Chapter 2 | His Parents

36 2 0
                                    

KATHLYN

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Napatingin ako sa calendar, saturday pala ngayon. Bumangon na ako at nag-stretch ng katawan. Grabe. Ang sakit sa likod matulog sa banig. Nagsuklay ako ng buhok at nag updo. Tapos lumabas na ako ng kwarto para kumain. Naabutan ko si Kuya na naghahain. Umupo na ako sa tapat ng lamesa. Napatigil si Kuya sa ginagawa nya at napatitig sakin.

"Oh baket kuya?" sabi ko ng nagtataka. Anong problema ne'to. Bigla syang lumapit sakin at bigla akong niyakap. Paghiwalay nya, pinitik nya ako sa noo. "Aray! Ano ba! Kuya naman e!" sigaw ko. Sakit kaya! "Tsk. Ang prinsesa ko, ikakasal na. Ikaw! Bakit nauna ka pang ikasal saken!" reklamo ni Kuya. Doon ko lang naalala yung mga nangyari at napag usapan namin nila Mama kagabi. Ikakasal nga pala ako. Hay nakakainis! "Sorry na kuya. Nabigla din kasi ako nung sinabi nila Mama eh." sabi ko sabay kapit sa braso nya. "Tsaka kasalanan mo din yan. Napaka pihikan mo kase. Haha." Napa-irap lang sya sabay tingin sakin ng masama. "Basta ha. Gusto ko matino yung lalaki na yon. Sabihin mo pag sinaktan ka! Gugulpihin ko." sabi ni kuya sabay pat sa ulo ko. Ang bait talaga! "Yes kuya! Wag na tampo ha! Hehe." sabi ko sa kanya. "Gusto mo bang ikasal talaga?" seryosong tanong ni kuya.

Tss. Tinatanong pa ba yan? "Syempre ayoko. Wala naman kasi akong magawa. Gusto nila Mama. Sabi nila para sakin yun. Naisip ko din na, baka mabigyan nga nya ako ng future." sabi ko kay kuya. "Ayos lang yun. Tsaka mabait naman si Tita Helen pati yung asawa nya. Maalagaan ka nila ng mabuti. Tsaka ako na bahala kila mama. Mas mataas na ang sweldo ko per month. Kaya, wag ka na mag alala samin." sabi ni kuya sabay smile. Sobrang supportive. Kaya love ko to eh. "Hmm, sila mama pala?" sabi ko. Kanina pa sila wala ah. "Ah, haha. Nakipag kita sila sa-- ay ayan na pala eh." sabi ni kuya sabay turo sa likod ko.

May kasama silang isang lalaki at babae. Mukhang mag asawa. Tapos wow ha. Mukhang mayaman. Lumapit sakin sila Mama, si Khate naman pumunta kay Kuya. "Ehem nak, eto nga pala ang aking forever bff na si Helen at ang asawa nya." masiglang pakilala ni Mama sa kanila tumingin ako sa kanila at ngumiti. "..andito sila para sunduin ka." dugtong ni Mama. Bigla akong nagulat pero hindi ko pinahalata. Makiki pag shake hands sana ako pero niyakap ako ni Tita Helen. "Such a beautiful child you have, friendship! Diba Albert?" sabi nya sabay tingin sa asawa nya. Sa tingin ko si Mama ang tinawag niyang friendship. Whoo. "Yes, she's very beautiful." sabi ng asawa ni Tita Helen ba tatawagin ko nalang na Tito Albert sabay ngiti. "Ah.. Salamat po." I said, while smiling awkwardly. Enebe.

"Friendship! Thank you ah. Pumayag kang ikasal siya sa unico ijo ko! Alam mo na. Hahaha. Friendship! Magiging one happy family na tayo!" sabi ni Tita Helen sabay hug kay mama. Tapos tumingin sya sakin. "And, look Albert! She's wearing the ring!" sabi pa nya. Napatingin naman ako sa kamay ko. Nakalimutan ko pala tanggalin >_______<

Yes, we're MARRIED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon