-husga, epal, mahangin, hindi gentleman! Hay, sayang. "Huy iha, kanina ka pa tulala. Wala ka na bang itatanong?" nagulat naman ako ng nagsalita si Manang. Napangiti nalang ako at napailing sabay sabi ng "Wala na po hehe." Napangiti naman s Manang sabay hain sa lamesa. "Oh sige kumain ka na. Wag mo na akong alalahanin kasi maglilinis pa ako." sabi ni Manang sabay alis.
Nag-umpisa naman akong lantakan yung mga nakahain sa lamesa. ANG SARAP (*O* ). Siguro dapat next time mag-paturo ako kay Manang mag-luto. Hehe. Napapasarap naman ako sa pagkain nung biglang may yumakap sa likod ko kaya nabilaukan ako. "Hey." sabi niya sabay upo sa upuan na katabi ko. Inabot ko naman agad yung tubig tapos uminom.
"Ano ka ba? Papatayin mo ba ako?" sabi ko habang inuubo ubo pa. Bwisit na Terrence to talaga. Natawa naman siya bigla. "Relax. Im just teasing you." sabi niya sabay smirk. Wag kang gumanyan parang awa mo na. Natutunaw akooo! Hindi ko nalang siya pinansin tapos tinuloy ko yung pag-kain ko. Naramdaman ko naman na nakatitig lang siya sakin. Hindi ko siya ulit pinansin pero ang tagal na niyang nakatitig. Hindi ako makakain ng maayos!
BINABASA MO ANG
Yes, we're MARRIED.
JugendliteraturA poor high-school girl gets married with an arrogant young man. Will they fall for each other? Or they will fall for each other?